Spying

2.4K 63 3
                                    

Chapter13

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Snow sa sama nang loob kaya naman naisipan niyang magpalamig.Mainit ang kanyang ulo,mainit pa ang kanyang katawan.Pinuno niya nang warm water ang bathtub na nasa sarili nilang kuwarto.She undress and soaked her naked body to the tub.

Ipinikit niya ang mga mata at pinilit pakalmahin ang sarili ngunit tila mapaglaro ang isipan niya.Muling nagbalik ang masamang panaginip na pilit niyang kinakalimutan.Sa limang segundong pagkapikit ng nga mata ay tila disc player ang pangyayaring nag play sa kanyang diwa.Bigla ay nanlamig sa takot ang dalaga at kinabahan sa susunod pa na pangyayari.

"Kuya! Bakit?" ani Snow sa lalaking nakatayo sa harapan niya ngunit 'di niya masilayan ang mukha dahil nakatago ito sa dilim. "Bakit mo nagawa sa akin 'to?"

"Ano'ng bakit?" Balik tanong nang boses.

"Bakit mo nagawa sa akin 'to?" Nalilitong tanong ni Snow ng paulit-ulit lang.

"Tintanong pa ba 'yan? Dahil gusto kita, Snow. Gusto kita...matagal na!" Komento nito na sinabayan pa nang nakaka-insultong tawa.

"Magkapatid tayo," aniya.

"Hindi kita kapatid! Ampon lang ako! Ampon ako ni Papa!" May pag-amin na sabi nito.

Napanganga si Snow sa natuklasan.Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.Para siyang natuklaw nang ahas at biglang nahinto ang pagdaloy nang kanyang dugo mula sa kanyang puso.Hindi siya makagalaw.Hindi siya makahinga.Nilapitan siya nang kanyang kuya.Sinakal siya sa leeg.Hindi pa rin siya makapumiglas dahil nawalan nang ganang gumalaw ang katawan niya.

Gising Snow!Gising! naisaloob niya.Hindi ka puwedeng mamatay.Remember, maghihiganti ka pa sa kanila!Hindi mo hahayaang maging impyerno ang buhay mo sa piling nila!Sa wakas ay biglang nag-responsed ang katawan ni Snow.
She used her one leg to kicked the head of his brother.Nabitawan nito ang pagkakasakal sa kanya at natumba ito sa sahig.

"I'm going to kill you now! Heto na ang katapusan mo!Yaaahhhh!" Nalakas na sigaw ni Snow at buong puwersang sinipa muli ang leeg nito ng paulit-ulit. "Ganyan dapat ang nangyayari sainyong mga rapist!Ang patayin para wala na kayong mabiktima pa!"
Napabangong bigla si Snow at napailing.Ang akala niya ay totoong eksena ang nangyari.Iyon pala ay isa lang palang masamang imahinasyon nang kanyang isipan.Masamang panaginip na naging bangungot.

Nagbanlaw na si Snow at tinanggal ang mga sabong dumikit sa kanyang katawan.Nakatanggap siya ng text  mula kay Miya at nagbigay ng mga detelya ukol sa kinaroroonan nang kanyang mga kuya na ampon lang pala.Dahil puno ng hinanakit at pasakit ang dibdib ni Snow ay nais niyang magtungo sa hide out ng mga ito.Naglagay siya ng makapal na make-up para hindi siya agad makilala.Naglagay din siya ng pekeng nunal.She dressed up all black.Head to toe mala 'Girl in Black' ang dating.

Para hindi mahalata nang asawa na aalis siya ay dumaan siya sa backdoor kung saan may gate doon.Tulog na ang mga kasambahay ng oras na iyon kaya madali nalang siyang makaalis nang hindi napapansin.Pagkalabas ni Snow sa bahay nang asawa ay nagtungo siya sa highway para pumara ng taxi uuwi muna siya sa kanila para kunin ang  kanyang motorsiklong na bili niya noon.Iyon ang gagamitin niyang sasakyan.

"Anak gabi na? " Nang mapagbuksan siya ng kanyang ina.Pagkarating ay umakyat siya agad sa kanyang kuwarto.Kinuha ang susi ng kanyang motor at isinuksok sa beywang ang licensed gun na nabili niya bilang proteksiyon.

"Hindi kasi ako makatulog, Ma. Isa pa nag-away kami ni Ricky." Paliwanag ni Snow sa kanyang ina.Nagtataka man sa hitsura at ayos nang pananamit niya.

Living like HellWhere stories live. Discover now