Revenge

2.7K 61 5
                                    

Chapter14

Pagkaharurot ng kanyang motorsiklo ay alam niyang nagkagulo na sa bar na kanyang pinaggalingan kahit hindi niya lingunin ang lugar.Alam niyang natataranta na ang grupo ni Jeff sa nasaksihang eksena.Natatandan niyang sa kaliwang tuhod niya nabaril ang kanyang stepbro.May konting kagalakan siyang naramdaman.Hindi man niya napatay ang hayop na 'yon ay nakapaghiganti naman siya.At may bago siyang plano ngayon ang sakyan ang panunuyo sa kanya ni Jeff.

"That idiot!" Gigil niyang sambit.Dumiretso muna si Snow sa bahay nila para ibalik ang kanyang motor at ang ginamit na baril.Naligo na rin siya at nag-bihis para hindi siya mahalata nang asawa pagka-uwi.
Alam niyang hindi rin iyon pai-imbistigahan ng mga hayop dahil mainit pa ang mata sa kanila ng mga  ka-pulisan.Iiwas muna ang mga ito sa mga gulo at reklamo para hindi balik kulungan.

Pag-uwi ni Snow sa bahay,isang galit na Ricky ang bumungad sa kanya.Magkasalubong ang mga kilay nito.Naiirita siya. "What's your problem?" Mataray na sita ni Snow sa asawa.

"You were with Jeff the whole night? Kaya inumaga ka na!" Paninita nang asawa.Kahit mali man ang akosasyon nito ay sasabayan niya ang inis na nadarama nito.Kung aaminin niya ritong kumukulo na rin ang dugo niya sa Jeff na 'yon ay baka masira ang plano niya.Hindi pa sila tapos ni Jeff!May araw din sa kanya ang lalaking iyon.

"So? Bakit, masama ba?"

Isang matiim na tingin ang ipinukol ni Ricky sa kanya.He did not utter a word.

"Okay naman si Jeff. Mabait, gentlemen, at guwapo,"
pagsisinungaling niya. "Kung may iniisip kang iba patungkol sa aming dalawa, well, that's not my problem anymore. Saka, sa totoo lang, hindi naman siya nakakahiyang kasama. 'Di tulad nang babaeng kasama mo kanina na lantaran kung lumandi sa iyo. Iyon ang nakakahiya. Nakakahiya na ang hitsura niya, nakakahiya pa ang gawain niya." ani Snow.

"Saka, tingnan mo nga iyong malanding, Jackie na iyon kung makakapit sa iyo kanina? 'Tsura niya! Tao ba 'yon? Hindi ko alam kong zombie o patay-na-buhay ba yon na humihinga. Ganoon na ba ang taste mo? Iyong mukhang zombie? Imbes na tumaas ang level ng taste mo sa babae, bumaba pa!" Pang-uuyam na sabi ni Snow.

Masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Ricky.She smirked and folded her arms across her chest.

"Okay, baka naman sabihin mo nakapintasera ko. Sige na, tao na siya. Pero mukhang taong naaagnas. O kaya, buhay pa ay naaagnas na. Zombie. Walking dead na hitsura pala ang tipo mo ngayon." Patuloy niyang pangungutya.

"Listen to yourself! Maganda ka nga sa panlabas na anyo, pero ang kalooban mo naman..." Hinagod nito ng tingin ang kanyang kabuuan.

"Don't lecture me about beauty, puwede ba? Bakit ang Jackie na iyon na lumalandi sa iyo, maganda ba ang intensiyon niya sa marriage na ito? Alam na niyang may asawa ka pero lumalandi pa sa iyo! Kapal ng mukha niya! Pangit na nga hitsura, pangit pa ang intensiyon niya! Tigilan mo nga ako!" Tinalikuran niya ang asawa at nagmadaling pumanhik sa itaas para magbihis ng pang-opisina.Kailangan niyang pumasok sa trabaho.

"Kung may sasabihin po kayo sa akin, Pa, please lang po, sabihin niyo na," ani Snow.Pinuntahan siya ng ama sa opisina.Abala siya sa pagbabasa ng papers nang dumating ito.Nahilot rin niya ang batok dahil tila nangangawit na iyon.She sipped her black coffee na mainit-init pa.She need to be awakened kundi baka makatulog siya ng 'di na oras.Wala pa siyang tulog mula kagabi.

Nakatingin lang ito sa kanya,mayamay ay huminga ng malalim bago nagsalita. "How are you? How is your relationship with Ricky?" Seryosong tanong nito.

Tumayo siya at lumapit dito. "I'm fine, Papa. Pero kami ni Ricky nag-aaway po kami palagi."

"At ano na naman ba ang ginawa mo?" Nakakunot noo nitong tanong.

Hindi mapigilang masaktan ni Snow sa narinig mula sa ama. "Why me? 'Pag nag-aaway kami, kasalanan ko? Iyong pambabae niya, kasalanan ko? Bakit lagi nalang ako? Nanahimik ako, sinita ako at nag-away kami." Masama ang loob na tinalukaran niya ang ama.

"Sorry, anak. But don't you ever get tired of fighting?"

"I'm super tired Papa because everything I do, is wrong... Pakitaan ko man siya ng mabuti o masama.It's still the same with him. Masama pa rin ako sa mga mata niya." aniya.Nais rin niya sanang idugtong na simula't sapul ay isinasaksak sa kanya ni Ricky na siya ang kabayaran sa lahat nang utang nang ama.Na kasama rin sa settlement ang lahat ng pasakit na dinaranas niya ngayon.But because she loves her parents so much she need to accept all this tolerance from Ricky.

"Pagpasensiyahan mo nalang siya, anak. And were sorry dahil ikaw ang nahihirapan ngayon. Hindi ka dapat nalagay sa ganitong sitwasyon kong hindi dahil sa akin," madamdaming amin ng ama.

"Pa, nandito na. Wala na tayong magagawa. Ang gawin nalang natin ngayon ay magtulungan para mabayaran na natin ang pagkakautang natin kay Mr.Ferrer." ani Snow sa ama.

"Ano'ng balak mo pagkatapos nito, maghiwalay kayo?"

"Hindi ko muna iisipin 'yon, Papa. But my answer is big no! Dahil kapag ginawa ko 'yon, maraming zombie ang matutuwa. Iyon lang ang hinihintay nang mga babaeng gustong mapasakanila si Ricky. At bakit ako makikipaghiwalay, eh kasal kami. I'm his wife!" Mariin niyang turan.

"Then work things out. You're saying you're his wife. Act like one!" Mariing sabi ng Papa niya.

Natahimik lang si Snow.Tila nasampal siya sa sinabi ng ama.Paano ba niya gagampanan ang bilang isang asawa kay Ricky kung mula simula din ay naglihim siya dito?Namalaki din ang pagkakasala niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya napagbibigyan ang asawa sa pangangailangan nito kaya siguro sa ibang babae na nito inilalabas ang init ng katawan.May kasalanan din siya sa part na 'yon.Pero kasalanan din ba niya kung ayaw niyang matuklasan ng asawa ang katotohanan dahil takot siyang masumbatan sa huli?

She was so damn stupid dahil unti-unting nahuhulog ang loob niya sa asawa.Hindi lang nagkakagusto kundi mahal na niya ito.Sa mga simpling gestures na ipinapakita sa kanya ng asawa ay nakakaramdam na siya ng kilig at kaligayahan.Tila nagiging komportable na siya tuwing nakakaharap ito.Kahit na pangit ang pagtratato nito sa kanya because maybe that's only his reason para makapag-communicate sila.'Yong ibinabato sa kanya ang mga paper works at isinasama siya sa mga conferences.And maybe it's time also na babawi siya.Sa anong paraan? naisaloob niya.

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa kuya Samuel mo, anak?" Basag ng ama sa pananahimik niya.Ang tinutukoy nito ay ang kanyang stepbro.

"Ang alin, Papa?" Kunwaring hindi niya alam ang nangyari dito.

"May bumaril daw sa kanya kagabi sa club. Mabuti at sa tuhod lang siya natamaan. And according sa mga witness. Bababe daw ang gumawa," patuloy na kuwento kanyang Papa.

"Mabuti naman at hindi siya napuruhan kundi baka pinaglalamayan na siya ngayon," ani Snow.

"What are you talking about?"

"Totoo naman, Papa. Masuwerte siya at buhay pa siya ngayon. Baka sa susunod talagang mapupuruhan na siya!" Pilit pinakalma ang sarili sa panggigigil.

"May problema ka ba, anak?Mukhang hindi ka concern sa nangyari sa kuya mo?"

"Stop it, Papa! He's not my brother!At saka wala talaga akong pake kahit mamatay pa siya! Maybe 'yung gumawa no'n sa sakanya ay may malaki siyang atraso dito. Naghiganti lang 'yong tao!" Hindi napigilang sabi ni Snow sa ama.

"I don't know, hija. Ang sabi naman niya ay hindi na niya ipo-pursue ang kaso kasi..."

"Kasi kalalabas lang niya ng kulungan!" Dugtong ni Snow sa sasabihin nang ama.

"How did you know that?" Nagtatakang tanong ng ama.Bigla ay nabahala si Snow.Baka makahalata ang kanyang ama.Kaya iniba nalang niya ang usapan.

"Pa, maybe let's talk again tonight. Papasyal ako sa bahay. Sa ngayon ay umuwi ka na muna at magpahinga," ani sa ama na iginaya na ito sa pintuan.Hinalikan niya ito at saka nagpaalam.Wala namang nagawa ang matanda kundi sumunod at umalis nalang. "Wooah!" ani Snow.Muntik ka na doon,ah!aniya sa sarili.Muntik-muntikan na siyang nabuking doon.Kung bakit nadala kasi siya nang galit at agad-agad bumabara mg sagot sa kanyang Papa.Sa susunod ay mag-iingat na siya sa isasagot.Baka mapurnada pa ang paghihiganti niya kung sakali.

Next....

Living like HellWhere stories live. Discover now