Misunderstanding

3.1K 59 1
                                    

Chapter7

Nahinto ang titigan nang dalawang babae nang may tumawag kay Jackie.Agad siya nitong tinalikuran na may kasama pang irap.Binelatan naman ni Snow ang babae bago tumalikod dito.Padabog siyang naglakad patungo sa kanyang opisina.Pagdating doon ay padabog pa rin niyang ibinagsak ang bag sa lamesa at ang hawak na kape.May galit ding hinila ang kanyang swivel chair bago siya na-upo.

"Walanghiyang babaeng yon! Kung inaakala niyang uurungan ko siya! Never! Over my dead body!" Nagngi-ngitngit niyang himutok.
Wala pang ilang segundo mula sa pagkakaupo niya ng may kumakatok na sa pintuan nang kanyang opisina.Naputol ang kanyang pagsisimiyento. "Bukas 'yan!" aniya sa hingal na tinig.Hindi niya inaasahang si Ricky pala iyon.

"Good morning, Honey!" Masiglang bati sa kanya ni Ricky bago nito napuna ang kanyang hitsura." Anyare saiyo? Bakit parang nasunog ang pisngi mo sa araw sa sobrang pula!? At bakit tila umaapoy na naman ang titig mo sa akin?" Nagtatakang tanong ng lalaki. "Who make your face tomato? And why are you staring at me so angrily? Galit ka pa din ba sa'kin?" Tuloy-tuloy na tanong ng asawa sa hindi maipaliwanag na hitsura niya.

Inirapan lang ni Snow ang asawa.
Pinipilit pakalmahin ang sarili ngunit naging makulit ang lalaki sa kakatanong kaya naman sinumbatan niya ito. "Why don't you ask that woman in the lobby? Kararating ko pa lang dito, tapos sasalubungin na niya ako ng salitang kabit! For her information...I'm not your mistress! I'm your wife! In contract or in fake! And I won't allow her to insult me again dahil makakatikim na talaga siya sa akin!" Gigil
niyang sagot sa asawa.

"Okey, relax! Ang aga highblood ka, agad! Para 'yon lang mainit na agad ang ulo mo gayong alam mo namang asawa na kita. So, ano pang pinagpuputok nang butse mo diyan? That I will confront her just to stop harrassing you!?" ani Ricky para pagaanin ang pakiramdam ni Snow.

"Of course, you should?" ani Snow. "Pinahiya niya ako sa harap ng mga empleyado mo! Sinabihan niya akong kabit mo! May gosh! Baligtad na talaga ang mundo ngayon!" aniya sabay hilot sa sintido.Tuloy sumakit ang ulo niya.Parang puputok na rin ang utak niya sa mga salitang bumabagabag sa kanya.

"Okey. I'll talk to her. But now, kalma ka muna. Hinga ng malalim at kalimutan ang bad encounter mo sa baba dahil I need a favor from you kasi busy ako ngayon. Just review the new project and if it's a good one then just sign it for me!" Nakangiting sabi ni Ricky sa asawa.

Tango lang ang isinagot ni Snow sa lalaki.Hindi niya idadamay ang kanyang trabaho sa problema niya sa iba.Isa pa't kailangan niyang sumunod dito dahil kasama din iyon sa kontrata niya.Ang magtrabaho siya at sumunod sa mga utos nito.Ginugol ni Snow ang sarili sa pagbabasa sa mga papeless.Halos sa sobrang busy din niya ay hindi na niya namalayan ang oras.Nakaramdam na siya ng gutom.Kaya naman nagpa-deliver na lang siya nang pagkain sakanyang opisina dahil tinatamad na siyang bumaba sa office canteen.

Kahit dumating na ang in-order niyang pagkain ay patuloy pa rin siya sa pagbabasa.Iniwan na siya ng nag-deliver ay nakatutok pa rin ang mga mata sa binabasa dahil gusto niyang matapos iyon sa mismong araw na iyon.Subo,nguya at basa nang mga papeless ang ginagawa niya.At nang sa wakas, natapos na niya ay napag-alaman niyang excellent project iyon ay gaya ng sinabi ni Ricky sa kanya ay pinirmahan niya ito.

Kahit maaga palang at hindi pa uwian ay iniligpit na ni Snow ang kanyang mga kagamitan na nasa ibabaw ng kanyang lamesa.Pinatay ang kanyang laptop at ibinalik sa envelop ang mga papeless.Iyu-uwi nalang niya iyon at idi- discuss kay Ricky mamayang pagka-uwi nito.Uuwi na siya at dadaan sa isang grocery store para bibili ng iluluto niyang ulam.Nasa mood siya para ipagluto ngayon ang asawa.

Masaya siyang umuwi na nakangiti hanggang maka-uwi sa bahay nila.Inasikaso ni Snow ang kanyang lulutuin.Sinigang na baboy ang naisipan niyang ihanda sa hapunan nila.Naging madali lang kay Snow ang pagluluto.Nang matapos siya sa kusina ay sarili naman niya ang kanyang inasikaso.Pumanhik siya sa kanyang silid upang maligo.

Pagkaligo ay sa sala na siya tumambay.Muli niyang binukatkat ang mga papeless at muli itong binasa.Nang sulypan ni Snow ang wall clock sa may dingding ay mag alas-nuwebe na nang gabi.Oras na nang dating ni Ricky ngunit wala pa ito.Maghihintay pa siya ng trenta-minuto dahil baka natraffic lang ang ito.Ngunit lumipas na ang ilang trenta-minuto ay hindi pa rin dumarating ang lalaki.

Mag-alas onse na nang marinig niya ang doorbell.Inis niyang tinungo iyon at nakasimangot na binuksan.Laking gulat niya nang makitang pagewang-gewang na ini-hakbang ng asawa ang mga paa.Lasing ito.
"Sa'n ka galing? At bakit lasing ka?" Kompronta ni Snow sa asawa.Ini-akbay ang kamay nito sa balikat niya para alalayan at para hindi tuluyang matumba.

"Nagkatuwaan lang," anito. "Birthday kasi ni Jackie ngayon." Paliwanag nito. "Hindi ko matanggihan kasi kasama ang mga kasosyo sa negosyo."

Pagkaranig sa pangalan ni Jackie ay agad tinanggal ni Snow ang braso ni Ricky na nakaakbay sa kanya.
"Magkasama kayo ng babaeng 'yon?Ang sabi mo sa akin busy ka? 'Yon pala busy ka doon sa kerengkeng na babaeng 'yon! How dare you lie to me, bastard!" 'Di mapigilang sumbat ni Snow sa asawa."Bahala ka diyan!Umakyat ka mag-isa sa kuwarto! Kung kailangan mong gumapang, gapangin mo! Kainis ka!" aniya sa asawa dahil sa sobrang inis.Pinagluto pa naman niya ito pero iyon nakikipag-kasiyahan pala kasama ang babaeng iyon.

"Ang lupit mo naman sa kanya? If you can't, puwede ako?" Sagot nang babae na nasa harapan lang pala ng pintuan nila.Nakalimutan pala niyang isarado iyon.Napamura siya ng mamukhaan kung sino ito.

"What are you doing here?!" Inis niyang tanong kay Jackie.Kung puwede lang niyang balibagan ng pintuan ang babae ay gagawin niya pero may manners pa rin naman siya.

"Of course? I drove him home. Sa tingin mo kaya niyang mag-drive sa lagay na 'yan?" Paliwanag ni Jackie sakanya sabay turo kay Ricky na nakahandusay sa sahig.

"Oh well..." ani Snow na tinungo ang pintuan. "We don't need you here so, go!" Taboy niya sa babae.Saka sinaraduhan na niya ito nang pintuan.Ngunit muli iyong tumunog.Pinagbuksan niya ito uli dahil kumakatok ito ng paulit-ulit.
"May nakalimutan ka pa ba?" Ngising-asong tanong ni Snow kay Jackie.

"Here's your husband key!" Abot nito sa kanya sabay talikod.Nginusuan lang ni Snow ang babae at tuluyan nang isinara ang pintuan saka ni-locked iyon.Tinungo niya ang kinaroroonan nang asawa.Lupaypay ito na nakasalampak sa sahig habang nakasandal sa sofa.

"Tingnan mo nga 'yang hitsura mo?Oh my God! Ni pati laway mo hindi mo na namamalayang dumadaloy sa bunganga mo! Kadiri ka!" Sita niya asawa. "Atsaka sa susunod huwag kanang iinom ng sobra kasi ang dugyot mo pati tingnan!" Lait pa niya. "Guwapo, macho pero dugyot pag-lasing...eeww!" Naiiling niyang sabi dito.

Nadinig yata siya ng asawa at nagdilat ito ng mga mata.Nginisian siya.
"Guwapo ko, noh?" ani Ricky.

"Guwapong dugyot!" Pang-aasar ni Snow sa asawa.Sa bilis nang kamay ng lalaki ay nahila siya nito at pabagsak siyang na pakandong sa dito.Nauntog pa ang ulo niya sa dibdib ng asawa.
"Walanghiya ka! Bitawan mo nga ako! Kadiri ka! Amoy laway!" Pagpupumiglas niya.

Malakas na tawa lang ang sinagot nito. "Ayaw ko nga! Bakit naman kita bibitawan ngayong nasa akin ka na?" Humagikgik ito ng nakakaloko.

"Ano 'yan hugot!" Inis na hinampas ang asawa sa kabaliwan nito pero deep inside ay kinikilig ang puso niyaSobrang tuwa ng puso niya.Nagpumiglas siya upang makaalis mula sa pagkakakandong sa asawa ngunit parang ahas ang mga braso nito na nakapulupot sa beywang niya. "Ang dugyot na 'to!" Inis niyang pagmamaktol.Ngunit parang wala lang ito sa asawa kundi nakangisi pa habang yakap siya.Bigla ay napatitig siya sa mukha nito at namangha sa sobrang kagawupuhan.

Next....

Living like Hellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن