DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 19

114 6 0
                                    

C H A P T E R 19


ALEXA's P. O. V.

Mayamaya pa nakarating na rin kami sa mall.

Nangbumaba na si Geo subrang daming babae ang nakatingin sa kaniya, nang bumaba din itong si Crazy Monkey ayon! Sino bang hindi halos mawala sa sarili kung ganyang ka gagwapong mga lalaki ang makikita mo.

Kaya naman nagdadalawang isip akong lumabas ng sasakyan nila,  di na man kasi nila ako makikita dahil tinted glass naman kasi ang bintana ng sasakyan nila.

Bigla ba namang hinawakan ni Cleo ang hawakan ng pintuan kung saan ako naka upo at kung saan din marami nang mga babae't mga bakla ang nagkukumpulan dito sa labas ng mall.

Nilock ko ito. Pero kinakatok kasi ni Cleo ang pintuan para i-unlock ni Kuya ang pintuan paulit-ulit lang ang ginagawa namin hanggang sa nagmakaawa si Kuya driver sa akin na baka siya daw ang mawalan ng trabaho. E pa'no ako???

Nangmabuksan na ang pintuan ng sasakyan ay saka naman ako pinuntahan ni Cleo.

"Ano ba? Alam mo namang ayaw na ayaw kong pinag-aantay" sabi niya sa akin.

"Oo! Na ito na!" naiinis kong sabi. Saka niya ako hinayaan na makalabas at saka naman niya ako inakbayan nang pagkalabas naagka labas ko mula sa sasakyan.  At itong si Geo naman di ko alam kung kikiligin ba ako o hindi...  Nakahawak siya sa beywang ko habang sinisimulan na namin ang paglalakad so,, ganito ang position nila ako ang nasa gitna nilang dalawa si Cleo nasa right side si Geo naman ang nasa left side.

Ayon! Grabe na kung maka react sila sa akin at sa nakikita nila.

"Grabe ang swerte naman ng panget na 'yan" rinig ko.

"Wag mo silang pansinin" bulong sakin ni Geo na nakakakiliti sa tinga kaya napapangiti ako.

"Mahihimatay ako nito, isang panget kasama ang dalawang gwapo? I can't take this anymore!" sabi pa ng isa.

"Huwaaaa!!!  Bakit??? Anong nangyayari sa mundo bakit??" Anang O.A nong isa pang babae.. Papasok na kami saloob ng mall.. Hanggang sa loob pinag titinginan parin kami ng mga tao.

Hanggang sa pumasok kami sa isang clothing boutique.

Pinaupo nila ako sa may sofa na kulay yellow.

"Diyan ka lang hah,  wag kang aalis" sabi pa ni Cleo.

"Babalik din kami" sabi pa ni Geo.

Wala akong magawang reaksiyon sa kanilang dalawa dahil sa nalulutang parin ako mga nangyayari sakin kanina. Una yong phone ko, pangalawa ang mga tao kanina.

Ilang minuto ako nag iintay saka sila dumating na may dalang mga damit na pambabae.

"Oh!"

"Ano naman yan?"

"Edi damit" pamimilusupo pa ni Cleo sa akin.

"Hali ka isukat mo para sakin,  dali na" sabi niya sa akin.

"Teka bakit ako?" Taka ko sa kaniya.

"Eh,  ikaw ang babae sa ating tatlo malamang" sabi pa ni Geo.

"So magkasundo na kayo?"

"Sino?" Sabay pa nilang dalawang tanong sakin.

Napatingin naman ako sa labas ng boutique... Ayon nagkakagulo parin sila sa labas. At tiyaka bakit walang ibang pumapasok dito except us.

Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon