CHAPTER 5

51 3 0
                                    

Nakaupo lang si Jhonna sa isang kama sa may clinic habang nakatayo naman sa gilid ang kasama niyang lalaki.










Lumingon siya rito habang ginagamot pa rin ang balikat niyang namamaga na.










"What's your name? Parang ngayon lang kita nakita sa school na 'to. Transfer student ka ba?" tanong niya rito.










Tumango ito saka ngumiti. "Yes. Actually first day ko ngayon and nasa locker ako nu’ng time na inaway ka ni Michelle."










Napatango-tango siya sa naging sagot nito.











"By the way, I'm Charles Kevin Lorenzo" pagpapakilala nito sa sarili.











Nakangiting tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad at nagpakilala.










"I'm Jhonna Levesque. Nice to meet you, Charles" pagpapakilala niya sa sarili.










Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa ay tinignan niya ang namamaga niyang balikat na hanggang ngayon ay ginagamot pa rin ng nurse.










"Charles Kevin Lorenzo" bulong niya habang nakangiti.










Agad na napalis ang ngiti niya nang ma-realize niya ang pangalan nito.










Kinuha niya ang cellphone niya sa may bulsa ng palda niya at tumungo sa may messenger.










Napatingin siya kay Charles at bahagya itong ngumiti kaya ngumiti rin siya rito sabay tingin muli sa cellphone niya.











"CK Lorenzo" bulong niya at hindi niya naiwasang hindi mapangiti.










Tama nga ‘ko. Gwapo ito sa personal. Sambit niya sa isipan niya bago tinago ang cellphone niya.










Saktong pagkatapos gamutin ng nurse ang balikat niya ay biglang pagdating ni Clarence. Hinihingal pa ito at kita niya sa mata nito ang pag-aalala.










"Are you okay? Narinig ko ‘yung balita. Sorry kung wala ako doon sa tabi mo para ipagtanggol ka" nag-aalalang turan nito.










Napangiti siya sa reaksyon nito.










"Ano ka ba? I'm fine, okay?" Nakangiting turan niya rito at kalaunan ay pinakilala kay Charles. "Clarence this is CK, I mean Charles Kevin, and Charles this is my friend Clarence" pagpapakilala niya sa dalawa.










Nakakahiya dahil tinawag niyang CK si Charles na hindi naman dapat.










"It's nice to meet you pi—"










Nagtaka siya nang biglang sumingit si Clarence kahit hindi pa 'man tapos si Charles na magsalita.










I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon