DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 8

153 8 1
                                    

C H A P T E R 8

GEO's P. O. V.

Nasa laboratory kasi ako kanina, di pa kasi tapos ang experimento na kanina pa namin ginagawa.

Nang bumalik na ako sa classroom namin,  wala nang tao ni isa kasi recess pa naman. May 5 minutes  pa naman ako para mag recess, kaya naman nag punta na ako sa cafeteria para magrecess.

Nang makaorder na ako ng kakainin ko,  tinitignan ko kung may bakanting upoan na ba? Pero nakita ko naman sina Jolina, Romeo at Alex na nag uusap-usap habang kumakain pa itong si Alex. Lalapitan ko na sana sila kaso,  bigla naman akong hinawakan sa kamay ng kuya ko.

"Teka? Ano ba?" Pagpupumiglas ko sa kaniya.

"Alam mo ba kung saang building naka check in yong kaklase mong freak?" tanong niya sakin.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko sa kaniya na may pagtataka.

"Di bali na nga lang." sabi pa niya saka siya umalis dala ang soda niya.

"Oh? Hi! Mr. Geoffrey Serge,  dito ka nalang saaming table umupo." biglang offer sa akin ni Riva isa sa sikat sa tatlong babaeng magaganda dito sa school na to.

So? Wala na akong nagawa kundi ayon, nakiupo na lang din ako sa kanila. Sila dada lang sila ng dada. Pero ako kain lang ako ng kain.

Then the bell ring.

At saka naman ako bumalik sa classroom ng hindi pa natatapos ang pagkain ko.

ALEXA's P. O. V.

Pabalik na kami sa classroom namin ng biglang may humila sakin ng di ko namalayan at dinala niya ako sa lugar na walang katao-tao.

Isinandal niya ako sa pader, base sa pangalan niya sa I.D na suot niya siya ay si Martha.

"Just a couple of words lang,  lumayo-layo ka kay Geo at mas lalong-lalo na kay Cleo." Nagagalit na mukha ang nakikita ko sa kaniya, pero mukhang galing sa break up si Ate kasi namumula pa ang mata niya mukhang galing sa iyakan.

"Bakit naman? Ano ka ba nila? Anong pakialam mo sa gusto ko?" Tanong ko sa kaniya.

*paks!*-Sinampal niya ako at dahil sa sampal niya nahulog ang suot kong eyeglasses.

"I can expelled you out of this university." Sabi ko sa kaniya sabay tingin doon sa CCTV at mukhang mali siya nang pinagdalhan sakin. Haaaaay nako!

At napatingin din siya sa tinitignan kong CCTV.

"Argh!" Sigaw niya sa inis sa akin. Bago siya napatakbo.

Saka ko naman pinulot ang eyeglasses ko. Saka ako umalis habang inaayos ko ang buhok ko para takpan ang sigurado akong nagmarkang kamay ng babaeng 'yon haist!

This is not the first time na may sumampal sa'kin... Dahil sa previews school na pinagaaralan ko,  Lagi naman akong nabubully. Mabuti na nga lang nagkaroon pa ako ng mga kaibigan na tulad nila Romeo at Jolina.

Pagkapasok ko sa classroom namin, saka naman ako umupo sa upoan ko habang tinatakpan parin ang pisnge kong nasampal ni Martinang 'yon.

Nang pumasok na ang susunod naming subject,  descuss dito,  descuss doon. Hanggang sa natapos na at my five minutes pa para makapagprepare kami sa susunod na subject.

Nagbigay lang naman ng kukopyahin, at nag descuss ng sandali at saka naman nag bell,  para sa lunch break.

Inayos ko naman ang gamit ko di ko naman namalayan na nahawi ko na pala ang buhok na pinangtakip ko sa pisngi ko kung saan for sure lapat na lapat ang kamay ni Martina.

Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon