EPILOGUE

17.8K 373 29
                                    

PAULINE is composed. Nagtitigan sila ng kakambal niyang si Eve habang nakaupo sa magkaharap na upuan at ang tanging namamagitan sa kanilang dalawa ay ang isang puting mesa.

Naaawa siya sa kapatid na kasalukuyang nakasuot ng hospital gown at magulong-magulo ang buhok. Mukha din itong puyat at hindi kumakain ng tama. Nangangayayat na kasi ito kumpara noong huli niya itong makita last week.

She admitted Eve under the mental hospital’s care. Kailangan iyon ng kapatid niya lalo na’t nagdadalang-tao ito.

“Bakit ka na naman nandito? Hindi kita kailangan,” Pagtataray ni Eve sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Talaga lang, huh? Eh bakit sabi ng nurse na nagbabantay sa’yo, lagi mo daw akong hinahanap?” She teased. Mukha namang nahiya ito bigla dahil namula ang pisngi nito. Kwento naman talaga sa kaniya ng nurse na kinuha niya para sa kapatid ay lagi daw siyang hinahanap ni Eve. Lagi daw itong nagtatanong kung kailan siya bibisita kasama si Erin. Nginitian niya ang kapatid. “Kaya maupo ka na lang diyan at may regalo ako sa’yo,” Excited na wika ni Pauline at binuksan ang box na dala niya.

Eve was just a victim of abuse. Nagkaroon ito ng depresyon dahil sa pang-aabuso ng mga tao sa ka-inosentehan ng kapatid niya. Eve grew up and spent all her life being alone and fed by negative thoughts and beliefs by the people around her. Eve was raped and sexually abused for how many years by a man three times older than her, then she was sold to a prostitution den for a cheap price and worked there for how many years.

Inaamin ni Pauline na masakit ang mga pinagdaanan niya sa kamay ni Eve pero hindi hamak na mas malala ang pinagdaanan nito kesa sa kanya. She understands why Eve thought that she stole everything from her. Siya sana ang nasa posisyon ngayon ng kapatid kung sakaling ito ang napiling ampunin ng mga taong umampon sa kaniya.

Napaka-unfair lang ng mundo para sa kanilang dalawa. There’s nothing to blame but their biological parents. Sana ay ibinigay na lang si Eve sa bahay ampunan kasama siya. Pero ayon sa kwento ni Mr. Patrimonio, sadya daw talagang iniwan si Eve dahil balak daw talaga ng mga magulang niya na ibenta ang kapatid sa mataas na halaga.

Masakit. Masakit isipin na sinuwerte siya at minalas si Eve. Eve deserves to be happy. Eve deserves everything she has. Kaya kahit napakalaki ng naging kasalanan nito sa kaniya ay hindi niya magawang magalit ng lubos. Buhay pa naman siya at nasa kaniya pa naman ang pamilya niya. And about the money that Eve stole? she doesn’t give a damn about it. Marami siyang investments at may pag-aari pa siyang ospital na minana niya pa mula sa mga yumaong adoptive parents niya kaya wala na siyang pakealam sa perang winaldas ni Eve. Ngayon siya mas kailangan ng kapatid niya kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na iyon. Handa siyang bigyan ito ng chansa para bumangon at magbagong-buhay. Hindi niya man kaagad ito mapapatawad sa ngayon pero alam niya sa sarili na bukas siya sa posibilidad na magbabago ang kapatid at magkakaroon ng payapang buhay, malayo sa mundo na kinagisnan nito.

Inilapag niya ang isang cake sa table at sinindihan ang kandila na naroon. “Happy birthday sa ating dalawa. Yehey!” She cheered. Na-amaze pa siya sa kandilang nag-s-spark sa harap niya.

“Bakit ang bait-bait mo sa kabila ng lahat? Bakit mo nagagawang ngumiti sa taong nagtangkang patayin ka?”

Her smile faded. Nagseryoso siya at umupo ng tuwid. “Inaamin kong hindi pa rin kita napapatawad sa ginawa mo.” She met Eve’s gaze. “Believe me if I tell you that I am itching on sending you to jail. Pero anong mapapala ko kung ipapadala kita sa kulungan? Hindi rin ako matatahimik. You are pregnant and you had enough of the cruelty already.” Hinawakan niya ang palad ni Eve na nakapatong sa mesa. “I know there’s goodness inside you. Natabunan lang ng galit at takot na baka abusuhin ka ulit,” She gave Eve a warm smile. “If you’ll give me a chance, I wanted us to be siblings. Gusto kitang makilala pa ng lubos, Eve. I really wanted to know how it feels like to have a sister.” She cupped Eve’s face and smiled. “Because I know that you’ll be an amazing one.”

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now