CHAPTER 7

41 3 0
                                    

Naghahanda na si Jhonna para sa pagpasok niya nang muli siyang tumingin sa cellphone niya.









Kagabi niya pa inaantay na magmessage sa kanya si CK pero ni isa wala siyang natanggap. Maski magbukas ito ng account nito ay hindi rin nangyari kaya medyo kinakabahan siya.









Maaga pa naman kaya naupo muna siya sa sopa sa bahay nila habang nakatingin sa cellphone niyang nakapatong sa babasaging lamesa ng sala.









"Ano na kayang nangyari doon?" Bulong niya habang nag-aantay na umilaw ang cellphone niya.









Napabalikwas siya sa pagkakaupo nang umilaw iyon kaya dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya at tinignan kung sino ang nagmessage.










Napangiti siya ng malawak nang makitang si Charles ang nagtext.









Nandito na 'ko sa school, nasaan ka na? Text nito sa kanya.









Nakangiting kinuha niya ang bag niyang katabi niya lang at lumabas ng bahay.









Nakangiting sumakay siya sa back seat ng kotse ng pamilya nila at inantay na umandar ang sasakyan.









Nang maramdaman niyang umaandar na ang sasakyan ay nakangiting kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at nagreply sa message nito kanina.









Papasok na 'ko. Wait mo nalang ako sa may entrance. Reply niya rito.









Nakangiting tumingin siya sa labas ng kotse at napangiti sa bawat nakikita niya. Mula nang pumasok si Charles sa school nila ay mas sinanay niy ang sarili niya na magtagalog.









Gusto niya kasing malaman nito na kahit purong Canadian siya ay marunong siya magtagalog tutal purong Filipino ito tulad ni Clarence.









Muli niyang tinignan ang cellphone niya at nakangiting di-nial ang number ni Clarence. Unti-unting napawi ang ngiti niya ng ilang ring na pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag.









The subcriber cannot be reach please dial call later…









Muli niyang di-nial ang number nito.









The subcriber cannot be reach please dial—










Paulit-ulit niyang di-nial ang number nito.









The subcriber cannot be reach—










Tinry niya pa ng isang beses pero wala talaga. Inis niyang pinindot ang end call at hinilot ang noo niya.









Naiinis siya na ewan dahil isang tawag niya palang ay sinasagot na kaagad nito ang tawag niya pero iba ngayon.








I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)Where stories live. Discover now