Chapter 33

346 9 0
                                    

Chapter Thirty-three

Third Person POV.

Hindi mapirmi sa kinauupuan si Klayde habang nasa harapan niya ang isa niyang make up artist. Nasa panibagong photo shoot naman siya.

Medyo naiinis na siya dahil kanina pa niya gustong makita ang dalaga. Ngunit sa pagkakataong ito hindi siya pwedeng umalis sa photoshoot niya. Madami siyang na miss na photoshoot kaya't dapat bumawi siya ngayong araw.

"Matagal pa ba ang shoot na 'to?" iritado niyang tanong sa baklang nasa harapan niya.

Natawa naman ang bakla na si Veve. "Matagal-tagal pa boss, kaya't gawin mo muna lahat ng gusto mong gawin." sabi pa ni Veve.

Umiling si Klayde at nag palombaba sa harapan niya. Kinuha siyang model ng Bench kaya't ito siya ngayon halos mabaliw sa dami ng kumukuha sakanya. Ang iba naman ay pang international pa. Talagang tinatangkilik nila ang kagwapuhan na meron si Klayde Farron.

Ngunit dahil loyal siya sa kanyang boss. Hindi siya kailan man nag pakuha sakanila, talagang ipapaalam niya iyon sa kanyang boss. Papayag lamang siya kung papayagan siyang umalis.

Maya-maya lamang ay biglang may pumasok na personal secretary niya. "Boss, gusto niyo ho ba ng black coffee o tubig?" tanong ng kanyang sekretarya.

Pinaikot niya ang swivel chair niya at tinapat ang kanyang kamay sa harapan ng kanyang sekretarya. Tinaas niya ang kanyang hintuturo. Para bang nag bibilang lang siya ng lima.

"Okay boss!" sumaludo pa itong lumabas sa private room niya.

Gustong-gusto niya ng umalis dito at pumunta kay Queen. Gusto na niyang marinig ang boses ng dalaga. At gusto niya na ring asarin ito. Unti-unti na kasing nag lalapit ang kanilang loob-sakanya lang pala. Hindi niya mawari kung gano'n din ba ang dalaga.

Ngunit pinagda-dasal niya iyon. Pakiramdam niya kasi unti-unti nalang talaga ay maabot niya na ang pangarap niya. Kasi sa tuwing mag kasama silang dalawa hindi nila maintindihan ang nararamdaman nila. Basta't masaya sila at hindi na rin sila gaanong nag babangayan gaya ng una.

Sana totoo ang nararamdaman ko.

Napahinga siya ng malalim, kailangan niya munang maging seryoso sa project niya ngayon. Baka mamaya na lamang siya pumunta sa kinaroroonan ng kanyang minamahal na si Queen.

-

Nang matapos siya sa photoshoot, bagsak siyang humiga sa sofa ng kanyang condo. Madami siyang hinabol ngayon. Kaya't kahit mahirap ginawa niya talaga ang lahat para matapos iyon. Sa isang modelling, kailangan at kailangan mo talagang gawin ang lahat ng in-offer nila sa'yo.

Hindi ka dapat maging pabaya once na pinasok mo ang career na ito. Kaya't kahit mahirap man kung mahal mo talaga ang trabahong ito. Kayang-kaya mo talaga.

Habang nakahiga siya sa kanyang malambot at malaking sofa. Naramdaman niyang nag vibrate ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Kinuha niya kaagad ito at 'di nag atubiling kausapin ito.

"Tapos mo na ba ang bahay na pinapagawa mo anak?" doon lang siya napatigil ng marinig niya ang boses ng kanyang ama sa kabilang linya.

Si Karry Farron ang pangalan ng kanyang ama. Siya'y isang bussiness man sa ibang bansa. Habang wala naman na itong ina. Maaga siyang naulila sa kanyang ina noong nasa edad pito pa lamang siya.

Kaya ang nag alaga lamang sakanya ay ang walang iba kundi ang kanyang ama. Masyado silang nawalan ng pag asa noong iniwan na sila ng kanilang minamahal na babae. Kaya hindi din nila masasabing lumaki sila ng walang pinagdaanan sa buhay. 'Di naging madali ang pinagdaanan nilang dalawa upang makalimutan ang kanilang mahal sa buhay.

Her Bitterly Love |✓Completed|Where stories live. Discover now