CHAPTER 4

59 7 0
                                    

Kasalukuyang nilalagay ni Jhonna ang ibang libro na hindi niya na gagamitin maghapon sa may locker niya.








Iilan lang din na estudyante ang nasa locker room dahil katatapos lang ng break time.








Wala rin silang susunod na subject pagkatapos ng break time kaya ngayon niya naisipan na ilagay ang mga libro niyang hindi gagamitin.








Dahil na rin sa may inasikaso siya sa may locker niya ay siya nalang ang natira.








Hindi naman siya natatakot o kinakabahan dahil hindi naman siya takot sa mga multo, natutuwa pa nga siya kapag nanonood siya ng mga horror movies.








Pagkatapos niyang asikasuhin ang mga gamit niya sa locker niya ay sinarado niya na iyon. Buti nalang at may passcode ang bawat locker kaya secure na secure talaga ang gamit nila.








May finger print rin kaya kahit alam ng isang estudyante ang passcode ay hindi pa rin magbubukas.








Pagkasarado niya sa locker niya ay tumalikod na siya para makaakyat sa room nila pero biglang may humawak sa braso niya.








"What the hell are you doing? Halatang wala kang kadala-dala, ‘no?" ani niya kay Michelle na siyang humawak sa braso niya.








Ngumisi lang ito at kasama pa nito ang tatlo pa nitong kaibigan.









Hinila nito ang braso niya at napaarko ang katawan niya nang tumama ang likod niya sa may locker.








"What is your freaking problem, Mich?!" she said.









Nakahawak siya sa kaliwa niyang balikat na napasama ata ang pagkakatama sa locker.








"You. You are my problem. Masyado kang papansin. Nang dahil sa 'yo napahiya ako sa harap ni Clarence" asik nito at kitang-kita sa mga mata nito ang galit.








Napangisi siya dahil sa sinabi nito at nakangising humarap dito habang hawak pa rin ang balikat niya.








"Don't blame me, Mich, because you are the one who did that. I hope that you know that Clarence and I are friends, so better know your place, Mich, Because for him, you are just nothing" she said while emphasizing the last words she said.








"You bitch!"








Napa-aray siya nang mahawakan nito ang buhok niya at hindi siya makabwelo dahil sa mga kaibigan nito na pinipigilan ang kamay niya.








"You're a bitch, Jhonna. Akin lang si Clarence" gigil na gigil na sambit nito habang sinasabunutan siya.








"Ms. Michelle Monica!"








Naramdaman niya ang pagbitaw ng mga ito sa kanya dahil sa isang sigaw.







I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)Where stories live. Discover now