Synopsis: Helena University #2 Kung sa iba madaling masagot nang mga babae ang manliligaw nila. Ngunit ibahin natin ang isang babaeng iyon kung saan anim na taon na siyang nililigawan ng isang lalaki, ilang beses ding pinaramdam nang lalaki ang nararamdaman niya sakanya pero wala lang sakanya iyon. Dahil sa una't sapul pa lamang, hindi niya naman gusto ang manliligaw niya. Pangalawa, wala siyang ganang sagutin ito dahil bago palang dumating ang lalaking iyon may mahal na siyang iba. Pangatlo, ang tingin lang nang babaeng ito ay isa lamang siyang 'enemy'. Ngunit paano na lamang kung dumating ang araw na namulat na siya sa katotohanang kailangan niya ang taong ito, dahil mahal niya ang binata? Namulat siya sa katotohanang mahal na mahal niya talaga ang taong 'to, hindi niya lang naiisip dahil may mahal pa siya. Kaso kung kailan namulat na siya sa katotohanang mahal niya ang lalaki, bigla namang nawalan ng gana ang binatang manliligaw niya dahil sa anim na taong pananatili niya dito sa bansa dahilan sa babaeng mahal niya. Ngunit hindi 'man lang mabigyang pansin. Buo na ang desisyon ng binatang iyon na umuwi sa ibang bansa at simulan ang bagong career bilang isang sikat na model. Maabutan kaya nang dalagang ito na si Queen Fernandez ang lalaking bumihag ng kanyang puso na si Klayde Farron? Masasabi niya kaya ang pagmamahal niya sa araw nang pag alis nang binatang ito? Her Bitterly Love Written By: Trés Writes Date Started: September 6 2019 Date Ended: December 26 2019