Chapter 22

14.1K 344 4
                                    


NANLULUMO si Grego na pumasok sa madilim niyang kwarto. He didn’t even bother to open the lights. Ayaw niya lang makaramdam ng emptiness sa tuwing makikita niya ang kama na wala si Pauline.

Mahigit dalawang linggo na rin simula nang iwan niya si Pauline sa ospital ng San Rafael. Hindi na niya ito nagawang bisitahin dahil nakaabang sa kaniya ang media at naghihintay sa mga sagot niya tungkol sa naging escapade niya kasama ang asawa. Makakasama kay Pauline ang stress lalo na’t hindi pa nito naaalala ang lahat. Kabilin-bilinan ng doktor na bawal kay Pauline ang matinding stress kaya gagawin niya ang lahat para mailayo si Pauline sa stress at confusion,kahit ang maging bunga no’n ay ang ilang araw o linggo niya hindi mayayakap at mahahalikan ang asawa.

"Pau…"

He closed his eyes firmly. Pilit na iwinaksi ang mga alaala nila ni Pauline. Kung hindi lang dahil sa mga alaalang iyon ay baka tuluyan na siyang nabaliw sa matinding lungkot pero ang hatid naman niyon sa kanya ay labis na pangungulila. He loves remembering his memories with Pau pero mas lalo lang niyong pinapatindi ang pangungulilang kanyang nadarama.

Saksi ang kwartong iyon kung gaano kalalim ang pagmamahal nila sa isa’t-isa. Kung gaano kapusok ang mga damdamin nila sa tuwing ipinaparamdam nila sa isa’t-isa ang kanilang pagmamahal.

Dumiretso siya sa banyo at pilit na iwnaksi sa isipan ang mga alaala nila ni Pauline sa ilalim ng lumalagaslas na tubig ng shower. Ayaw niyang malunod sa matinding pangungulila sa yakap at halik ng kaniyang asawa. Dahil kahit ilang linggo na ang lumipas ay hindi man lang nabawasan ang pangungulilang nadarama para kay Pauline.

Nang makalabas na siya ng banyo ay kaagad siyang naupo at pabagsak na inihiga ang katawan sa kama. Napapitlag siya at marahas na bumangon sa sobrang gulat nang may mahigaang kung ano.

Braso. May nahigaan siyang braso sa kama.

Bigla siyang binalutan ng kaba. Is he hallucinating? Bakit pakiramdam niya ay nahigaan niya ang braso ni Rin?

Binuksan niya ang lampshade sa bedside table. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang asawa na nakahiga sa kama. She’s smiling at him and she’s wearing a very naughty nightgown na hindi abot sa tuhod ang haba. She looks ravishing.

Gusto niya itong kabigin ng yakap at siilin ng halik pero hindi niya magawa. He wanted to make sure that she’s real and not only a product of his imagination.

“A-Ano’ng ginagawa mo dito?”

Bumangon ito hindi para umupo kundi para isandal ang ulo sa headboard ng kama. She flashed him a flirty smile and pulled her nighty upwards, revealing her glorious flawless legs.

Natakam si Grego sa nakita. In an instant, he felt his shaft rising underneath the towel. Pero iwinaksi niya ang pananabik na nararamdaman para sa asawa. He has so many questions bugging inside his head.

“Bakit? Masama bang humiga sa kama natin? Kasal naman tayo, hindi ba? Asawa mo ako.”

Tumango siya. “I know. Pero nagtataka lang ako kung bakit ka nandito. Hindi ba’t nasa ospital ka at nagpapagaling—”.

“Nakalabas na ako ng ospital. Magaling na ako. Dante took care of everything. He did a good job on handling my sister’s case. Nasa mental hospital na ngayon si Eve at nag-u-undergo ng treatment. Kung ang media naman ang inaalala mo, don’t worry. Hindi nila alam na nadito ako. Maging si nanang Marta ay hindi alam na pumunta ako rito.”

Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Rin’s facial expression saddened. Tila may humiwa sa puso ni Grego nang makita ang emosyong iyon sa mukha ng asawa.

“You are mean, Mr. Perez,” puno ng hinanakit siyang tinitigan ni Rin. “Bakit mo ako pinipigilang makita ka? Bakit mo ako pinagbabawalang pumunta rito? Alam mo ba kung gaano kita na-miss?” She sobbed as she continued. “Imagine me alone without you inside that hospital room. It is like being sentenced to hell, Grego,” she ahrugged. “Sinabi sa akin ni Dante ang rason kung bakit mo ako pinipigilang lumabas ng ospital para makita ka. At imbes na matuwa ako ay nainis ako sa’yo.”

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now