Chapter 5:Death

11.2K 616 9
                                    

Meet <Cha Eun Woo> as
Maxx Becov The Water Prince
Nasa taas ng multimedia yung photo nya.

____________

Helliazy's P.O.V

Agad silang napa hinto at nagtatanong ang mga tinging lumingon sa'kin,walang sereseremonya akong gumawa ng shadow hands at ang bawat galaw ng aking kamay ay sya ring paggalaw nito.

Marahang ibinuka ko ang aking mga braso at biglang isinalampak sa isa't isa ang aking dalawang kamay na sya ring ginawa ng shadow hands at sa isang iglap ay nagtalsikan ang mga dugong galing sa sogros isinumon ko ang aking kapangyarihan at bumalik sa pwesto ni shade.

Habang ang lima naman ay bumalik sa dati nitong anyo at walang lakas na napa upo sa damuhan.

"F-fellisy can you heal our wounds?"tanong nung babaeng naka pulang battle suit kanina,nakita ko namang napa iling-iling ang babaeng nag tataglay ng nature magic.

"How did you kill that monster that easily?"tanong nung lalakeng may dual magic.

Napa kibit balikat lang ako saka lumapit sa kanila at ipinikit ang aking mga mata saka inilipat sa akin ang kanilang mga sugat na kanilang ikina singhap.
"I'm more powerful than the bloody demons"sagot ko at tagumpay na nailipat sa aking katawan ang mga sugat na natamo nilang lahat.

"Oh...shit!what are you doing!"biglang sigaw nung babaeng may Fire magic.

"Nilipat mo ang mga sugat namin sa katawan mo?why?!"pasigaw na sabi nung lalakeng may dual magic.

Ang daming satsat at ang ingay nila,wala sa sarili akong napa iling at tinignan ang mga sugat sa aking katawan at pinag hilom ito."see?I can heal myself"sabi ko at tumingin sa gulat nilang mga mukha."Ano pang tinitingin-tingin nyo dyan?Start walking"ani ko.

"Tangina....how did she do that?" Rinig kong mura ni maxx,habang ang kanyang mga kaibigan naman ay wala sa sariling derederetsong naglalakad.

Ilang oras na ang nakalipas at tahimik lang kaming naglalakad patungo sa di ko malamang dereksyon.


"Master they look really bothered" ani ni shade gamit ang telepathy.

Saglit ko namang tinignan ang kanilang mga likod bago magsalita pabalik kay shade.

"Hayaan mo nalang sila"sabi ko at  patuloy parin sa paglalakad.

Parang kanina lang ay ang ingay-ingay nila pero ngayon mas tahimik pa sila sa mga yapak ni shade.

Hindi ko namalayang nakalabas na pala kami sa Mystical Forest at sumalubong sa aking paningin ang isang bayan na punong-puno ng enkantado.

"Welcome to Tebaur Town Helliazy"naka ngiting ani ni Raffy na agad namang hinarangan ni maxx at naka ngiti akong tinignan.

"Maganda ang lugar na ito binibining Helliazy dahil dito mo mabibili ang mga bagay na maka pang aakit sa iyong paningin,at ang kapalit ng isang bagay na iyon ay isang makinang na diyamante"paliwanag ni maxx na naka pagpatango sa'kin.

"Pwede bang dumiretso nalang tayo sa Academy?"tanong ko habang naglilibot ng tingin,may kakaiba kasi akong nararamdaman sa lugar na ito kaya ayaw ko ng magtagal pa rito.

Kunot noo naman silang naka tingin sa akin at tumango na lamang bago magsalita ang babaeng nag ngangalang fellisy."buti pa nga"anito at na unang naglakad.

"Sa tingin ko ay may kakaiba nanamang nararamdaman si fellisy" bulong ni Raffy kay maxx na ikina tango lang nito.

Alam kong malakas ang panramdam ni Fellisy dahil sa Nature Magic nya, at sa case na ito ay puro kalikasan ang naka paligid samin kaya walang duda na may kakaiba syang maramdaman.

"Shade mag tawag ka ng mga kasamahan mo para bantayan tayo,may naka sunod sa'tin"utos ko kay shade at tila normal na naglalakad.

"Masusunod master"sagot nito.

Malayo-layo na kami sa bayan at kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa paaralan,kahit na hanggang dito ay nararamdaman ko parin ang mga naka sunod sa amin ngunit alam kong naka bantay na ang aking mga shadows sa buong paligid tumingala ako sa kalangitan ng biglang humalakhak ang isang uwak.

Napa smirk ako ng tignan ako nito gamit ang mapupulang mga mata nito,Bloody Demons......

"Shade mahahalata nila kung ako ang mag uutos sa mga shadows ko,kaya ikaw na lang ang maghanda sa kanila,and make sure,na walang magagalusan sa amin"sabi ko at patuloy parin sa paglalakad hanggang sa maglabasan ang mga kulay pulang mga halimaw na naka palibot sa amin.

"Bloody Demons"imik nung babaeng naka pulang battle suit na at hindi lang sya ang naka battle suit lahat sila ay naka pagtransform na.

"Ang dami nila,kung kanina ay hirap pa nating matalo ang isang sogros eh...ano nalang kaya ang mga ito halos halo-halong mga halimaw na yan"kinakabahang ani ni Raffy na ikina mura nung lalakeng may dual magic.

Sabay sabay na napa tingin sa'kin ang lima na parang nagtatanong kung ano ang dapat gawin ngunit nagkibit balikat lamang ako at pumikit sabay tawag sa aking mga alagad na shadows gamit ang aking isipan.

"Magsilabasan na kayo aking mga alagad siguraduhin nyong walang matitirang buhay ni isa sa mga halimaw ng bloody demons at maaari nyo ng kainin ang kanilang mga kaluluwa"utos ko,wala na akong kailangan pang gawin kundi ang manood kung papano mawalan ng mga kaluluwa ang mga bloody demons na yan,I am the Dark shadow lady and no one threatens me like this.

Just wait 'til the time comes I'll chase you to death who or whatever kind of Demon you are.

🐰
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now