Wicked

2.3K 65 13
                                    

Chapter25

Sa kabilang banda ay nakapagpyansa si Jeff.May kamag-anak daw kasi ito sa pulitiko na tumulong sa kanya.Malaking pera ang inilibas ng pamilya nito makalabas lang si Jeff sa kulungan.Dahil kilala rin ang mga magulang nito na isa sa mga maimpluwensiyang tao ay nagawan nila ng paraan ang pagkakalaya ng lalaki.

Bulag na ang isang mata nito.Hindi na ito nakakakita pa.Isang mata nalang ang kanyang ginagamit.
Hindi mapagkakaila na kaya ito nagpapyansa ay upang makapaghiganti sa kanila.They are in danger now.Nakalabas na nang kulungan ang isa pang rapist at gumagala na sa kung saan-saan.Hina-hunting sila,lalo na siya.

"Sir, nakita na po namin ang babaeng pinapahanap niyo. Magkasama sila ng asawa niya," report ng isa sa mga tauhan ni Jeff. "Nagkakape sila. Mukhang masaya sila, boss," patuloy pa nito.

"Good. Dadaanan ko kayo diyan," ani Jeff sa tauhan na kausap sa cell phone mula sa kabilang linya.

"Sige, boss. Hihintayin ka namin," anito at saka pinatay na ang tawag.

Sa report na 'yon ay nabuhay ang pagiging demonyo ni Jeff.Nakangisi ito.May binabalak na kasamaan. "I'm back! I will make you live like hell again, Snow. Look at what you did? Binulag mo ako, kaya bubulagin din kita! Kayong dalawa nang asawa mong magaling!" Galit na sambit ni Jeff habang nakaupo sa loob ng sasakyan nito.Sinamahan pa nito ng malademonyong halakhak.Patungo ang sasakyan nito sa kinaroroonan nila.

Masayang nagkakape sina Ricky at Snow.Wala silang kamalay-malay na may nagmamatiyag pala sa kanila sa di kaluyuan lang.Tanaw sila ng mga ito.Pinapanood sila na animo tila nanonood lang ng isang teleserye.Biglang nakahalata si Snow na tila nga may nakatingin sa kanila.Napalingon siya labas ng bintana.Napanganga siya nang makita kung sino iyon.Si Jeff,nakatingin ito sa kanila habang kampanteng nakasandal sa labas ng kotse nito.Nakahalukipkip pa ang gago.He wicked smile at her.Kinilabutan siya,nasitayuan bigla ang mga balbon niya sa balat.

Kunway hindi nagpahalata si Snow na nalingunan niya si Jeff.Napahigop siya ng kape.Ngumiti siya kay Ricky.
"Sinusundan tayo!" Mahinang sambit niya.

"Who?" ani Ricky na inilingon pa ang paningin sa paligid."

"Huwag kang magpahalata na alam na natin," sita niya sa lalaki.

"Who's following us?" Muli nitong tanong.

"I saw Jeff outside," amin ni Snow.

Pasimpleng nilingon ni Ricky ang mata sa kalsada ngunit wala na doon ang sasakyan ni Jeff.
"Are you sure? Wala naman akong nakikitang Jeff."

"Sigurado ako. Nakita mismo nang dalawa kong mata," katwiran niya.

"Siguro pagod ka lang kaya kung ano-ano na ang nakikita mo at naiisip. Halika na umuwi na tayo," yaya ni Ricky sa kanya.

"Believe me!" Tila nanlulumong sabi niya. "Nakita ko talaga siya? He was standing there!" aniya na nilingon muli ang kinaroroonan kanina ni Jeff. "Nakalaya na siya!" Tila may pangambang sambit niya.

"Kung nakalaya man siya. I promise, nandito lang ako para saiyo. I will protect you."

Umiling si Snow.Alam niyang nasa panganib na sila ni Ricky.Ayaw niyang muling mapahamak ang lalaki.Ngunit kung gagawa man siya muli ng ikalalabag niya sa batas ay baka tuluyan na talaga siyang makulong nangpang-habang buhay kapag may magawa siyang masama kay Jeff.

"I'm scared," amin ni Snow.Scared to do wrong again and scared to see her next future.

"Huwag kang matakot nandito lang ako para saiyo. Ako ang bahala saiyo."

Living like HellWhere stories live. Discover now