Scape

2.3K 61 12
                                    

Chapter18

Nang gabing iyon ay nagtaka si Snow dahil ang inaakala niyang pagdadalhan sa kanya ni Miya ay sa condo nito.Ngunit sa ibang direksiyon nagtungo ang kanilang sinasasakyan.
Malayo sa mga kabahayanan.
Mukhang isang subdivision ang lugar na malayo sa naturang kalsada kung saan maraming mga sasakyang dumaraan.

"Saan tayo?" ani Snow.Kinampante ang sarili at pag-iisip.Kinikutuban na may kakaibang ikinikilos ang kaibigan.Malakas ang sense niya sa gano'ng mga aksiyon ng isang tao.

"Dito muna tayo magpapalipas nang gabi sa isang bahay ko," aniya. "Dito hindi nila tayo matutunton."

Tumango lang si Snow.Nakiramdam sa kilos nito.Hindi siya nagpahalata kay Miya.Hindi puwedeng maisahan siya nito.Kung may binabalak man n masama ang kaibigan sa kanya ay uunahan na niya.Bumababa sila at naglakad patungo sa sinasabing bahay nito.Dahil makipot na raw ang daan at hindi na nakakapasok ang mga sasakyan doon ay lalakarin na lang nila dahil malapit naman na raw ito.Sumunod siya.Tahimik at nagmamatiyag sa paligid.Inilibot ang panangin habang tahak ang daan patungo sa bahay nito.

Tahimik ang lugar.May mga kabahayan ngunit magkakalayo ang mga ito at may kanya-kanyahang naglalakihang bakod.Kahit na pinakanagaling na magnanakaw ay hindi nito maakyat.Narating nila ang sinasabing bahay ng kaibigan.
"Your house?" Tanong ni Snow sa kaibigan.

"Oo." Maiksi nitong sagot. "Halika sa loob. Feel at home!" Nakangiting paanyaya nito.

Inilibot ni Snow ang paningin.Wala pa itong kagamitan.Mukhang bagong gawa lang dahil mamasa-masa pa ang mga simento at naamoy pa ang mga ginamit na pintura.Nang mahulaan ng kaibigan ang tinatakbo ng isip niya ay nagsalita ito.

"Bagong gawa lang 'to. Sa susunod na buwan na kasi darating ang mga magulang ko. Dito ko na sila patitirahin," paliwanag nito.

Tumango-tango lang si Snow.

"Diyan ka lang. May kukunin lang ako," ani Miya.At pagbalik nito ay may bitbit nang tuwalya at isang pares ng damit. "May extra akong mga damit dito. Naglagay ako tuwing pumupunta ako dito para tingnan kong ano pa ang kakailanganin." Inaabot nito sa kanya ang hawak.Kinuha  naman niya iyon. "Ipapahiram ko muna 'yan  saiyo. Maligo ka na. Para makapagpahinga ka na rin."

Atubiling sinunod ni Snow ang utos nang kaibigan.Talagang may kakaiba sa ikinikilos nito.Nagtungo siya sa banyo sa may kusina.May nakita siyang pintuan na hindi pa nalalagyan ng pinto.Sinilip niya ang kaibigan.Nakatingin ito sa kanya.Nginitian siya nito,ginantian naman niya nang alanganing ngiti.

Walang nagawa si Snow kundi pumasok sa banyo.Umupo siya sa inidiro.Iniyuko ang ulo at sinabutan ang ulo. "What is this shit! I can smell something fishy here!" Gigil na sambit ni Snow.Para kunwaring naliligo siya ay ini-on ni Snow ang shower.Pagkatihaya niya ng ulo ay may nakita siyang maliit na bintana na siningawan ng liwanag ng buwan.Bigla ay nabuhayan siya ng loob.Kaya niyang lumusot doon,kaysa ang katawan niya.Magkakasya siya sa butas.Tumuntong si Snow sa inidoro at pilit inabot ng kanyang mga kamay ang maliit na butas.Mabuti na lang at magaspang pa ang dingding kaya mabilis niyang naakyat ito.Inilusot niya ang isang paa at patagilid na lumabas.

"Snow! Okay ka lang!" Tawag sa kanya ni Miya sa labas.Hindi muna siya sumagot.Inilabas muna niya ang katawan sa butas at ang ulo nalang niya ang susunod.

"Ayos lang ako, salamat!" Sagot niya rito.

Agad inilabas ni Snow ang ulo.Tumalon siya  mula sa bintanang iyon.Agad siyang nagtatakbo palayo sa bahay ni Miya.Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon.Mukhang delikado ang kalagayan niya.Ang akala pa naman niya ay kakampi niya ang kaibigan ngunit tila ginagamit lang siya nito.Lakad-takbo ang ginawa niya.Kahit pagod na siya ay hindi siya humihinto.Ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon ay ang makaalis sa lugar.

Sa wakas ay narating ni Snow ang kalsada.Payukong hinawakan ang tugod at hingal na ipinahinga ang katawan.Eksakto namang may parating na delivery truck.Pumagitna siya sa kalsada at iwinagayway doon ang dalawang kamay.Huminto naman ito. "Kuya! Tulungan mo po ako!" ani Snow na hinihingal ang boses. "Kailangan ko pong makatas. Kailangan ko pong makaalis sa lugar na 'to.Nasa panganib po ang ang buhay ko!" Sunod-sunod niyang sabi kay Manong driver.

Tuliro man ang driver sa mga pinagsasabi niya ay napapayag pa rin naman niya ito.Agad siyang pinasakay.Todo pasasalamat naman si Snow kay kuya driver.Sinabi ni Snow na baba din siya kapag medyo malapit na siya sa kanyang pupuntahan.Tinanong niya ang pangalan ni kuya driver at sinabi niyang susuklian niya ang kabutihang  ginawa nito.Agad pagkababa ni Snow ay umuwi siya sa bahay nila ni Ricky.She will sneak inside para magpalit nang damit at mag-disguise para walang makakakilala sa kanya kung sakali mang may mga kalaban.

Ang plano niya ngayon ay ang umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang dahil kailangan niyang makuha ang license gun niya para meron siyang armas.Anong laban niya kina Samuel kung kamay lang at paa ang gagamitin niya.Isa pa maraming mga alalalay na aso ang hayop na 'yon.Pagka-ayos niya nang sarili ay agad tinungo ni Snow ang bahay ng kanyang mga magulang.May secret door sila sa likod na puwede niyang pasukan at labasan.

Ngunit natigagal si Snow nang makita ang kaniyang Mama at Papa na nakatali sa silya.Sa may sala sila nilagay.Paa at kamay,pati ang mga bibig ng mga ito ay nilagyan din ng packing tape.Para siguro hindi makasigaw at makahingi ng saklolo ang mga ito.Pati ba naman ang magulang ko idadamay mo pang hayop ka,naisaloob ni Snow.Humanda ka sa sa akin mga hayop!Magkita-kita kayo ni Satanas sa impyerno.

Alam na niya kung bakit siya dinala ni Miya sa bahay nito.Dahil siya ang gagamiting pain sa kanyang mga magulang.Sasabihing bihag ng mga ito ang kanyang Mama at Papa at kailangan niyang pumunta doon kapalit siya.Alam niyang sa simula pa lang ay iba na ang kinikilos ni Miya kanina.Ano ang relasyon nila ni Samuel or ni Jeff.Asawa,syota,or kung ano pa?Iwinisik ni Snow ang ulo.Saka na niya aalamin iyon.

Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang pamanhik sa kaniyang kuwarto para kunin ang kanyang baril.Pero paano niya gagawin 'yon kung napapalibutan ng kalaban ang loob ng bahay nila.Kailangan niyang mag-isip ng paraan lalo na't mag-isa lang siya.Kailangan niyang iligtas ang kaniyang mga magulang sa kamay ni Samuel.Muling lumabas si Snow ng bahay.Tinungo niya ang likod ng bahay nila.Hinahanap niya ang bintana nang kanyang kuwarta.Nasa ikawalang palabag ito.

Inilibot ni Snow ang paningin sa paligid.Wala siyang makitang kagamitan para maakyat ang silid kahit na hagdanan man lang.Bumalik uli si Snow sa loob ng bahay.Narinig niyang may kausap si Samuel sa cellphone nito.Sa boses nito ay halatadong galit ito sa kausap sa kabilang linya.Tila nahulaan niyang siya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"She's not here! Nakatakas siya!" ani Miya. "Ang akala ko ay naliligo lang siya pero, when I kicked the door dahil sobrang tagal na niya sa loob ng cr ay napagbuksan kong wala siya doon. Hinanap ko siya pero hindi ko na siya nakita," paliwanag nito.

Ngayon ay alam na niya na konektado nga si Miya kay Samuel.Magkasabwat ang mga ito.Tuliro man sa mga pangyayari ay dalawa na ang kargado niya.Si Ricky na wala pang malay at nasa kritikong kalagayan at ang  kanyang mga magulang na bihag ngayon ni Samuel.Paano niya ililigtas ang mga ito kung mag-isa lang siya?Isa lang ang puwede niyang hingian ng tulong.Walang iba kundi si Jackie.Wala na siyang ibang choice.Buhay ng mga taong mahal niya ang nakasalalay dito.Agad siyang umalis at tinungo ang condo ni Jackie.Alam niya kung saan ito nakatira.She need help at this moment.And they need to talk.Saka na ang alitan nilang dalawa kapag maayos na ang problema niya.

"Next...."
Gulat ba kayo sa twist😊

Living like HellWhere stories live. Discover now