CHAPTER 26

1K 54 3
                                    

CHAPTER 26

  
ZENNIE ' s POINT OF VIEW

 
 
Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko.
  
  
  
Nakatulog ako?
    
    
  

“Bes!”
   
   
  
Hindi ko pa alam kung nasaan ako at hindi pa nakaka bangon, nang bigla ako sinunggaban ng yakap ni Jeffrey.
   
   
Pagkalas ng yakap ni Jeffrey agad ito tumingin sa akin. Medyo nagulat pa nga ako nang umiiyak ito.
  
  

“Best, sorry! H-Hindi na u-ulit k-kita iiwanan——BEST!”  sabay yakap ulit ni Jeffrey sa akin.
 

  
Tinapik-tapik ko ng mahina ang likod ni Jeffrey, habang yakap-yakap niya pa din ako. Naririnig ko sumisinghot pa ito.
  
    

Masama ang loob ko sakanila dahil sa pag-iwan nila sa akin. Pero dahil kay Jeffrey nawala ang sama ng loob ko sakanila lahat.
    
  

Napabitaw sa yakap si Jeffrey sa akin nang bigla siyang hatakin ni Storm.
    
 

“Umaabuso ka sa yakap eh!”  Ani ni Storm.
  
  
Ang cute ng reaction ni Jeffrey. Ngumuso ito at nag-salubong ang kilay habang naka-cross arms.
  
  
 
Bumangon na ako at tinignan ang paligid ko. Mukhang nasa hospital ako at nasa isa private room. Nandito din ang lahat na section F.
 
Anong meron bakit nandito sila lahat? At, bakit nasa hospital ako?
  
  
Tumingin ako kay Jeffrey para mag-tanong pero bago pa ako mag-tanong sumagot na siya.
  
  

Nag-panic attack ka, Best. Pagkatapos ka namin napakalma kanina, maya-maya hinimatay ka.”
 
  
Tumango-tango ako. Nag-panic attack pala ako at hinimatay.
  

   
“Bakit ka nag-panic attack kanina, Zennie?”
  
 
Napatingin ako kay Jaylen nang mag-tanong siya ng ganoon.
  
 
Huminga ako ng malalim at pinakawalan din ito agad. Ayoko na sana pag-usapan, pero siguro mas mabuti alam nila ang dahilan para sa susunod hindi nila ako i'lock ng ganon.
  
  

“N-Natako ako  .  .  .  T-Takot ako sa dilim,”  patago ko kinuyom ang mga kamay ko.   “T-Takot na takot ako  .  .  .”   Mangiyak-ngiyak ko wika.
  
 

Naramdaman ko na nanginginig nanaman ang mga kamay ko, pagkatapos ang katawan ko. Pinaghalo takot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Naalala ko nanaman  .  .  .
  
 
Nawala ang panginginig ko at napalitan ito ng pagka-gulat, nang hawakan ni Storm ang magka-bila braso ko.
  
  
Diretso sa mga mata ko nakatingin ngayon sa akim si Storm.
 
  

“Breathe out slowly, deeply and gently through your mouth.”

Sinunod ko ang sinabi ni Storm at kumaa na ang nararandaman ko.
  
  
“Don't be scared again like that, Zennie. Nandito kami lahat para sa'yo. At ito ang tatandaan mo, hinding-hindi kita iiwanan.”
  
  
“S-Storm  .  .  .”

 
Ano 'to nararamdaman ko? Bakit ganito na lang kabilis ang tibok ng puso ko, habang nakatingin kay Storm?
 
Kinakabahan nanaman ba ako? Natatakot nanaman ba ako? Nag-papanic attack nanaman ba ako?
 
Pero hindi eh. Pakiramdam ko iba itong nararamdaman ko. Hindi naman ako nahihirapan huminga o ano. Basta mabilis lang ang tibok ng puso ko, dahil sa kagagawan ng Tukmol na ito.
  
 

Hinawi ko ang mga kamay ni Storm na nakahawak sa braso ko.   “O-Oo, sige.”  Iyon lang ang nasabi ko.
  
   
Umayos na ng tayo si Storm.  “Uuwi na ako.”  Mabilis na paalam ni Storm at lumabas na ito.
  
    
 
Pag-labas ni Storm. May parte ng katawan ko ang naiinis. Paano hindi ako maiinis, kakasabi niya lang na, hindi niya ako iiwanan pero siya pa ang unang nang-iwan sa akin dito.
 
  
   
Bahala nga siya!
 
 
 
Naka ngiti ako tumingin sa mga Mokong na nandito.  “Kailan ako p'wede lumabas?”  tanong ko sakanila.
   
 
“Bukas, p'wede ka na lumabas at huwag ka na mag-aalala sa mga bills mo dito, naayos ko na.”  Sagot ni Jaylen.
 
   

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon