CHAPTER 2

84 6 0
                                    

Naglalakad si Jhonna sa may hallway ng building nila nang biglang may umakbay sa kanya.









"Mamaya na ilalabas ang result ng test. Ready ka na ba?" ani Clarence na siyang umakbay sa kanya.









Napairap siya rito at tinanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya.










"Ang taray mo nanaman. For sure, hindi ka kinakabahan dahil malamang ikaw na naman ang mangunguna" ani nito.










Tumigil siya sa paglalakad at humarap rito.









"Oh! Bakit gan'yan ka makatingin?" ani nito.









"Bakit parang feeling ko naglalabas ka ng sama ng loob mo sa 'kin?" Turan niya.










Napangisi siya ng mameywang ito at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.










"Gusto mo bang alugin ko ang utak mo para magising ka? How come magkakaroon ako ng sama ng loob sa 'yo, eh, kaibigan kita?" litanya nito.










Nagkibit-balikat lang siya at nag-umpisa nang maglakad.










"Let's see the result later together" she shouted then went to their classroom.










Hindi niya ito narinig na sumagot kaya alam niyang bumaba na ito. Wala kasi silang teacher ngayon dahil may trangkaso ang teacher nila kaya dalawang oras ang naging break time nila.










Nakarating na siya sa room nila at iilan lang ang nandoon dahil malamang kung hindi nasa canteen ang mga ito ay nasa cover court naman.










Pagkaupo niya sa upuan niya ay nilabas niya ang cellphone niya at earphone.









Pinatugtog niya ang mga kanta sa playlist niya at binuksan ang data ng cellphone niya.









Sunud-sunod ang naging tunog ng cellphone niya dahil sa mga notifications at sa messenger.








I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon