Chapter 39

7.9K 122 0
                                    

Sorry guys kung putol putol ako mag update, hehehe nag-iisip din ako kung ano magandang karugtong. Hehe.. Thank you parin sa pag hintay sa mga update.

Liam's Pov

Dahil vacant namin mas pinili kong sa gym ako tumambay. Umupo ako sa bleachers inaalala ko mga nangyari kagabi. Tinamaan na ata ako.

"Uy! Liam tulala ka diyan." pang gugulat saakin ni Julius.

"Oh Julius, andito ka?" tanong ko.

"Dito din punta ko, kaya lang nakita kitang nag-iisa kaya dito na ako sa pwesto mo".

"Ah ganun ba?" sabi ko nalang.

"Liam tungkul sainyo ni.." diko na pinatuloy sasabihin niya kasi alam ko na pag-uusapan namin.

"Oo totoo lahat yun! Diko naman ginusto yung mga nangyayari."

"e bat kasi ayaw mo pa aminin na asawa mo si Hannah para di na dumidikit sayo yang Eya na yan."

"pare di ganun kadali yun, kasi pwede gumanti si Eya hindi saakin kay Hannah. Kinausap ko naman siya tungkul sa sitwasyon. Ipapakilala ko din siya. Ewan ko ba bakit naging ganito ako sakanya, dati inis na inis ako pag nakikita ko siya, kaya nga nagamit ko si Eya baka sakaling bumitaw na siya. Pero baliktad ako yung nasaktan, ako yung ayoko siya mawala"

"Isa lang ibig sabibin niyan pare, Mahal mo si Hannah! Pero eto lang ha, pag nasaktan ulit si Hannah di ako magdadalawang isip na agawin siya saiyo. Hahaha"

"Subukan mo lang pare, di na nila makikita katawan mo. Hehehe"

"loko ka talaga, alam ko namang nasayo ang loyalty ni Hannah una palang."sabi ni Julius saakin.

Mas naging close kami ni Julius, siya yung nakakasama ko na kaklase kong lalaki atsaka magkasama kami sa team. Kasama na din namin siya sa barkada.

"Babe andito pala kayo" bilang dating naman ni Eya kasama sila Elisa at Glenda.

"Paalis na nga kami e, tara pare" tumayo kami ni Julius.

"teka bat ganyan ka saakin Liam? Girlfriend mo ko" pagsusungit ni Eya.

"Stop acting Eya, you're not my Girlfriend and stop calling me babe!" narinig din nung iba usapan namin ni Eya kasi halos pasigaw ako magsalita, nagtinginan din yung ibang estudyante saamin.

"No Liam, Stay! Bakit may iba ka bang gusto?" sabi niya, diko alam kung paiyak na siya o nagpapa awa lang e.

"Honestly Yes, malayo sa ugali mo, yung saatin dati wala yun, ginamit lang kita para pagselosin siya at ikaw kumagat naman. Sorry Eya walang tayo" tsaka kami umalis ni Julius sa gym.

Eya's Pov

Humanda saakin yung babaeng nagugustuhan ni Liam... Akin lang si Liam.

"Ano balak mo ngayon?" tanong saakin ni Elisa.

"Hahanapin ko yung babaeng gusto niya, humanda siya saakin".

"alam mo Eya, Liam is right di kayo! ikaw lang naman nagsasabi sainyong dalawa na kayo". Sabi naman ni Glenda.

Tinignan ko siya ng masama.

"Ok ok edi kayo! Sabi mo e" sabi ulit ni Glenda.

"Sa ngayon gusto ko malaman sino yung babaeng gusto ni Liam, let's go girls" sabi ko.

Secretly Married ( Completed )Where stories live. Discover now