CHAPTER 1

185 9 0
                                    

Nakaupo si Jhonna sa may ilalim ng isang malaking puno sa St. Monica High School, ang eskwelahang pinapasukan niya.









Busy siya sa paglipat ng page sa librong binabasa niya tungkol sa Noli Me Tangere. May exam kasi sila mamaya tungkol sa librong isinulat ni Rizal.









Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa nang biglang may tumabi sa kanya. Hindi na niya kailangan pang tignan kung sino man ang tumabi sa kanya dahil alam niyang si Clarence iyon. Pabango palang nito ay alam na niya.









"Nag-rereview ka?" Tanong nito kaya hindi niya naiwasang paikutin ang mga mata niya.









"Ano sa tingin mo?" Mataray na sagot niya at muling inilipat sa ibang pahina ang binabasa niya.










"Bakit ang taray mo? Nagtatanong lang naman ako, ah?" ani nito.









Rinig niya sa himig ng boses nito na nakahaba ang nguso nito.










"Don't ask stupid question, Clarence. Alam mo namang may test tayo mamaya malamang magrereview ako" sagot niya habang nakatingin pa rin sa librong binabasa niya.









"Eh, may kasabihan kasi na, ang tunay na matalino ay nagtatanong" ani nito.











Lumingon siya rito at nakita niya ang malaking ngisi nito kaya napaarko ang kilay niya ng wala sa oras.










"Idiot. All people are asking question, so it means all people are smart?" she said.









Sasagot na sana ito pero muli siyang nagsalita.
"If that so, then Philippines will become a rich country" she added.











Muli siyang tumingin sa librong binabasa niya at humugot ng malalim na hininga bago nagsalitang muli.









"People asking questions because they want to know something that maybe bothering them, but it doesn't mean that they are smart. Asking a question is not bad, it's good though, but if they asks stupid question like an elementary student questions then better shut your mouth" she explained.









"Tss! Aalis na nga ‘ko. Ang hirap makipag-usap sa taong sobrang talino" ani nito na halatang sumuko na.











Napangisi siya sa sinabi nito at narinig ang mga yapak na papalayo sa pwesto niya.








I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)Where stories live. Discover now