Chapter 32:Sick

7.3K 370 10
                                    

Third Person

Umagang umaga pero hindi mapakali ang Prinsepeng si Polaris dahil sa di malamang dahilan,nanhihina at mapukla rin ito,hindi rin nito maintindihan kung bakit sumasakit ang batok nito na pilit nitong iniinda kahit na sobrang hinang-hina na sya sa di malamang dahilan,parang may kulang at hindi ito mapakali at nararamdaman nitong may maling nangyayari.

Habang sa dorm naman nina Cyrus ay patuloy na naghahanda upang sa gaganaping Hard training ngayong araw.

"Chy,Fell asan si Iazy?"tanong ni maxx sa kabababa lang na sina Chyrrie at fellisy,nagkatinginan naman ang dalawa bago magsalita.

"Bakit di pa ba sya bumababa?"nagtatakang tanong ni Fellisy,maaga laging nagigising si Heliazy kaya nagtataka ang magkakaibigan kung bakit wala pa ito,kadalasan ito ang naghahanda ng kanilang almusal ngunit wala pa ito at hindi naman nila nakitang lumabas ang dalaga.

"Teka titignan ko sa kwarto nya"prisinta ni Chyrrie at nagmamadaling umakyat ulit.

Pagkarating ni Chyrrie sa harap ng pinto ni helliazy marahan itong kumatok at tinawag ang pangalan ng kaibigan.

"Iazy?*tok!tok!*"tawag nito pangatlong ulit itong ginawa ni Chyrrie at ng hindi parin sumagot si helliazy marahan nitong binuksan ang pinto at bahagyang sumilip.
"Iazy?"tawag nito at tuluyang pumasok.

Pinagmasdan muna si Chyrrie ang paligid at nang dumako ang tingin nito sa sahig nakita nito ang walang malay na si Helliazy habang yakap yakap ang isang libro.

Agad-agad itong tumakbo papunta sa kaibigan at itinabi ang librong yakap nito saka ipinatong ang ulo ng dalaga sa hita nito,"Iazy?!"sabay tapik sa pisngi nito"gising!Iazy!!" natataranta nitong tawag sa kaibigan at pilit itong ginising.

Hindi parin gumigising si Helliazy kaya marahan nitong nilapag ang ulo sa sahig at dali-daling lumabas si Chyrrie at agad na humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan."Tulong!guys si Helliazy--"natataranta nitong ani,hindi paman naitutuloy ni chyrrie ang kanyang sasabihin agad na tumakbo paakyat si Cyrus at sumunod naman ang mga kaibigan nito.

Gulat na napa tingin si Cyrus sa naka handusay na dalaga kaya agad itong dumalo at mahinang tinapik ang pisngi nito hindi alintana ang mainit nitong katawan."hey!wake up!!hey!" natatarantang ani Cyrus.

Nang makarating narin sina fellisy agad itong lumapit at tinulungang gisingin ang dalaga,"teka muna"awat ni fellisy kaya agad na napa tigil ang apat sa paggising kay Helliazy.

Hinawakan ni fellisy ang noo ni Helliazy at doon nito naramdaman ang nag-aalab nitong katawan sa lagnat agad itong napa bitaw dahil sa sobrang init.

"Mataas ang lagnat nya"balita ni fellisy,bubuhatin sana ito ni cyrus ngunit agad itong pinigilan ni fellisy.
"Wag mo syang gagalawin!"pigil nito na ikina inis ni cyrus.

"Dadalhin ko sya sa healers!"inis nitong sabi at akmang bubuhatin ang dalaga ng mapaso ito."What the---" mura nito.

"Sabi ko na diba?"ani ni fellisy at tumayo"lumayo muna kayo,Raffy tawagin mo si HM"utos ni fellisy.

Agad namang lumabas si Raffy upang tawagin ang headmistress.

"Fell bat hindi ako napaso kanina?"naguguluhang tanong ni chyrrie.

"You're a Fire Princess kaya hindi ka talaga mapapaso,idiot"sagot ni fellisy, na ikina ngiti ng pilit ni chyrrie.

Ilang minuto lang at bumalik na si Raffy kasama ang Headmistress at ang isang matandang babae,"sino sya?" tanon ni maxx napa kunot naman ng noo sina Cyrus at chyrrie maliban kay fellisy na mukhang kilala ang matanda.

"Sya ang punong manggagamot ng Nature town sya si Apo Rana"pagpapakilala ng headmistress.

Hindi pa man sinasabi ng magkakaibigan ang problema agad na dumalo ang matanda sa walang malay na dalaga,"Pangatlong araw ng pagkikita ng magkambal kaya normal itong mangyari"anang matanda na nagpalito sa lahat na nasa loob ng silid.

"Anong pinagsasabi nyo lola?"tanong ni Raffy,umupo ang matanda sa tabi ni Helliazy at hinaplos ang mukha nito.

"Nagkita na sila"sagot nito at naka ngiting tinignan ang dalaga,"ang ganda ng batang ito di ko akalaing magkamukhang magkamukha sila ng kanyang ina"anito.

"Apo Rana a-ano po ba ang sinasabi nyo?"takang tanong ni Nea sa matanda,ganon rin ang gustong itanong ng magkakaibigan,hindi nila maintindihan ang matanda dahil sa pagkakaalam nila ulila na si helliazy.

"Malalaman nyo rin sa tamang panahon,ngunit ngayon kailangan syang mailapit sa prinsepe ng Light kingdom"anang matanda.

Agad namang nag-init ang ulo ni cyrus dahil sa narinig nito,"bakit naman lola?!ano bang meron sa lalakeng iyon?!"inis na anito at masamang naka tingin sa matanda.

Agad namang tumayo ang matanda at ginamit ang kapangyarihan nito upang ilagay sa kama ang wala paring malay nasi helliazy."sa ngayon ay hindi nyo pa maiintindihan kaya sundin nyo nalang ako"usal nito at lumabas na ng kwarto.

Agad itong hinabol ni chyrrie ngunit hindi na nito ito naabutan dahil agad na itong naglaho,"bantayan nyo nalang si Iazy ako na ang tatawag kay Prisepe Polaris."ani ni nea at lumabas na ng silid.

Lumapit naman si cyrus kay helliazy at pinagmasdan ang mukha nito,habang sina maxx at Raffy naman ay nagsikuhan dahil sa kanilang nakikita habang ang dalawang babae ay napa ngiti nalang dahil sa pag-aalala ni cyrus kay Helliazy.

Habang sa panig naman nina Polaris at nea na kasalukuyang nag-uusap.

"Ano ang iyong sadya HM?"nanhihinang tanong ni Polaris na ikina pagtaka ni nea,laging masigla ang prinsepe at bihira itong magkasakit kaya papanong nang hihina ito ngayon?

"Kamahalan hindi ko alam kung bakit ngunit kailangan mong puntahan si Helliazy ayon kay Apo Rana"ani ni nea at halatang nag-aalala ito.

Napa kunot naman ang noo ng prinsepe"ano pong nangyari sa kanya?"hindi maintindihan ng prinsepe ngunit bigla itong nag-alala kahit na hinang-hina ito.

"Hindi ko rin alam ngunit kailangan ka niya"nangungusap na ani ni nea tumango naman ang prinsepe,tuluyan ng nagpaalam si nea dahil may kailangan pa itong gawin,hindi na nag-abala pang maglakad si polaris dahil agad itong nag teleport papunta sa dorm nina Helliazy.

😎
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now