Chapter 13

9.2K 164 2
                                    

Hannah's Pov

Andito kami sa Cupcake Shop nila Julius, mas lalo ako natakam sa mga nakita ko, gusto ko bilihin lahat. May bussiness din pala sila, dito nalang kaya ako.

"Oh cupcakes para sainyo" nilapag niya na yung tray ng cupcakes.

"so yung binibigay mo saakin, dito mo binibili sa store niyo?" tanong ko

"Nope" maikli niyang sagot

"ibig sabihin, ikaw ang nagbake ng mga yun?" tanong ko habang may laman bibig ko

" oo" sagot ni Julius na naka ngiti.

"Kala ko kasi joke lang!"

"Tikman muna Hannah, magugustuhan mo talaga to" sabi naman ni Nicole.

Tinikman ko na nga yung cupcake, wow ang sarap as in.

"mmm... Masarap to ah" pwede bang bumili ng isang box?"

" oo naman, di na treat ko na, ikaw din Nicole bibigyan din kita"

"Naks, thanks Julius"

"Matagal mo na bang gusto si Liam?"

Tanong ni Julius, bigla nalang ako nabilaukan.

"Ahe...ahe.. Ahek... Anong klaseng tanong yan?"

"Halata naman kasi, so may gusto ka talaga sakanya?"

"Oo meron highschool palang kami, mahal niya na si Liam, pero eto namang si Liam, pakipot pa!"

"Nicole!" saway ko sakanya

"Sorry Julius ha"

"ewan ko ba naman sayo Hannah, bakit dun pa kay Liam ka nagka gusto" sabi ulit ni Nicole! Sasaksakan ko ng malaking cupcake bibig nito e.

"Ewan ko ba kahit ang sungit at mayabang diko parin magawang tumingin sa iba? Alam niyo yung ang lakas ng dating pag ganun yung lalaki"

"Yeah right, pero over naman yung kay Liam"

"Tama na nga yan! Tara hatid ko na kayo, ay wait yung cupcake niyo" tumayo siya sa upuan niya at pumunta sa loob.

"Ano oras na ba?" tanong ko kay Nicole

"7:30pm na"

"Naku, kailangan ko na umuwi, sige pasabi kay Julius nauna na ako, ingat kayo sa pag-uwi ha. Ba-bye!" bumeso na ako skanya at tumakbo palabas. Pumara na ako ng taxi.

Lagot ako kay Liam late ako umuwi, ang tanong may paki alam ba siya? Diba wala naman? Sa nararamdaman mo nga sakanya wala siyang pakialam e.

Pagkarating ako sa bahay, binuksan ko yung gate dahan dahan...

"Ma'am Hannah... Andyan na pala kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Sir Liam"

Nagulat pa ako kay manang, naku naman, lagot talaga!

"Sssshhhh.... Manang naman e, aatakihin ako sainyo!"

"Saan ba kayo galing?"

"Bakit ngayon ka lang" masungit na tanong ni Liam, patay! Ingay kasi ni manang e, Ok magtaray ka din Hannah.

"Ano pake mo?" tsaka ako pumasok sa loob!

"Hoy Hannah... Kinakausap pa kita"

"ewan ko sayo!"

Tsaka ako umakyat at dumeretso sa kwarto ko.

"Ok Hannah, good job!" tss kala niya..

Nagpalit na ako ng damit tsaka ko humiga sa kama, tsaka ko sinalpak yung earphones ko at pumikit.

Secretly Married ( Completed )Where stories live. Discover now