Chapter 35:Kuya damuho

7.4K 364 1
                                    

Helliazy's P.O.V

"Kuya!/BUNSO KOOO!"sabay naming sigaw ni polaris or should I say kuya polaris, my twin brother.

Agad itong napa yakap sa akin na agad ko namang ginantihan at pareho na kaming maluha-luha sa tuwa.

"I didn't thought na ang inaasar-asar kong masungit na babae ay kapatid ko pala hahaha*sniff*"natatawa nitong sabi sabay kalas sa pagkakayakap namin at naka ngiti akong tinignan habang naka hawak parin ito sa balikat ko.

Napa pout naman ako,"kuya Polaris..."bulong ko saka umiyak ulit kaya agad akong niyakap ni kuya polaris,"hindi ko akalain na may pamilya pala ako,dati hinihiling ko na sana may pamilya ako pero kita mo naman may kakambal pa pala ako"umiiyak pero sobra-sobra ang ligaya ko ngayong araw nato parang kagabi lang umiiyak pa ako kasi nalaman kong may pamilya ako at hindi ko alam ang gagawin pero kita mo ngayon paggising na paggising ko kita ko na agad ang kakambal ko na syang nagpaligaya sa'kin ng sobra sobra.

"Tahan na baby girl,kita mo oh...nagmukhang babaeng water falls ka tuloy"asar ni kuya damuho kaya agad ko syang tinulak at kinuha ang unan sabay hampas sa kanya,bahala sya!kuya damuho na tatawag ko sa kanya hmph!!

"Bakit ka ba ganyan?!!nag-e-emo pa ako eh!!!nakakaasar ka talaga ih!!!!"inis kong sabi habang hinahampas parin sya pero kita mo oh...tinatawanan lang ako huhuhu....(TT^TT)

Ilang minuto pa ako nitong pinagtatawanana hanggang sa.....

*Grrr~*

Sabay na tumunog ang aming tiyan,napa kurap naman akong napa yuko sabay tingin sa aking tiyan bago ko tinignan si kuya na ganon rin ang reaksyon nya hindi ko alam pero hindi maitatangging magkambal nga kami.

"BWAHAHAHAHHAHAHAHAH!!!!!!!!" Sabay naming tawa,ewan ko ba pero carefree ko ngayon feel ko may kakaibang nangyayari sa'kin.

Am I laughing?

...

..

.

I AM LAUGHING!!!!

"Tumatawa na pala ang baby girl ko pero tama na muna to baby girl kumain na muna tayo dali tayo na dyan"pagmamadali ni kuya,agad akong tumayo lumapit kay kuya na sya namang inakbayan ako habang malapad ang ngiti.

Napa kunot naman ang noo ko dahil dun,"kuya damuho?bat naka ngiti ka pa?"tanong ko habang naka tingin parin sa kanya.

"Eyy grabe naman hindi ba pwedeng masaya lang ako kasi may baby girl na ako?"tanong nya,napa pout naman ako saka sya inilingan.

"Eh...kasi 18 years old na tayo diba?bakit baby girl parin?"tanong ko,pinihit naman ni kuya damuho ang doorknob saka iginaya ako palabas.

"6 minutes kaya agwat natin hmm"naka ngiting sagot ni kuya saka itinaas baba ang kanyang kilay.

"Psh!ang unfair naman kuya damuho"sabi ko at sinara ang pintuan,bagal naman kasi nitong katabi ko,eh isasara lang naman yung pintuan.

*Grrr~*

"Tara na nga nagwawala na yung mga dragon natin oh hahaha"tawa ni kuya na akin ring ginaya,I can say this is my unforgettable and happiest day of my life,literally happy kasi tumawa ako pero hindi parin ako marunong ngumiti.

Pagkababa namin nadatnan naming tulog ang aming mga kaibigan,well they're my friends now right?dahan-dahan kaming bumaba ni kuya damuho at isa-isang tinignan ang mga natutulog nilang mukha.

"Baby girl marunong ka bang mag match make?"tanong ni kuya damuho na aking ikina iling bilang sagot,ano naman kasi yun?

"Ganito"ani ni kuya saka lumapit kay fellisy na naka patong ang ulo sa balikat ni maxx gamit ang kapangyarihan ni kuya damuho ipinag yakap nya ang dalawa habang naka sandal parin ang ulo ni fellisy kay maxx,hmm...nagmukha tuloy silang magkasintahan.
"Oh...diba ang dali?ganyan lang ang gawin mo baby girl"pangaral ni kuya damuho nang may pagmamalaki pa.

Inirapan ko naman sya saka tinignan si chyrrie at Raffy tignan mo ang mga to oh?mukhang mababali na ang leeg,eh...kasi naman oh...si chyrrie pilit na humahanap ng komportableng lugar,habang si Raffy naman pilit na inaagawan ng lugar si chyrrie kahit tulog sila parang nararamdaman nilang hindi sila komportable pero hindi naman sila nagigising.

Bumuntong hininga muna ako saka inayos ng upo si Raffy at isinandal ang ulo nito sa couch sinunod ko naman si chyrrie at ipinahiga sa lap ni Raffy.

Bahagya akong humakbang pa atras upang mas makita kung ayos na ba silang dalawa,pero mukhang mali ata ang paghakbang ko patalikod ng hindi lumilungon kasi bigla akong nawalan ng balanse saka napa upo sa isang matigas na upuan,gulat akong napa tingin kay kuya nang may pumulupot na braso sa baywang ko,kaya agad kong nilingon ang may-ari nun,nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang naka ngiting mga labi ni Cyrus habang natutulog.

Pilit akong kumawala pero hindi ko magawa,ishhh!!!"wag ka munang umalis hayaan mo muna akong yakapin ka kahit sandali lang"rinig kong bulong nito sa'kin.

Napa kunot ang noo ko at nag crossarms saka tumingin sa gawi ni kuya damuho pero wala na ito doon narinig ko naman ang tunog ng mga pinggan dun sa kosina.

Hindi ko alam sa sarili ko pero nakaramdam ako ng pag-iinit sa magkabilang pisngi ko kaya yumuko ako at pilit paring kumawala ngunit mas pinalala ko ata ang pangyayari kasi mas inilapit nya ako sa kanya at mahigpit akong niyakap,ramdam ko na ang mainit na hininga ni cyrus sa leeg ko na syang nagpatayo sa mga balahibo ko.

"Iazy please wait for me"bulong nito sa'kin na syang hindi ko maintindihan.

😎
👇🏻
🌟

The Shadow Lady (Paradise Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon