Chapter 43

7.8K 131 0
                                    

Hannah's Pov

Andito kami sa kwarto ni Liam, parang ang awkward sa pakiramdam, ewan!!! Siguro ok na kami ulit, asawa niya ako tapos andito kami sa kwarto niya, Alam niyo yun?? Pero erase erase... Tumitingin siya sa mga cd rock niya ano papanuorin namin kaya nasabi ko.

"Liam wag yung alam mo na..." nakakahiya Hannah..

"Yun nga papanuorin natin e" seryoso niyang sabi, kaya nagulat ako.

"WHAT??? Alis na ako" tumayo ako sa couch at naglakad papuntang pinto.

"Oopss... Joke lang, wala ako nun, kahit kalkalin mo mga cd's ko, gusto mo ikaw pumili tapos yun nalang panuorin natin" hinawakan niya ako sa braso para pigilan, tapos ngumiti siya saakin.

"Diko alam ganito pala mga gusto mo, Puro lovestory. Bading ka siguro!" sabi ko, bihira kaya sa lalaki yung mahilig sa mga ganitong story. Kaya biniro ko siya makaganti man lang.

"Sinong Bading?" tanong niya at nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, as in ang lapit, medyo nanlaki mata ko dun di ako nakagalaw. Bigla naman ako natauhan.

"Joke lang, ilayo mo nga mukha mo, baka magkapalit tayo" tsaka ko hinawakan muka niya para mailayo ko siya.

"Tsk... Halikan kita dyan e!" bulong niya, kala niya siguro di ko narinig. Diko alam magiging ganito kami ka close.

"Ano sabi mo?" sabi ko, kunwari diko alam.

"Wala, sabi ko kung nakapili kana?"

"Eto nalang!" sabi ko tsaka ko inabot yung movie na papanuorin namin.

Tapos yun na sinalang niya na, naupo ulit ako sa couch nung naayos niya na tumabi siya saakin. Nagsimula na yung palabas seryoso kaming nanunuod.

Actually nakakakilig, Una palang alam ko na alam kong kinikwento niya nalang yung lovestory nila, at the same time nakakaiyak. Kasi parehas silang namatay yung sabay mismo tapos magkaholding hands pa sila. Hayy

"Naiyak ka ata" tanong ni Liam saakin, pero siya din halata.

"Eh nakakaiyak din pala yan kahit lovestory, ang ganda pala" sabi ko.

"sa lahat ng cd ko, eto pinaka gusto ko. Oh pili ka ulit!" sabi niya saakin ulit.

Pumili ako ulit, kahit medyo inaantok na ako, Ok lang wala din namang pasok bukas. Inabot ko yung isang cd "The Vow" yung inabot ko.

Liam's Pov

The Vow naman papanuorin namin, pagkasalang ko umupo ulit ako sa couch. Nanuod na kami ulit, seryoso kaming manuod, diko alam na parehas kami. Nasa kalahati na yung pinapanuod namin, nagulat ako kasi bigla nalang bumigat yung balikat ko, Si Hannah ayun bagsak, inayos ko lang siya ng konti tapos hinawakan ko kamay niya.

"Sana ganito nalang tayo, ang bakla pakinggan. Diko pa naramdaman yung ganito, alam ko lagi kitang nasasaktan, promise ko sayo di na kita sasaktan. Ikaw yung babaeng ipagdadamot ko sa mga lalaki. Basta saakin ka lang maniwala. Konti nalang maayos din to."

Binuhat ko na siya at hiniga ko sa kama ko, tsaka ko siya kinumutan, pinatay ko na din yung tv, pinuntahan ko siya ulit.

"Goodnight" tsaka ko siya hinalikan sa noo.

Ako naman sa couch ako matutulog, kahit papano lalaki parin ako. Respeto ko na rin yun.

Secretly Married ( Completed )Where stories live. Discover now