Chapter 15

14.5K 348 10
                                    

Hello everyone!

Konting pagtitiis na lang! Malapit na ang end of the world--- char! Hahahaha! Eniweys pupunta ako sa MIBF 2019 sa MOA. Please PM me if gusto niyo akong ma-meet sa venue. Sa September 14 po ako pupunta. Kaya asahan niyong sa September 13 ay completed na ang Something about her dito sa wattpad. Oo nga pala, gusto ko ring magpasalamat sa walang sawa niyong suporta! I love you guys! Hehehehe! Sana patuloy niyo akong suportahan kahit napaka-amateur ko hehehe.

This is a standalone story pero ang mundo na ginagalawan nila Grego at Pau ay ang mundo rin na ginagalawan ng mga Del Fierro. So yeah, magkakaroon ng cameo (laughing aside) sila Grego at Pau sa trilogy ng mga Del Fierro. Hehehehe. May important role si Grego sa istorya ng tatlong magkakapatid kaya expect to see him there hehehehe. Love ko rin si Grego eh kaya ayaw ko siyang pakawalan. Gusto kong ibahagi niya sa ibang tao kung gaano ka-swerte si Pau na mapangasawa siya ayiiiieeeee pero siyempre forever siyang loyal kay potatomeows hahahahha. Hello there, Mrs. Perez. Hehehehe. Ikamusta mo ako kay Erin. Hahahahha!

Okay, let's cheers to 1k +reads and counting! And also, salamat sa 1.25k followers and counting! *cries in chingchong*

-Bella Vanilla

_______


NAGISING si Rin na nananakit ang buong katawan. Nahihirapan siyang gumalaw dahil sa sobrang pangangalay. Pakiramdam niya ay nagbuhat siya ng isangdaang sako ng palay dahil sa pananakit ng katawan.

Luminga-linga siya sa paligid. Magtatakip-silim na at nag-uumpisa na ring umatake ang mga lamok kaya siya nagising. As usual, naririnig niyang nagluluto ang Nanang Marta niya ng hapunan. Good thing she already took a bath before going to sleep. Talagang nanghihina siya at hindi na talaga kinaya ng katawan niya ang pagod. After she took a bath, bagsak siya sa kama.

Nilalamig siya. Pakiramdam niya ay nilalagnat siya. Maybe because she pushed her body to it's limit. Masyado siyang napagod. Maliban doon ay nangangalay din ang mga kalamnan niya sa binti dahil sa ginawa nila kahapon at kagabi ni Grego.

She bit her lower lip. She's sore all over but she wanted to do that again. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya inakalang maaadik siya sa sex ng gano'n.

Nang lumabas siya ng kwarto ay naabutan niya ang kaniyang Nanang Marta na nagluluto ng hapunan nila. Ngumiti siya at nilapitan ito para mayakap ito mula sa likuran.

"Akala mo uubra 'yang yakap mo? Nasira ang kama. Ipaliwanag mo iyon sa'kin."

Napahagikgik siya. Nagtatampo ito dahil may sentimental value ang kamang iyon. Pag-aari pa iyon ng namayapa nitong asawa kaya naiintindihan niya ang Nanang niya.

"Sorry na po, Nanang. Hindi ko naman po sinasadya-"

"Alam kong pinuntahan ka dito ng lalakeng kumupkop sa'yo noong naaksidente ka. Nabalitaan ko sa mga kapitbahay. Magdamag daw siyang hindi umalis dito. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi maisip kung ano ang naging dahilan kung bakit nasira ang kama."

Napayuko siya. Bakas ang galit sa tono ng pananalita ng Nanang niya. "Nang. Sorry po. Hindi ko na po uulitin."

Hinarap siya ng Nanang Marta niya. "Anak, hindi ako galit dahil sa ginawa mo. Naiintindihan kita. Alam kong mahal mo ang lalakeng iyon. Lagi kang balisa dito at parang lumilipad ang isip mo sa kawalan. Naging malungkutin ka na rin simula ng umuwi ka dito. Pero sana naman anak mag-ingat ka lalo na't hindi mo pa lubos na kilala ang lalakeng iyon."

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now