Chapter 2

15K 454 39
                                    

NAGLIBOT-LIBOT muna si Rin sa mga bangketa habang naghihintay kay Cholo. May aasikasuhin lang daw ito sa munisipyo kaya habang hinihintay niya ito ay naglibot muna siya sa bayan. Napadpad siya sa estante na nagtitinda ng mga fancy jewelries. Napangiti siya nang makakita ng isang singsing na may batong kakulay ng sapphire. Nang subukan niyang isuot iyon sa palasingsingan niya ay napangiti siya nang makitang saktong-sakto iyon. A perfect fit.

"Gusto mo ba 'yan, Ganda? Wampipti lang 'yan. Isang daan na lang para sa'yo dahil maganda ka." Anang babaeng tindera sabay kindat sa kaniya.

Napangiwi siya. Hindi niya gusto ang mga salita nito kanina. The way she said wampipti made her feel disgusted in a way. Umiling na lang siya at iwinaksi ang iniisip. Kaagad niyang binayaran ang singsing at naglakad na papunta sa munisipyo para tingnan kung tapos na si Cholo sa pag-aasikaso ng mga sinasabi nitong dokumento. Medyo malayo-layo ang munisipyo kaya mahaba-habang lakarin ang gagawin niya.

Nasa kalagitnaan siya ng pedestrian lane nang makarinig siya ng isang napakalakas na busina ng isang sasakyan. The next thing she knew, she's already lying on the ground. Excruciating pain is all over her hips. Saglit pa ay narinig niya ang mga singhap at kaguluhan ng mga taong naroroon bago siya mawalan ng malay.

GREGO immediately picked up the telephone beside him. "Hello?"

"Mayor Perez. This is Dr. Lim. 'Yung ex-wife niyo po, isinugod dito sa ospital." Bungad ni Dr. Lim kay Grego. Dr. Lim is their family doctor kaya hindi niya maintindihan kung bakit tumatawag pa rin ito sa kaniya.

"Ikaw na rin ang nagsabi, Dr. Lim. She's my ex-wife. So, why are you calling me right now? She's on her own. I don't give a damn kung nakaratay na siya diyan sa ospital. Bakit hindi mo tawagan ang kabit niya?" He's pissed. Bakit ba lagi na lang siyang iniistorbo ng babaeng 'yon?

"Pero, Mayor. Hindi ko naman kilala ang kabit nitong si Pau."

He heaved a sigh. "You can figure something out." Kaagad niyang binaba ang tawag. Frustrated, he leans back on his swivel chair. Napahilot din siya sa sentido sa sobrang stress. Okay na ang buhay niya. He lives comfortably on his own. Bakit pa biglang bumalik ang babaeng kinaiinisan niya?

Pauline is one hell of a lying, conniving bitch. She's a cheater. A dirty woman. A stink. Trash.

He heaved a sigh. Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang maghiwalay sila ni Pauline. Eversince the accident, bigla na lang itong nagbago sa kaniya. She's not the same Pauline he once knew. Biglang naglahong parang bula ang Pauline na minahal at pinakasalan niya noon. After a few weeks since that accident, bigla-bigla na lang itong nag-file ng annulment. She desperately wanted to get half of their conjugal properties pagkatapos ay sumama na ito sa kinakasama 'kuno' nito.

Three years have passed and yet, it still hurts. Hindi madaling kalimutan ang mga panahong magkasama sila ni Pauline. She's the girl of his dreams. She's beautiful, passionate, smart, and sweet. Limang taon silang nagsama at sa loob ng limang taon na iyon bilang mag-asawa ay wala silang naging problema. Lahat ng mga pagtatalo nila ay nadadaan sa mabuting usapan at sa mainit na pagtatalik. Kaya hindi niya naintindihan kung bakit sa isang iglap ay naghiwalay sila ni Pauline. He thought he was enough. Ang buong akala niya ay kuntento na si Pau sa kaniya. Iyon ang akala niya.

He shook his head, snapping himself out of his own reverie. Dapat ay kalimutan na niya si Pauline. Nagkaroon na sila ng maayos na hiwalayan kaya wala na siyang responsibilidad dito.

"Mahal kita, Grego. Hindi kita iiwan. Pangako 'yan. Masira man ang piano ko."

He let out a sarcastic laugh. Piano. Pauline always loves to play Piano. She grew up having an amazing talent in music kaya mahal na mahal nito ang pagtutugtog sa piano.

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now