DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 50

91 3 0
                                    

C H A P T E R 50


GEO's P.O.V

Nagulat na lang ako sa ginawa ni Alexa nung pinapili ko soya kung aling stuff toy ang gusto niya... Pareho sila ni Cleo mahilig kay Pekacho. At nang makuha ko na ito subrang saya niya na parang bumalik siya sa pagkabata.

"Alin ba dito ang gusto mong kunin ko? Hahaha!" Sabay tawa niya ng pang demonyo pero halatang sinasadya naman ang tawang 'yon.

"Gusto ko ikaw!" Sabi ko sa kaniya.

Napahinto naman siya ng pagtawa.


" este! si Spongebob pala" Sabing bawi ko kaagad sa kaniya.

Saka naman niya ipinakita sakin kung paano niya makukuha si Spongebob mula sa machine na 'yan.

Isahang liko lang niya sa kamay ng robot na may hawak kay spongebob. At saka naman niya ito inihulog sa butas.. Nang walang kahirap-hirap.

"Oh! Ayaw mo ba kay Pekacho?" Biglang tanong niya sakin.

"Haisy! may iba kasing gusto si Pekacho at hindi ako 'yon, Tara na nga at naggugutom na ako" Sabi ko sa kaniya. sabay tap ng ulo niya.

Inagaw naman niya bigla si Pekacho sa kamay ko.

"Ano ba nagustohan mo kay Pekacho hah?" Tanong ko pa sa kaniya habang nag lalakad na kami. Curious lang kasi ako.


"Kasi ang cute niya, at ang cute pa ng boses niya" Sabi niya sakin nang nakangiti lang habang nasa kamy niya si Pekacho at nakaharap sa kaniya.


"Ah?? 'yon lang pala" Sabi ko sa kaniya.

"At gusto ko siya dahil sa siya kasi firs love ko.., hehehe!" sabi niya pa na ikina hinto ko sa paglalakad.


Biglang pumasok kasi sa isipan ko ang alaala namin ni Cleo noong mga bata pa kami kung saan paramihan kami ng makukuhang Stuff toy... sa limited coins lang. Pero dahil sa magaling kasi siya, ang isang hulog lang ng coin minsan tigdadalawa ang nakukuha niyang stuff toy at puro pekacho pa ito. At ako naman minsan hindi si Sponge bob ang nakukuha ko kaya natalo ako.


"Gusto ko sa Jollibee" sabi ko naman sa kaniya.

"Ako rin, Teka? anong paborito mo sa Jollibee?ako kasi yong---


"Fried chicken" Sabay naming dalawang sabi at sabay tawa naming dalawa.

"Chocolate Vanilla Sundae! hahaha!" sabay ulit naming dalawa.



CLEO's P.O.V

Nang matapos na kami makabili ng isusuot namin para bukas.

"Babe! I'm hungry na" Biglang salita ni Maxine.

"Jollibee tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Jollibee crispy fried chicken" Sagot naman niya.

"Hamburger with mash potato" Sagot ko naman sa kaniya habang tuwang-tuwa.

"Gaya uli dati?" Biglang tanong niya sakin.

"Oo! ba" Sagot ko.. At saka naman kami nag punta sa Jollibee.

"Chocolate Vanilla Sundae! Hahaha" Dinig ko sa likoran namin ni Maxine. Familiar ang boses nila titingin na sana ako kung hindi ako biglang hinila ni Maxine papunta sa Jollibee statue... Syempre as always kailangan may remembrance kaming dalawa kay Jollibee.

Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Where stories live. Discover now