Chapter 19

12.7K 310 4
                                    

Warning: Rated SPG





“AALIS KA na kaagad?” Nalungkot si Rin nang makitang nagsusuot ng sapatos si Grego. Mukhang may importante itong lalakarin.

Ilang araw na simula nang pumayag ang Nanang Marta niya na doon muna matulog si Grego dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Delikado kasing bumyahe papuntang bayan kaya wala silang magawa kundi patulugin doon si Grego sa bahay nila. Mabuti na lang at naitabi ng Nanang Marta niya ang mga lumang damit ng yumao nitong asawa kaya may naisuot si Grego sa ilang araw na pananatili nito sa bahay nila.

Ilang araw na rin ang nakalilipas at hindi pa rin nakakabisita sa kaniya si Cholo. Siguro ay busy ito sa trabaho nito sa lungsod at matatagalan pa bago makauwi. Pero hindi iyon ang inaalala niya. Iniisip niya kung paano sasabihin dito na sila na ni Grego… na isinumpa na niya ang pag-ibig niya kay Grego.

Medyo pahirapan ang paghanap ng signal ng mobile phones sa kanilang barangay dahil malayo sila sa bayan kaya ang nangyari ay iisang beses lang nilang nakausap ni Grego ang anak nitong si Erin. Dahil din doon ay kailangan talagang makapunta ni Grego sa bayan para magawa ang mga dapat nitong gawin. Sa bayan lang kasi nila malakas ang internet connection at bukod pa roon ay nandoon din ang mga kakailanganin ni Grego para ma-contact ang secretary nito.

“Aalis muna ako. May aasikasuhin akong importanteng bagay. Don’t worry, I’ll be back.” Hinalikan siya ni Grego sa labi. “By the way, ano’ng ipapabili mo sa bayan? May mga pagkain pa ba yung pamilya nila Denden?” He chuckled. Ang tinutukoy nito ay ang mga alaga niyang manok.

Maging siya ay natawa na rin. “Opo. May pagkain pa po sila. Binigyan ako ng mga kapitbahay ng pagkain ng mga manok kasi hindi ako nakabili nung nakaraan.” Niyakap niya ito sa tagiliran at masuyo namang umakbay ang asawa sa kaniyang balikat.

“Eh ikaw? Anong gusto mo? What does my beautiful wife wants?” His eyes sparkled with desire. Napailing-iling siya.

“Kailangan mo ba talaga akong araw-arawin at gabi-gabihin? Baka magsawa ka na niyan.”

“Pft! Hell no! Hinding-hindi ako magsasawa sa’yo.” He dived to capture her lips. “I guess you wanted me to  come here freshly shaved and clean?” May pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Umiling siya. “No. I like your face spike-y. I like it.” Ibinuro niya ang mukha sa tagiliran ng asawa. “I’ll be the one to shave down there. Hihintayin kita.” Halos umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa mga sinabi. Narinig niya ang mahinang tawa ni Grego bago niya maramdaman ang marahang dampi ng labi nito sa kaniyang sentido.

“I must be going. Male-late na ako sa meeting ko with Mr. Patrimonio.”

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Grego. She will miss him. Halos pa lang ay ayaw niya itong umalis.

“Hey, baby. Look at me.” He held her chin to tilt her face upwards. Nang magtama ang mga tingin nila ay ngumiti ito. “Uuwi din ako kaagad. I’ll just talk to Mr. Patrimonio and pack my things, tapos uuwi na ako rito. I’ll spend the rest of my week-off here. Pagkatapos ay isasama ko kayo ng Nanang Marta niyo sa Poblacion. Isasama din natin sila Denden, okay?”

Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko alam kung papayag si Nanang na manirahan sa lungsod. She loves this place.”

“Then we can visit her here every weekends. Magpapaalam tayo ng maayos sa kaniya.”

Tumango na lamang siya. “Sige.”

He smiled. “Make sure you shave later. Sisisid ako d’yan mamaya,” he winked at her. Ang mga mata ni Grego ay nakikitaan ng matinding pagnanasa at pananabik.

Something About Her (EROTIC ROMANCE)Where stories live. Discover now