DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 18

117 8 0
                                    

C H A P T E R 18

ALEXA's P. O. V.

Habang nag likinis ako ng kwarto ko dahil nakakahiya naman kung hindi diba? Baka sabihan pa akong nakikitera lang ako dito tapos hindi pa ako marunong maglinis.

Sa kakalinis ko napagod ako kaya naman napaupo ako sa may paahan ng kama ko... Pero di ko naman namalayang naka tulog na pala ako...

Kaya nang magising ako may papel na akong natanggap sa may harapan ko.

"Teka ano naman ito?" Salita ko pa.

"Ha??? Totoo ba 'to?" (₱_₱) Di makapaniwala sa nabasa ko.

Kasi ito lang naman ang nakasulat sa papel. Inayos ko pa ang salamin ko sa mata para makita kung totoo ba o hindi. 

DATE: 08/16/2019

Dear Alexa Barbara Buraot,
          Isang napakagandang umaga sayo!
          I am send this letter to you as an applicant for my great job to offer just for you. Be my fake girlfriend. ₱2,000 ang makukuha mo every moment na magkasama tayo and kapag magka hawak or magka akbayan tayo there is additional ₱3,000 in all over cash. As to accept this job please put your signature upper corner of your name.

Rules to be followed:

1. No Kiss on the lips allowed.
2. No Hug and holding hands while there is no need.
3. No Excuses and no buts.

ALEXA BARBARA BURAOT

MR.GEO SERGE

See? Sinong tatanggi sa offer na 'to diba?  Kaya ayon napa takbo ako papunta sa kwarto ni Geo.

Nang makarating na ako sa kwarto ni Geo. At binuksan ko ito at saka pumasok sa loob at pumunta doon sa may table niya kung saan parang nasa office ang theme nito kung saan nakatalikod ang malaking upoan.

"Aham!" May nag clear ng troat sa may likod ng upoang nasa harapan ko ngayon habang pinipermahan ko na ang kasulatan saka hinayaang nakalapag lang ito sa mesa niya.

"I'm in to this job, why not diba?" Sabi ko pa ng naeexcite pa. Pero nang umikot na papaharap sa akin nagulat ako.

Teka???  Si Geo ba 'to?  Teka??  Lang bakit iba na ba ang mukha ni Geo?

Ah???  Baka naka maskara lang siya tignan nga natin...  nilapitan ko ito at saka ko hinawakan ang mukha niya at tinignan kung may tanggalan ng maskara ito pero wala eh.. At napa atras naman ako nang makilala ko nang husto ang itsura niya..  Kasi nga si Cleo nga itong nasa harapan ko ngayon.

Kinuha na niya ang papel.

"Teka teka! Akin na---" di ako nakapagtapos sa pagsasalita at ayon... Dahil matalino nga sila diba... Naisahan ako nitong si Cleo ginamit ba naman ang pangalan ni Geo. Para lang makuha ang sagot ko sa gusto niyang plano para makipagbalikan sa kaniya si Maxine.

Nagulat din ako sa ginawa niya sa pangalan ni Geo kinuskos niya lang ito at naging pangalan na niya ang nakalagay doon.

Saka niya pinicturan ito.

"Hoy! Aba! Anong gagawin mo diyan? Madaya ka ah," Sabi ko sa kaniya.

"Para siguradong di mo rin ako maiisahan." sabi niya sa akin.

"Aba! Akala mo papayag ako?" Tanong ko sa kaniya. Saka ako tumalikod sa kaniya.

"Sige,  let's say na hindi ka papayag,  pero simula ngayon akin kana."

Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt