CHAPTER 3

60 4 0
                                    

Nasa canteen si Jhonna kasama si Clarence at tahimik na kumakain.









Hindi niya maiwasang tingnan ito dahil hindi naman ito tahimik kumain, madaldal pa nga ito at panay ang kwento kaya naninibago siya sa kinikilos nito kanina..









Malamang nasaktan siya sa ginawa mo kanina. Anang isang bahagi ng isipan niya.









Binaba niya ang kutsarang hawak niya at tinignan ito.









"Are we okay?" she asked.










Bahagya itong tumingin sa kanya.









"Yeah" he just said.










Kumain ito ulit ng kinakain nito na parang balewala ang sinabi nito.









Napakamot siya sa kilay niya at pumikit para hindi lumabas ang pagiging mataray niya.









I'm trying to be nice for damn sake. She said through her head.









"Look, I'm sorry. I know I'm wrong, It's not good to say those words towards you. Come on, don't be so hardheaded" she said with a light of irritation.









Tumigil ito sa pagsubo at binaba ang kutsara at tinidor na hawak nito.









"Okay. Apology accepted" sambit nito at tumayo na.









"What?" Hindi siya makapaniwalang tumingin rito na papalayo na sa direksyon niya.










"He's really a hardheaded man" she whisper.










Nag-umpisa ulit siyang kumain at paunti-unti lang ang kinakain niya dahil nawawalan na siya ng gana.









Napaangat siya ng tingin nang may naglapag ng Choc-O zesto sa lamesa niya.









"Drink it" Clarence said who’s standing in front of her.









Nakangiti siyang tumayo at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you."









Humiwalay siya ng yakap rito at muli itong umupo sa upuan nito kanina.









"Tss! Pasalamat ka hindi kita matiis" ani nito.
Natawa siya sa sinabi nito at may inabot ito sa kanya na kalahati ng footlong.










"Kainin mo din 'yan. Dapat ikaw ang bumibili sa 'kin ngayon n'yan, eh" ani nito.









Hindi niya mapigilang hindi mapangiti rito.









"Sus. Syempre hindi mo hahayaang ako ang bumili n'yan. Baka matapakan ko pride mo, eh" pang-aasar niya dito habang umiling-iling lang ito.








I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon