DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 15

126 9 0
                                    

C H A P T E R 15


ALEXA's P. O. V.

Nandito na naman ako sa harap ng bahay ng crush ko at saka sa hate ko. Haaaiiist!!!  Sana magtagal ako sa trabaho na 'to.


"Papasok ka ba o tititigan mo lang yang pintuan ng bahay namin"


"Ay anak nang!" Bigla ba namang may nag salita sa likoran ko.


"Hoy! May kasalanan kapa sa'kin" sabay tingin ko sa kaniya ng masama.


"Hoy! Ka rin ikaw rin naman a, may kasalanan karin kahapon sa'kin, ano akala mo ako lang???" Sabay snob ko sa kaniya at saka ko siya iniwan sa labas ng bahay nila.



"Arf! Arf! Arf!" Bigla nalang may asong susugurin yata ako.



"Waaaaaaah!!!" Sigaw ko saka napatakbo ako pabalik kay Cleo.



Napapikit naman ako at baka kakagatin na ako nito, waaah!  Ayaw ko pa kayang mamatay,,,  at lalong-lalo na kung aso lang din ang dahilan.


Nang binuksan ko ang mga mata ko napatingin ako sa may paahan ko, este paahan pala namin ni Cleo kung saan naka upo ang aso at tyaka mukhanghinihingal nakalabas kasi ang dila nito.


*Teka?*-isipan kong nag tataka lang.



Bakit ako naka yakap kay Cleo???



At bakit unti-unti siyang lumilingon sa akin habang naka ngiti. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya niya at saka ang labi niya... Huwaaa!!! Bakit parang umiinit ang pisnge ko? At bakit parang nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.


"Hoy! Ano ba?" Gising niya sa akin sa katutuhanang nakayakap na pa pala ako sa kaniya kanina pa.


Napabitaw ako kaagad mula sa pagkakayakap ko sa kaniya.



"Oh? Mabuti naman at andito kana" sabi pa ni Tito na siyabg nakatayo sa may pintuan at mukhang kanina pa. Pati nga mga kasambahay nakatingin sa'kin ng wierd.


"Nako! Sorry po,  hehehehe!!! (Kamot sa batok) takot po kasi ako sa aso e" sabi ko saka lumayo ng kunti sa tabi ni Cleo kung saan nasa harapan niya 'yong aso nila.



"Clover bite her!" Bigla ba namang inutosan nitong mukong na 'to ang aso nila.



"Hoy! Pag ako kinagat niyan humanda ka sa'kin" nangigilaiti ko sa galit sa kaniya.



Tinawanan lang niya ako habang napahawak siya sa tiyan niya.


"Tsk!" Irrap ko sa kaniya.


"I'm home!" Biglang salita ni Geo sa likoran ko. Saka naman ako napaharap ng naka ngiti sa kaniya. Haist! Ano ba wag ka ngang mag pahalata sa kaniya na crush mo siya Alex nako!


Nakita ko rin sa kaniyang labi ang ngiti niya, Haist!!! para akong ice cream dito na natutunaw na ako sa ngiti niya sa'kin.



"Ano pa tinatayo-tayo niyo diyan pasok na sa loob" sabi pa ni Tito sa aming Tatlo.



Nauna naman si Cleo kasama ang aso nilang si Clover daw. Kainin ko kaya yang aso nila. Sarap kaya ng Clover.



Biglang namang hinawakan ni Geo ang kamay kong may hawak ng bag na may lamang mga damit at gamit ko. Napatingin naman ako sa kaniya nang hindi ko alam ang irereact dahil sa nahawakan niya ang kamay ko.




Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Where stories live. Discover now