CHAPTER 29

1K 51 23
                                    

CHAPTER 29

 
   
  
 
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
  
 

 
  
 
 

“Bakit mo ako yinakap? Bakit mo ako hinalikan sa noo? Bakit mo sinabi ang tagal mo ako hinihintay? Nagkita na ba tayo noon?”   Sunod-sunod ko tanong ulit kay Yuta nang makalabas na kami ng theater room.
     
 


   

Hindi nanaman ako pinapansin ni Yuta. Hinawakan ko na si Yuta sa braso niya kaya napatigil ito sa pag-lakad.

    
 


  

Agad ako umunta sa harapan niya.  “Sabihin mo na kasi sa akin, hindi naman kita aasarin. Promise.”
  
   
 
Tinanggal ni Yuta pagka-hawak sa kamay ko sa braso niya.    “Ilang beses ko ba sasabihim na hindi ko alam ang mga sinasabi mo? I never hug you,  well uhmm  .  .  . That's  .  .  . Yeah. But! I never waited you and I never ever kissed you.”  
   
 


 

Binitawan na ni Yuta ang kamay ko saka siya umalis at iniwan ako.
     
    
   
Si Yuta ang may-ari ng box na iyon eh! Eh kung hindi si Yuta ang gumawa sa akin n'on, SINO?!  at bakit niya ako hinintay?
   
 

   
 
 
Letse! Kung ayaw umamin ng Yuta Yamatamo na iyon! Edi h'wag! Gagawa-gawa siya ng ganoong eksena, kapag nabuking itatangi. Gusto ko lang naman malaman kung bakit niya iyon ginawa eh.
   
   
 


  

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko. “Alas dose na pala.”   
    
 


 
   
 

Nag-umpisa na ulit ako mag-lakad. Sa canteen na ako didiretso. Ikakain ko na lang itong mga katanungan sa isipan ko, kaysa isipin ko ng isipin.
   
        
   
 


 

Napatigil ako sa pag-lakad nang makita ko ang isa pamilyar na babae. Malayo pa siya sa akin pero alam ko sa akin siya nakatingin.
       
 
 
Saan ko nga ba nakita ang babaeng ito——Ah! Naalala ko na. Siya 'yong fiancè ni Yuta na hindi jowa ni Yuta. Si Sheryl.
   
   
 

Pag-lapit ni Sheryl sa akin nagulat ako nang bigla ako sampalin ng malakas.
   
    
 
Hinawakan ko kanang pisngi ko na sinampal ng Sheryl na ito.
     
 


 

“Bakit mo ako sinam———”
      
 

“Yuta, hugged you? Yuta, kissed you? Yuta, waited you? Sa susunod na ipagsigawan mo pa ang ganoon sa fiancè ko, hindi lang sampal ang ibibigay ko sa'yo.”
   
 


 

Pagkatapos ako bantaan ng Sheryl na iyon umalis na siya at iniwan akong nabibigla.
      
 
  

Ang kapal ng mukha sampalin ako. Kasalanan ko ba gumawa ng eksena ng ganoon si Yuta? Bakit hindi 'yong fiancè n'ya ang pag-sabihan? Pati ako nadadamay sa away nila eh.
    
    
     
Tinignan ko ang paligid ko. Mga tsismosa nilalang. Hindi na ako mag-tataka kung mamaya o bukas trending nanaman ako.
  
   
 

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon