Jelousy

2.8K 53 3
                                    

Chapter9

Maagang nagising si Snow.Pinaghandaan niya ng breakfast ang asawa ngunit maaga rin itong nakaalis nang bahay nila.Pumasok na pala ito sa opisina.Naligo na rin siya at nagbihis para makapasok na rin sa trabaho.Doon na lang niya kakatagpuin ang asawa.Gusto niyang magkalinawagan sila nito.

Pagkalabas ni Ricky sa opisina nang kanyang sekretarya ay may nadatnan siyang babae na nakatanghod sa kanyang mesa.Nagulat siya nang makilala ang babae,si Jackie iyon-ang childhood sweetheart ni Ricky noong nasa kolehiyo pa ang mga ito.Kahit na magkaiba sila nang kurso noon ni Ricky ay naging malapit pa rin sila sa isa't-isa.Pareho sila ng mga organisasyong sinalihan noon.Ngunit hindi siya sinagot ni Jackie dahil may kasintahan na ito.Nawalan sila ng komunikasyon dahil kapwa sila naging abala sa kanya-kanyang trabaho.

"Jackie!" Tawag ni Ricky. "So, anong maipaglilingkod ko saiyo?" Mayamaya ay umupo na siya sa kanyang puwesto.

"Ah, heto, dinala ko pala 'yung financial report," aniya, saka inabot sa kanya ang isang folder. "Kailangan mo na raw kasi 'yang mabasa."

"Okay. Babasahin ko mamaya. Salamat." ani Ricky sa dalaga.

"Walang anuman. Oo nga pala? Pupunta kami mamaya sa Cosmos. Sama ka, ha?" Yaya ni Jackie na ang tinutukoy ay ang pinakamalapit na bar sa building nila.

"Kapag hindi kami mag-over time, sasama ako," ani Ricky.

"Sana hindi---Good morning, Snow," mayamaya ay bati ni Jackie.Napalingon si Ricky at nakita niyang nakatayo sa likuran niya ang asawa.

"Who are you? Why are you asking my husband for a night out?" Pangangastigo ni Snow kay Jackie at kung kanino nito nalaman ang pangalan niya.Base sa blangkong ekspresyon ng mukha ni Snow ay alam niyang galit ito. "Hindi ka pa ba nakontento na nakasama mo ang asawa ko sa birthday mo? A nd here you go again, inviting him?Ang kapal din naman ng mukha mo!"

May tatlong ekspresyon lang na makikita sa mukha ni Snow.Ang una ay ang blangkong ekspresyon ng mukha na ang ibig sabihin ay galit ito.Pangalawa ay kapag nagsalubong ang mga kilay niya na ibig sabihin ay nag-iisip ng ito nang 'kasamaan' na maaring gawin nito sa isang tao.Ang panghuli ay ayaw niyang umaaligid sa asawa niya ang babaeng kaharap.

"I'm Jackie Ilardo. Finance department!" Mataray na sagot ni Jackie. "And, wala naman masama kong iimbitahan ko si Ricky. As long na siya mismo ang tumanggi." Nakangisi nitong sagot sa kanya.

"Ah! Ganoon pala!?" aniya na nangigigil na.Kadarating lang niya sa kompanya nang asawa pero ito agad ang bubungad sa kanya.Magkasama lang ang mga ito kagabi at ngayon naglalandian naman sa opisina ng magaling niyang asawa.Ang kakapal ng mga mukha!Ang sarap pag-iilampaso sa sahig!

"Wait! Wait!" Awat ni Ricky sa dalawa. "Actually, aalis na siya. 'Di ba, Jackie?" ani Ricky at sinenyasan si Jackie na umalis na.Nakuha naman nito ang hint ni Ricky.Nagpaalam ito sa kanila saka tinungo ang elevator.

"Bakit pinaalis mo agad siya? Hindi pa ako tapos---"

"Malakas kasi ang pakiramdam ko na gusto mo siyang saktan at alam mong wala kang grounds para gawin 'yon! Naghatid lang siya nang financial report na babasahin ko." Paliwanag ni Ricky sa kanya sabay abot ang folder sa kanya.

Hinablot ni Snow ang folder na iniabot nang asawa sa kanya.
"Wala akong balak manakit! Gusto ko lang siyang takutin! At kung naghatid lang siya nang report na 'yon hatid lang dapat! It would only take a minute or two for her to give you the file? Pero nahuli ko pa kayong nagyayayaan! Heck, you were even flirting with each other? Hindi nalang kayo nahiya sa akin?" Sabi ni Snow sa kanya na may bahid na inis ang bawat salitang lumabas sa bibig.

"Okay, okay. Chill. I'm sorry! We're sorry," ani Ricky.

"Sorry! After what you did! You're fooling around! And worst sa harap ko pa! Pinamumukha mo sa akin na lalaki ka at bilang lalaki may kailangan ka! So, dahil nandiyan naman ang childhood sweetheart mo, siya nalang tutal ang palay na ang lumalapit sa manok! And then, go ka naman ng go!" Hindi mapigilang sumbat ni Snow kay Ricky.Nasasaktan din siya.May pakiramdam siya at may puso din.Pero ang hunghang na ito parang wala lang pake!

"That's not what you think? Magkaibigan lang kami." Paliwanag ni Ricky sa kanya.

"Magkaibigan na naglalaplapan! Magkaibigin na naglalandian?Friend with benifits, ganoon?" Palatak ni Snow sa asawa.Sa tindi nang pag-iinit nang ulo niya ay hindi alam ni Snow kung tama pa ba ang mga katagang lumalabas sa bibig niya. "Are you two dating?" Salubong ang kilay na tanong niya.

"Bakit mo naman na tanong 'yan?"

"Just answer my damn question!?" Gigil na sigaw ni Snow sa asawa.

"We're not! Magkaibigan lang kami. Though, niligawan ko siya noon dati. Pero matagal na 'yon." Mahinahong paliwanag ni Ricky.Mahabang katahimikan ang sunod na namayani sa pagitan nilang dalawa.

"Matagal na palang panahon 'yon? Pero bakit ngayon parang aso siyang hahabol-habol saiyo!"

"Just stop thinking about her. Just like what I said, we're just friends. It's up to you, If you're going to believe me or not?" ani Ricky sa kanya.

Bigla ay napamura si Snow.Ano nga pala ang nakain niya ba't nasabi niya ang ganoon eh,wala naman silang relasyon ni Ricky.They are not official yet pero kung maka-react siya feeling biktima siya nang dalawa.Shit lang!Hindi ba't wala naman siyang karapatang pagbawalan kung sino mang bababe ang puwedeng pakisamahan nang asawa.Pero sympre, she's not favor of it!

"Puwede na ba akong magtrabaho?" Mayamaya ay pukaw ni Ricky sa kanya. "Be ready too. Sasama ka sa akin sa labas," anito.

"Where?"

"Lunch and meeting with Mr.Amillo."

Tumango na lang siya.Kasama iyon sa pinirmahan niyang kontrata ang sumama sa mga transakyon na dadaluhan ng asawa.Kailangan na rin niyang magtrabaho at asikasuhin ang hawak niyang folder.Kailangan niyang kalmahin ang saril dahil sobrang bilis ang pagtibok nang puso niya.Tila binabayo ang dibdib niya sa lakas ng tibok.Tatalikod na sana siya nang magsalita uli ang asawa.

"Dalhin mo yung mga papeless na pinabasa ko saiyo kahapon." Paalaa nito.

Tumango nalang siya dito at nagtungo sa kanyang opisina.Biglang nanikip ang dibdib ni Snow.Sobra siyang nasaktan sa pambabalewa-wala ng asawa.Nagpakamartir na siya at lahat,pinagsilbihan niya ito pero binabalewa-wala pa rin siya.Maluha-luhang napailing siya.Hindi madali sa kanya ang ginagawang pagpapakababa pero hindi man lang siya na-appreciate nito.Tama na ang kanyang kamartiran!Ang masakit pa ay kaya siya nasa poder nang lalaki ay para pagbayaran ang mga utang nila dito.Hindi na siya dapat mag-expect pa nang iba.Kahit na mambabae pa ito.O ang sumama kay Jackie kahit na sabihin pa nitong magkaibigan lang sila.Hindi naman siya bulag!Tanga lang!Tanga nang nagkakagusto sa asawa.

Pinilit niyang alisin ang sakit na naramdaman dahil sa mga sinabi niya.Kabilin-bilin niya sa sarili na huwag siyang mahuhulog kay Ricky.Pero heto at mukhang doon na rin siya papunta.Mukhang sinuway ng pasaway niyang puso ang bilin ng kanyang isipan dahil na-realie niyang nasasaktan siya tuwing naiisip ang posibilidad na magkakabalikan sina Ricky at Jackie.Hindi naman siguro siya basta na lang masasaktan kung wala siyang damdamin.Malinawnpa sa putik ang bagay na iyon.

Magmumukha lang siyang tanga kung itatanggi niya iyon ng itatanggi.
Nakainom siya ng konti ng mga sandaling iyon.

"Am I talking nonsense?"

Sana nga nonsense na lang talaga si Jackie para kay Ricky Pero alam niyang hindi.Sa loob ng dalawang taon pinagsamahan ng dalawa,imposibleng mawala agad ang damdamin nito para sa babae.Ang nonsense siguro na matatawag ay ang ipilit ni Snow na bale-wala na kay Ricky ang ex-girlfriend nito.


Next....

Living like HellWhere stories live. Discover now