Chapter 32

8.3K 148 0
                                    

Pagdating namin dun, umorder na siya ng cupcakes habang hinihintay ko siya sa table namin.

"Oh eto para sayo pampawala ng sakit sa puso, hehe" sabi niya.

"Haha di naman ako broken hearted e, talaga to" sabi ko sabay subo nung cupcake.

"Ako pa niloko mo, halata naman, tignan mo mata mo mugto parin, kwento na makikinig ako" sabi ni Julius.

"Si Liam kasi"

"sabi na si Liam yan e, nagseselos ka no?"

"Hindi, ah basta di ako nagseselos sakanila" sabi ko sabay tusok ng tinidor sa cupcake.

"Uy dahan dahan naman papalitan mo yan, hahaha joke lang! Indenial ka pa dyan, sige na ubusin mo na yan para maihatid na kita sainyo".

Buti andito si Julius, kahit papano nawala yung sakit ng nararamdaman ko kay Liam, pinatawa niya ako kwentuhan kami  ng kahit ano, Ok si Julius kung di lang ako kasal kay Liam sinagot ko na to nun.

"Ok kana? Tara hatid na kita sainyo". Sabi ni Julius.

"Sige, gusto mo e" sabi ko nalang at ngumiti.

Lumabas na kami at sumakay na sa kotse. Dahil di nila alam kung saan yung bahay namin tinuro ko nalang.

"Ah dito nalang po sa tabi, thank you Julius ha".

"Wait kotse ni Liam to ah". Sabi ni Julius.

Bat andito yun? Ano nanaman bang gusto niya? Bumaba din si Julius sa kotse si Liam lumabas din sa kotse.

"Hannah please, talk to me!" tumakbo siya palapit saamin.

"Umuwi kana wala tayong pag-uusapan baka magselos pa GIRLFRIEND MO!" napalakas na boses ko, napalabas tuloy si Mommy sa bahay.

"Hannah... Liam..." sabi ni Mommy

"Mommy!" sabi ko.

"Good evening Ma'am" sabi ni Julius.

"Ano bang nangyayari?"

"Mommy sorry!" sabi ni Liam

"Hannah please makinig ka saakin, Sorry kasi nasaktan nanaman kita. Mali lahat ng nakita mo yung sa gym yung kanina hindi para kay Eya yung ginawa ko kanina, para sayo yung sorry na yun, at... At yung sa gym siya lang nag assume na kami".

"Sorry Liam di ko na pagsisiksikan sarili ko saiyo. Lagi namang ganito e! Wag kang pakitang tao kay Mommy kasi di mo naman ako minahal. Mas mabuti na yung ganito tayo, ipapakuha ko nalang ibang gamit ko sa bahay. Gusto ko na makipag divorce sayo!"

"Divorce??? Kasal kayo?"

"Yes Julius, we're secretly married". Sabi ko kay Julius.

"Dahil ba ayaw mo ko patawarin dahil kay Julius ha?"

"NO!!! kaibigan ko siya. Di dahilan yun bakit di kita mapatawad, Alam mo bakit ang sakit dito...*turo sa puso*. Mas mabuting bumalik nalang tayo sa dati. Julius salamat sa paghatid, pinasaya mo ko. Salamat.." tsaka ako pumasok sa gate namin hanggang sa loob.

"Sige, alis na po ako Ma'am" narinig kong sabi ni Julius bago ako makapasok sa loob.

"Salamat sa paghatid sakanya Hijo, ingat ka!" sabi ni Mommy.

Tama ba ginawa ko? Ewan ko! Nagkulong nalang ako sa kwarto ko nakahiga sa kama habang nakatitig sa malaking picture namin ni Liam.

Secretly Married ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon