Chapter 7

14.2K 377 26
                                    

MATAPOS nila maglaro ay nagpasya si Rin na bumaba na para maghapunan sila ng bata. Maghapon silang naglaro ng bata sa loob ng kwarto nito at masyado silang nag-enjoy kaya hindi na niya namalayan ang oras. Maliban doon ay nakipagkwentuhan pa siya sa mga kasambahay tungkol sa naging asawa ni Grego na si Pauline.

“Totoo! Noong una kitang makita ay akala ko ikaw si Maam Pauline. Magkamukhang-magkamukha kasi talaga kayo. Kung hindi lang siguro sinabi ni Sir Grego na hindi ikaw si Maam ay baka sinugod ka na namin ng yakap noong unang dating mo dito,” Anang mayordoma sa kaniya. “Mahal na mahal kasi naming lahat si Maam. Wala kang makikitang kapintasan doon. Ni hindi niya kami inuutus-utusan lang dito sa bahay. Katulad mo rin siya. Mahilig siyang makisabay sa amin kumain.” Saad pa nito.

Napangiti na lamang siya nang sumang-ayon sa mayordoma ang iba pang kasambahay na kasabayan nilang kumain.

“Kaya hindi namin maintindihan kung bakit biglaan ang paghihiwalay nila ni Sir Grego. Mahal na mahal ni Sir si Maam, eh. Mahal na mahal din naman ni Maam si Sir dati. Ewan ko ba,” anang isang kasambahay na si Aling Mercy. “Halos araw-araw naman silang nagtatalik ni Sir doon sa itaas kaya imposibleng nagkulang si Sir.”

“Uy!” Saway ng mayordoma sa kasamahan nito. Nagsitawanan ang mga kasambahay na kasama nila sa hapagkainan. Kaagad niyang tinakpan ang tenga ni Erin para hindi nito marinig ang pinag-uusapan nila.

“Totoo naman ah! Ang ingay kaya ni Maam! Sarap na sarap eh! Kaya sigurado akong malaki ang ano ni Sir.”

“Tumahimik ka Mercy! May kasama tayong bata dito. Dalaga si Rin at hindi niya dapat marinig iyang mga kabastusang lumalabas sa bibig mo.”

“Totoo naman ah? Hindi ba minsan nahuli mo rin silang nagtatalik sa sofa?” Ayaw magpatalo ni Aling Mercy kay Aling Tess.

Bigla siyang namula. Nahihiya siya sa mga pinagsasasabi ng mga ito at hindi niya maintindihan kung bakit.

And then it hit her. Iyon naman pala eh. Mukhang maayos naman ang pagsasama ng dalawa pero bakit naghiwalay ang mga ito?

Iwinaksi niya iyon sa isipan. Ayaw niyang mag-isip ng malalim. Isa iyon sa mga ayaw niya. Ayaw niyang nafu-frustrate, lalo na’t naiinis siya kapag nai-imagine na may kasiping si Grego.

Pagkatapos nilang kumain ay inaya siya ni Erin na pumunta sa music room kung saan daw laging tumatambay ang Mommy nito dati.

“Daddy said that Mommy used to play here with that piano.” Itinuro nito ang piano sa badang sulok ng puting music room. The room is all white. Plain and simple. At ang tanging mga kasangkapan lang na naroon maliban sa piano ay ang mga music instruments kagaya ng gitara, violin, at drum set. Maliban doon ay wala ng ibang music instruments na matatagpuan doon sa lugar.

May mga music albums din ng mga sikat na mga classic songs na maayos na naka-hilera sa shelf at may mga moderno ding mga gadgets kagaya ng Flat screen TV at dalawang medium-sized speaker na nasa corner ng kwarto. This room is literally what she pictures in her mind as her future music room she’ll build for her self. Seeing a place like this reaaly makes her heart beat in its fast rate. Ang maka-apak sa isang totoong music room ay langit na para sa kaniya. Siguro nga ganoon ang pakiramdam kapag nakakaapak ka sa isang lugar na gustong-gusto mong mapuntahan. Excitement is literally rushing through her veins now.

She immediately ran towards the piano and sat down to the chair nearby and began to play a familiar song in her mind. Then, suddenly, the white room was filled with kaleidoscopic orange and light peach colors. Napakaganda niyon sa paningin.

Pumikit siya at tinugtog ang bawat nota na nasa isip niya. The best thing about being a synesthete is she can memorize musical notes fast because she sees notes as colors. Sa tuwing makakarinig siya ng tugtugin ay nakakakita siya ng mga kulay na akala niya noon ay normal lang na nakikita ng mga tao.

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora