Chapter 24:Taking The Blame

7.3K 362 7
                                    

Chyrrie's P.O.V

"Why did you say those to Iazy?!"galit kong singhal kay kuya Cyrus.

"Bro!kita naman natin na prinoprotektahan lang tayo ni Iazy!"Gatong ni maxx,napa pikit nalang ako sa galit paano nato saan na si Iazy?

Nasa dorm na kami at wala dito si Iazy pagkarating na pagkarating namin dito kanina,andito ang mga gamit nya pero halatang hindi pa sya bumabalik dito.

Nag-aalala na ako kay Iazy,kitang-kita rin naman kanina na nauna ang witch na nammy na yun!humanda talaga sila ni kuya kapag may nangyaring masama kay Iazy!I will never ever let them get away with this!

"Pinagbibintangan nya si nammy guys!hindi nyo ba yun narinig?" Pagtatanggol naman ni kuya dun sa babaeng witch."Raffy,Maxx!Fellisy,sis!narinig nyo yun!"dahil dun mas lalo pa akong nainis kay kuya,bakit nya pa ba pinagtatanggol ang babaeng yun? baka nakakalimutan nyang nagtraydor ang babaeng yun sa amin.

Napa sapak nalang ako sa aking noo,kung hindi rin naman dahil dito sa Raffy nato ay hindi mangyayari ang lahat ng ito!kung hindi sya nagsuggest malamang maayos pa kami ngayon at masayang nagdi-dinner!

OO!!gabi na at hindi parin bumabalik si Iazy,"nag-aalala na ako kay Iazy"agad akong napa lingon kay Fellisy na naka yuko,napa ngiti ako dahil sa inasta ng kaibigan ko.

Grabe parang dati lang loner pa itong si Fellisy saka bihira kung ngumiti at maki pag-usap at bihira lang pakialaman ang isang bagay,pero kita mo ngayon nag-aalala na sya mukhang nahanap nya rin ang comfort sa pakiki pagkaibigan kay Iazy.

Agad akong napa tayo at nag-aalab na tinignan si Raffy at kuya Cyrus,"Kayong dalawa ang may kasalanan nito!"sigaw ko habang nagngingitngit ang kalooban ko sa galit.

"B-bakit ako kasali?"gulat na tanong ni Raffy habang nagtatanong akong tinignan.

"IKAW!!NAMAN TALAGA EH!KUNG HINDI KA NAGSUGGEST MALAMANG HINDI PINAKIUSAPAN NI HM SI IAZY!!!AT HINDI RIN MAGBIBIDA-BIDAHAN ANG BABAENG NAMMY NA YUN!KAYO TALAGA NI KUYA ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO!!"galit na galit kong sigaw habang hinihingal pa ako at na nginginig na ang katawan ko sa galit,I am so worried about Iazy,gabing-gabi na't wala pa sya.

Pasubsob akong napa upo sa sahig at nagsimulang umiyak,nilapitan naman ako ni fellisy at niyakap dinig ko rin ang paghikbi nya.

*sob*

*sniff*

*sob*

*sob*

*sniff*

*sob*

*Silence rule inside the room*

*Cring~*

*Cring~*

Agad na napunta ang atensyon ko sa pinto,sino kaya ang nag d-doorbell?

Teka---

Baka si Iazy yun,agad akong tumayo at mabilis na binuksan ang pinto na may malapad na ngiti sa labi,ngunit napawi ang ngiting iyon dahil sa nakita ko.

"HM ikaw pala"dismayado kong sabi saka yumuko,"pasok po kayo Headmistress"aya ko saka nilakihan ang pagbukas ng pinto.

Nang makapasok si headmistress agad syang tumingin sa gawi nina Kuya,pero kumunot ang kanyang noo at inilibot ang kanyang tingin at mukhang may hinahanap ito at alam ko kung sino ang hinahanap nya.

"Wala pa sya dito HM"sabi ko ng may lungkot sa aking boses saka napa haplos sa aking braso at yumuko nalang.

"Ano?!wala dito si Iazy?"gulat na ani ni Headmistress Nea kaya agad akong nag-angat ng tingin,napa hawak naman sya sa kanyang ulo at mukhang matutumba pero agad syang inalalayan ni Maxx at Fellisy at pinaupo nila sa couch si HM.

"Headmistress sorry po"paghingi ng tawad ni Raffy,"kung hindi po ako nag suggest siguro hindi magkakasagutan si Iazy at Nammy"pag-amin nito at napa hilamos nalang.

"Wala kang kasalanan,kung hindi ako umaktong desperada kanina malamang hindi nangyari ang lahat ng ito"ani naman ni headmistress nea at mariing napa pikit."wala na talaga akong maisip sa mga oras na yun masyado akong nataranta"
malungkot na ani ni Headmistress.

Nag-akuan na si HM at Raffy kung sino ang may kasalanan pero hindi sila ang gusto kong marinig......

Gusto kong akuin din ni kuya Cyrus ang ginawa nya pero bakit ganon nagmamatigas pa rin sya at heto prenteng naka upo lang sya at blangko ang kanyang mukha.

*Crick*

Sabay-sabay kaming napa lingon sa kakabukas lang na pintuan at iniluwa nito ang isang babae,ang babaeng ayaw na ayaw kong makita sa oras nato.

"Nammy!"Fellisy dangerously said

"Fuck out bitch!"inis ko namang bulyaw.

Yung feeling na gustong-gusto ko ng patayin si Cyrus at Nammy.🔪

🥴
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Where stories live. Discover now