DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 43

102 4 0
                                    

C H A P T E R 43

ALEX's P.O.V



Nang makaalis na sila Cleo at Geo. Lumapit ako kay Mama para gumawa din ng rice coffee na lagi naming iniinom noong mga elementary pa ako. "Sino ba talaga dalawang 'yon ang boypren mo?" Hay nako! si Mama ngayon pa siya nagkapanahon para sa love life ko eh, noong mga panahong meron akong boyfriend hindi niya ako tinatanong tapos sinabi niya pa na isang dakilang nbsb ako.


"Ma! Wala po sa kanilang dalawa"


"Huh?"


"Dahil po wala naman silang gusto sa'kin eh, Haist! tyaka yung mga yun mayaman po sila at ang isang tulad ko di nababagay sa kanila" Sabay kuha ng lalagyan ng mainit na tubig saka nilagyan ang telang may lamang sunog na bigas para gumawa ng rice coffee.



"Tss!" Tumayo si Mama at saka pinuntahan si Kelse sa kwarto ko na tinulogan nilang dalawa. Iinom na sana ako ng rice coffee nang makita kong may naiwang cellphone doon sa may upoan. Haist! Tumayo ako dala ang isang tasa kong rice coffee maya-maya pa lumabas narin ang kapatid ko habang tumatataas na naman ang nguso dahil sa for sure napagalitan na naman ni Mama. "Oh! gusto mo ba ng rice coffee?" Lahad ko sa kaniya ng tasang may lamang rice coffee. Kinuha naman niya ito at saka ininom.


Pinuntaha ko naman ang cellphone na naiwan ni Geo. Haist! naman oh. Ma text nga siya.

"Hoy! mukhang naiwan yata ng kapatid mo phone niya"


"Wag kang mag-alala di naman siya sumama"


Nagulat ako sa reply ni Cleo.


"Magandang umaga!" Biglang sulpot ni Geo sa may pintoan ng bahay namin.


*Inhale-exhale* Saka ako tumayo para lapitan siya.


"At bakit ka nandito? akala ko ba uuwi na kayo ng kuya mo?"


"I can't lose you at my sight" Biglang salita niya ng seryuso. O my god! totoo ba ang narinig ko? weeh? di nga?


"A-anong sabi mo?" Di ako makapaniwala sa sinabi niya sa'kin.

"Aham! Ahm... Gusto mo mag-bike tayo?"

"Bike???" Pagtataka ko naman eh, wala naman akong nakikitang bike.

Inilabas naman niya kaagad ang dalawang bisikleta. Ah??? kaya pala siya natagalan sa pagbalik dito sa bahay kasi nang hiram pa ng bike.


"Oh! phone mo!" Balik ko sa phone niya.

"Ano tara?"


"Okay. Tara!" sabay labas ko ng bahay at tinignan ang kalangitan kong okay ba ang weather. Pero okay naman siya kaya naman ng powers ang init.


Sumakay na ako sa bike na ipinahiram niya sa'kin. "Teka? saan mo ba 'to nahiram ang mga 'to?" Pagtatakang tanong ko sa kaniya.


"Well. Pinahiram lang naman 'to nung dalawang batang nag lalaro dun o" Sabay turo niya doon sa basketball court.


Nagsimula na kaming magpedal ng mga biseklita namin. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kaniya.


"Any where basta kasama kita"


"Ha-huh?" I startled. Sa bilis kasi ng tibok ng puso ko 'yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.


Huwaaaa!!! My gad! Ayiee!!! kinikilig ako!


Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Where stories live. Discover now