Hopeless

2.5K 49 4
                                    

Chapter15

"What the heck did you do?" Sita sa kaniya ni Miya nang mapagbuksan siya nito ng pintuan.Lumingon pa ito sa paligid bago siya hinila sa isang braso papasok sa condo nito.Ayon sa mukha nito ay bakas ang pag-aalala at pangamba.

"I just took justice," simpling sagot niya rito.Komportableng naupo sa sofa at itinaas pa ang dalawang paa sa lamesa na nasa harapan niya.

"Justice?" Balik tanong nito sa kanya.Nakakunot ang noo at naghahangad pa nang susunod na detalye.

"Relax ka lang nga! Hindi naman nila mahuhulaang ako 'yon. I disguised. So, no one recognized me." Proud na sagot ni Snow sa kaibigan.

"Ewan ko sa'yong babae ka!Pinapa-alalahan na kita sa ngayong maayos pa ang lahat pero kung matigas ang ulo mo para ituloy-tuloy 'yang ginagawa mong paghihiganti, sinasabi ko na saiyo, baka sa kulungan ang bagsak mo." Parang Nanay lang niya na nanenermon sa ginawa niyang pangbu-bully.

"I can take the consequences," ani Snow. "Matagal na akong nakukulong Miya. Matagal na akong nagdurusa nang sarili kong landas. And only revenge can make me seek justice. Ano pa't nag-aral ako ng karate, teakwando, and I sacrificed all that kung 'di ko rin lang naman magagamit di'ba?" ani Snow at kinindatan pa amg kaibigan.

"How about if they can trace the bullet? Ano'ng gagawin mo? You shoot him in left leg at may possibilities na gawin nilang proof kung magdedemanda sila o ipa-blutter man ang gumawa!" Nag-aalang katwiran ni Miya sakanya.

"'Di gawin nila? Ready akong humarap sa korte. Kahit na dalhin pa nila iyon sa kataas-taasan, my reason is I defence myself from them dahil marami sila at mag-isa lang ako. The waiter also can testify because I help him that night." Sagot ni Snow dito.

"Naku, Snow. Ikaw pa ang matapang! Ikaw na talaga! Bilib na ako sa'yo! Basta kung ano man ang pinaplano mo, let me know," ani Miya at tinapik pa siya sa balikat bilang pagsuko dahil kahit ano pa ang gawin nitong paalala ay siguradong matatalo pa rin ito sa kanya.

"Hey!" ani Snow at nilingon ang kaibigan. "Can you do me a favor?" aniya.Mabuti nalang at naalala niya na kasabwat pala si Jeff sa mga plano ng demonyong si Samuel sa panliligaw sa kanya. "I heard that night with Jeff na tinatawag niyang "kuya" ang demonyong si Samuel. I want you to follow him everywhere he goes. At kung ano ang mga pinaggagawa niya. Do-doublehin ko ang sahod mo. Just to make sure kung ano ang relasyon nang dalawang demonyo." ani Snow sa kaibigan.Her private investigator too.

"Si Jeff Torres ba ang tinutukoy mo?" ani Miya sa kanya. "His calling Samuel "kuya"? Baka naman...magkapatid sila?" Naibulalas nito.

Tumanggo si Snow. "Iyon nga ang gusto kong tuklasin mo kung ano ang relasyon nila?"

"Okay? Deal!" ani Miya sa kanya.

"Mag-ingat ka sa pagsubaybay sa gagong 'yon, ha? Makamandag pala ang hudyo. Guwapo at gentleman sa harap pero sa loob may tinatagong ka-demonyohan. Pareho sila ni Samuel. I can't wait na siya na ang isusunod ko!"

"Hoy! Walang ganyanan. Wala sa usapan na pati 'yong Jeff na 'yon, eh...babanatan mo at babalatan rin ng buhay? Mag-isap ka nga nang mabuti." Iiling-iling na sita ni Miya sa kanya.Dinaig na naman nito ang Nanay niya sa galing sa pagsita.

"Okay, I'm thinking carefully. Kung papatayin ko ba siya o bubulagin!" Nakangisi niyang sabi kay Miya.

"Whatever!" Itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko uli.Napahalakhak siya sa inaakto ng kaibigan.Bukal sa loob niya ang pagtawa.Tila nakaramdam siya ng kaligayahan dahil muli niyang narinig ang tawa niya.Tila ilang dekada na siyang hindi tumatawa.She was happy knowing that she can still laugh kahit na kahungkagan ang nararamdan niya araw-araw sa piling ni Ricky.

Living like HellWhere stories live. Discover now