Chapter 64

6.1K 82 1
                                    

Sorry ngayon lang naka pag update ulit. Syempre thank you parin sa mga nagbabasa at sa mga nag add ng story na to sa reading list nila. Nakakatuwa lang kasi. Eto na update na ako ulit.

Happy Reading :)

Vote and Comment lang!
---------------

Sumalubong saakin si Mommy.

"oh anak andyan kana pala, halika dinner ka na!"

"Busog po ako Mi, akyat na po ako, goodnight." sabay halik sa mommy ko.

"ok ka lang ba? Dipa ba kayo ayos ni Liam?" tanong ni Mommy.

"Pagod na po ako Mommy, sige na po akyat na po ako" sabi ko.

"Sige, goodnight!"

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, nakita ko na yung tatlong gown na isusuot ko at yung tatlong sapatos na isusuot ko. Sumilip ako sa bintana ko busy silang inaayos yung garden.

Bukas praktis para sa debut ko ng umaga, gabi pa naman gaganapin e, magkikita kami ni Liam bukas, kailangan na talaga naming mag-usap.

"Happy Birthday Princess" gising saakin nila mommy at daddy. Sabay halik sa noo ko.

"Good morning, thanks mom and dad." at ngumiti ako sakanila.

"Mag-ayos kana at baka dumating narin mga bisita mo, may praktis pa kayo."

"Yes Mom" lumabas na sila ng kwarto ko at ako tumayo na at nag-ayos narin.

After ko maligo simpleng dress lang sinuot ko tsaka ako bumaba. Busy ang lahat. Unang hinanap ng mata ko si Liam, wala siya.

"Anak breakfast kana" pumunta na ako sa kusina para kumain kasabay sila.

After nun pumunta akong garden napa wow ako kasi ang ganda. May background music din silang pinapatugtug.

"Hi Ms. Hannah, nagustuhan niyo po ba?" sabi nung isang organizer.

"Opo, ang ganda" sabi ko

"Hannah andito na yung mga kasama mong magpra-practice" sigaw ni Mommy.

Sinalubong ko na sila.

"So kompleto na ba kayo?" sabi nung magtuturo saamin ng cotillion.

"Si Liam wala" sabi ni Jude

"Saan nagpunta? Nagtext ba sainyo?" sabi ko.

"Hindi e! Di din sumasagot sa mga tawag ko" sabi naman ni Julius.

Mga mga kasama ko sa cheering squad ang mga inimbita ko at yung ibang classmates ko at yung team para sa 18 roses. 17 lang sila wala si Liam, saan kaya nagpunta yun?

"Ok sige tara na, baka humabol nalang yun, sa ngayon ako muna ang partner ng debutant" sabi nung magtuturo saamin

Pumunta kami sa mas maluwang na space ng bahay dun kami nagpractice nung una wala pang music step by step na tinuro niya saamin.

Matapos nun nilapatan na ng tugtug. Nabuo namin yung cotillion na yun na di dumarating si Liam. Galit na nga ako sakanya di pa siya makisama ngayon..

Dun na din pinakain ni Mommy ng tanghalian mha bisita ko mamaya. Tawanan, biruan ginawa namin. After lunch umuwi na din sila. Pero nagpaiwan si Nicole dala niya na kasi isusuot niya mamaya dito na daw siya magbibihis.

Secretly Married ( Completed )Where stories live. Discover now