CHAPTER 8

48 3 0
                                    

"Bilisan mo naman Clarence, malelate tayo sa ginagawa mo, eh" naiinis na sabi ni Jhonna habang nakatingin kay Clarence na kasalukuyang nakaupo sa sopa ng bahay nito at nagsasapatos.









"Just calm down, okay? Lalo akong magmamadali sa ginagawa mo, eh" sagot nito sa kanya.










Napairap siya sa sagot nito at namaywang sa harapan nito.









"That's the purpose of what I've said, Clarence. God! I've never been late for my whole school year Clarence and because of you I'll have a bad record" she said with a hint of irritation.









Sa wakas ay natapos na rin ito magsapatos. Akala niya ay lalakad na ito pero tumayo lang ito sa pagkakaupo at namaywang rin.









"First for all, hindi ko sinabing sabay tayo pumasok. Second, hindi ko na kasalanan kung malelate ka dahil choice mong sumabay sa 'kin pumasok. Third, never kong hinayaan na magkaroon ka ng mga bad records sa school and lastly, magtagalog ka rin sa 'kin kapag ako ang kausap mo hindi yung dinadaan mo ko sa English mo" mahabang litanya nito.









Hindi niya naiwasang mapanganga sa huli nitong sinabi.









"Wait, are you jealous?" Hindi niya napigilang itanong rito pero hindi ito makapaniwalang napatawa at muling humarap sa kanya.









"Wag kang assuming, Jhonna, nakakasakit yan" ani nito.









Sinundan niya lang ito ng tingin habang papalabas ito ng bahay.









"Okay, that was the stupid question I've ever asked" ani niya sa sarili niya at nagsimula na ring maglakad.









Pagkalabas niya ay naabutan niya itong nakasandal sa sasakyan nito habang nakakrus ang mga braso.









"Are you... I mean sinusubukan mo ba na maging model ng mga sasakyan?" Asar niya rito pero nakalimutan niyaniy na si Clarence ay si Clarence.









Hindi ito magpapatalo sa asaran.










"Bakit papasa na ba?" Nakangising tanong nito at umayos pa ng pagkakasandal.









Pinasadahan niya ng tingin ang katawan nito mula ulo hanggang paa at napangiti nalang siya ng papasa talaga itong maging model.









"Baka naman malusaw na 'ko n'yan" ani nito.










Napawi ang ngiti niya at napatingin sa mukha nitong nakangisi na.









"Tss! Assuming ka rin, eh, 'no?" asik niya rito.










Tumawa lang ito at pinagbuksan siya ng pinto sa passenger seat.









Umikot ito sa kabila para makasakay sa driver seat. Buti at nakakuha ito ng lisensya kahit na nag-aaral palang ito.








I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα