Prologue

3.7K 41 2
                                    

Her Bitterly Love

Prologue

Sabi nila madaling mapasagot nang mga dalaga ang manliligaw nila gamit ang mga mabubulaklak na pananalita nila.

Well, ibahin niyo ako dahil kapag ikaw ang nanligaw sa akin asahan mong kaya mo dahil hindi ako yung tipong babae na maya't maya sasagutin kana.

Walang gano'n sa dictionary ko. Kung mahal mo talaga ang isang tao, kayanin mo ang sakit na mararamdaman mo kung gusto mo talaga siyang mapasa iyo. Hindi lahat nang gusto mo ay mabilis mo itong makukuha.

Hindi pera ang pagmamahal, kung kaya't kung mahal mo ang isang tao at nawa'y gustong gusto mo talaga itong makuha. Paghirapan mo muna, bago siya mapasa iyo. At mas lalong hindi lang iyon sa pagmamahal!

Pero nang dahil nga nakilala ko si Klayde Farron ang pinsan nang matalik kung kaibigan noong second year college ako. Pinahirapan ko siya like I said in the first, gustong gusto kung gawin iyon dahil masaya akong ginagawa niya yon.

Ngunit hindi talaga iyon ang rason ko kung bakit ko iyon nagawa sa lahat nang lalaking dumaan sa akin. Hindi sa dahil sobrang nakakatuwa silang pag tripan or paasahin.

May rason..

Ginawa ko ang lahat nang paghihirap na ginagawa ko sakanya para mawala siya sa landas ko. Para umalis na rin siya gaya nang mga taong pinaasa ko, dahil lang sa rasong hinding hindi talaga mawala sa puso ko.

Masama na kung masama basta nagawa ko na ang lahat nang iyon. Ngunit nakakagulat lang dahil imbes na lumayo na siya sa akin, dahil sa mga masasakit na salitang pinakawalan ko sakanya. Nanatili pa rin siya tabi ko at hinding hindi talaga siya umalis sa lahat nang maling nagawa ko sakanya.

Pinaramdam niya talaga sa akin na mahal niya ako, pero kahit ilang beses ko man i-sink in sa puso ko yun, ngunit ni isa wala akong maramdaman sakanya. Manhid na ba ako no'n?

Or sadyang hindi ko lang makita dahil ang atensyon at puso ko ay nasa iba pa rin? Kailangan ko bang turuan ang sarili kung alisin siya sa buhay ko?

Dapat ko bang bigyan pansin ang pagmamahal na pinaparamdam niya sa bawat araw na kasama ko siya?

Kung dalawa lang sana ang puso ko, mamahalin ko siya nang sobra. Ngunit hindi eh. So habang hindi ko pa rin natuturuan ang sarili ko, patuloy kung gagawin ang mga bagay na iyon sakanya.

Tignan natin kung saan ang kaya niya.

Ako si Queen Fernandez, reyna nang paasa nang dahil sa isang lalaking hindi naman ako mabigyan pabalik nang pagmamahal. May araw na bitter may araw na wala.

-

Author's note:

Ito na yung prologue nang story nila Queen, medyo kinakabahan pa ako nang masyado kasi baka hindi niyo magustuhan. Ngunit huwag ka yong mag alala.

Bibigyan ko ito nang mas madaming effort para kahit papaano ay magustuhan niyo. Pero kung hindi niyo naman ito gusto, huwag niyo na pong ituloy, bukas po ang back nang cellphone.

Thank you po.

© Treswrites16

Her Bitterly Love |✓Completed|Where stories live. Discover now