Chapter 4:Sogros

12.5K 561 5
                                    

Meet <Dove Cameron> as
Fellisy Hreck The Nature Princess
Nasa taas ng multimedia yung photo nya.
____________

Helliazy's P.O.V

Hayss hindi ko talaga maintindihan ang ibang mga enkantado,sobrang mahal na mahal talaga nila ang gumawa ng kwento.

Kasalukuyan kong ipinapakita sa kanila ang pansamantalang tutulugan nila ngayong gabi,dahil sadyang marami ang silid tulugan dito sa tower ay hindi na nila kailangang magtabi-tabi pa.

Itinuro ko sa kanila ang mga kwartong uukopahin,hindi ko maintindihan pero minuminuto yata sila kung ngumiti.

Sobrang dali lang para sa kanilang ngumiti kaya inaabuso nila ito,samantalang ako ay hindi man lang maka ngiti kahit pilit.

Dumiretso ako sa aking silid ng matapos ko silang ihatid sa kanilang mga silid tulugan.

Nang maka pasok ako sa aking silid ay nag-empake na ako ng aking mga gamit at pagkatapos ay kinuha ko ang libro ng mga emosyon at expresyon saka umupo sa gilid ng aking higaan.

Kakaiba ang araw na ito dahil may kakaiba akong naramdaman at sigurado akong isa iyong emosyon,masusing binabasa ko bawat pahina ng libro at tama nga ako na isang emosyon ang aking naramdaman kanina.

"Paghanga"basa ko sa emosyon, ito ang aking naramdaman sa isa sa mga lalakeng enkantado kanina.

"Paghanga?Hanga.......
PAGHANGA!!!!"halos mapatili kong sambit pero nakalimutan kong di pala ako marunong tumili kaya ibinagsak ko nalang ang aking katawan sa aking malambot na higaan habang ang aking libro ay nasa aking dibdib.

Saglit akong napa hinto at nilibot ang aking tingin,hindi ako maka paniwalang aalis na ako sa lugar na to,matagal rin akong nanirahan dito,
Ito ang lugar kung saan ako nagising ito rin ang lugar na aking kinalakihan kaya minsan nagdadalawang isip akong umalis.

Ngunit buo na ang aking pasya na umalis at magsimula ng panibagong yugto ng aking buhay sa lugar kung saan ay magiging malaya ako,sa lugar kung saan ko matutuklasan ang kakaibang ganda ng mundo.

Gusto ko maramdaman kung pano sumaya,kung paano ngumiti at kung pano tumawa ng kay lakas.

Sa wakas ay makakalaya na ako sa kadiliman at mapapadpad na ako sa lugar na puno ng ngumingiting enkantado at ang maririnig lamang ay ang kanilang mga tawa.

"Hayy....paalam na aking tahanan huling tulog ko na to rito dahil aalis na rin ako bukas."ani ko at pumikit.

...

...

...

Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon,saglit akong napa titig sa kisame ng aking silid at agad na tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo pagkatapos ay nagbihis na ako at tumuloy sa labas dala ang aking nag-iisang bagahe.

Nakita kong naka handa na sila at naka upo,bago ako bumaba ay inilabas ko si Shade ang aking taga paglingkod.

"Shade paki dala naman nyang bagahe ko"utos ko rito gamit ang telepathy.

"Opo Master"sagot nito at nag bow.

Tumango nalang ako at tumuloy sa pagbaba ng makita nila ako ay nagtayuan sila at bahagyang napa hinto,magsasalita na sana ako ng humakbang paharap ang isang lalake at deretso akong tinignan bago ngumiti.

"Hi!Miss Helliazy ako nga pala si Maxx hindi na ako naka pagpakilala dahil tinakpan ng kaibigan kong si Cy-----"hindi na naituloy ng lalaking nagngangalang maxx ang kanyang sasabihin ng may bumalot na kapangyarihan ng hangin sa kanyang bibig.

"Stop it Maxx so annoying"sabi nung lalakeng may dual magic?nararamdaman ko ang kanyang dual magic,pero papanong nag karoon sya ng ganon?haysss nevermind.

Ngunit imbes na hayaan na lamang iyon ay patuloy paring nagsalita ang aking bibig,"You're a Dual Magic user right?"tanong ko,tsk ewan ko ba bakit ko pa tinanong yun.

"Yes"tipid nitong sagot na aking ikina tango  at na unang lumabas.

Nasa labas na kami ng barrier ng aking teritoryo at saglit akong huminto at pumikit,saka gumawa ng Death Barrier,ang barrier na ito ay nakakamatay kung susubukin mong pumasok maliban nalang sa nagmamayari nito.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa'kin ang kadiliman ng barrier saka ako napa harap sa aking mga kasamahan at inaya silang magpatuloy sa paglalakbay patungo sa sinasabi nilang Paradise Academy.

Habang naglalakad ay rinig na rinig at kitang-kita ko silang habang nagtatawanan,nasa likuran lamang kami ni shade dahil na rin sa hindi ko alam ang daan patungo sa paaralan na iyon.

Agad kaming napa hinto ng biglang lumabas ang isang Sogros,isang ogre na may limang ulo ngunit tig isa lamang ang mata nito sa bawat ulo at may anim na kamay ito at kulay pula na parang dugo ang katawan nito.

"ROOOOOAAAAARRRRRRRRR"
biglang amok ng halimaw at lumapit sa aking mga kasamahan na napa atras naman maliban sa akin na malayo-layo sa kanila.

Agad na nagtransform ang mga suot ng aking mga kasamahan at napalitan iyon ng battle suit.

Naglabas ng Ice Sword si Raffy habang si Maxx naman ay naglabas naman ng Water Dragon,at ang babaeng naka pulang battle suit ay gumawa ng Fire Chain ang naka green naman na battle suit na babae ay pinalibutan ng Nature roots ang Sogros habang ang lalakeng may dual magic ay agad na umatake gamit ang lightning speed nito.

Umupo na lamang ako sa damuhan habang silang lima ay patuloy sa pagsugod sa sogros.

Sa tingin ba nila ay matatalo nila ng ganon ganon lang ang sogros na yan?hayss gawa ng Bloody Demons ang sogros na kinakalaban nila ngayon kaya sa malamang ay hindi mamamatay ang isang yan sa mga sipleng atake lamang.

"Master mukhang nahihirapan na po sila"sabi ni shade sa akin.

Naka upo parin ako at napa iling-iling.

"Malalakas ang mga yan hayaan mo sila"sagot ko at patuloy na nanood sa labanang nagaganap.

Sugatan at nang hihina na silang lahat habang ang sogros naman ay galusan na ngunit malakas parin ito.

Agad na lamang akong tumayo at lumapit sa kanila saka nagsalita.

"Tama na"malamig kong awat na kanilang ikina hinto at kunot noo akong binalingan.

🐰
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now