Chapter 38

392 12 0
                                    

Chapter Thirty-eight

Third Person POV’s

Agad na bumaba si Love ng makita niya ang kotse ng dalaga na naka-hinto lamang sa gilid ng kalsada. Nasa dalampasigan siya kung nasaan ang dalagang kanina pa hagulgol ng hagulgol sa telepono.

Nang malaman niya kanina na pumunta pala si Queen sa opisina ni Carlo, hindi siya nag dalawang isip na tawagan ang dalaga, ngunit dahil hindi siya sinagot hindi siya nag atubiling i-trace ito at halos lahat sila ng kaibigan niya ay natataranta na.

Dali siyang tumakbo sa kinaroroonan ni Queen. At saka niya ito niyakap ng mahigpit. Pa-iyakin na nila ang lahat huwag lang ang kaisa-isa niyang kaibigan na nag paramdam sakanya na kahit ganito siya ka sama, hindi pa rin niya ito iniwan at nag stay pa rin siya sa tabi niya.

“I’m here..” bulong ni Love at mabilis niyang inayos ang buhok nitong magulo na ngayon.

Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang umiiyak ang dalaga. Hindi siya mapakali sa tuwing nakikita niya itong ganoon. Pakiramdam niya parang dinudurog din ang puso niya sa nakikita. Masayahing tao ang kaibigan kaya’t hindi siya sanay na makita itong ganito.

“A-akala ko magiging madali ang lahat..” hagulgol ng dalaga na parang walang balak na tumigil ka kaiyak.

Hinaplos ni Love ang likuran nito. “Shh. Everything gonna be okay..” panay ang bulong nito sakanya.

“H-hindi ko na maintindihan ang sarili ko.. gusto kung tanggalin ang p-puso ko Love..” nagulat ang kaibigan sa narinig kung kaya’t dali niya itong pinaharap sakanya.

“D-don’t you dare do that!” banta nito habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya.

Pilit na ngumiti ang dalaga. “A-alam ko naman kasi na.. hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko.. dahil ngayo’y ikakasal na siya.. pero ba’t ganoon?” napahinto muna ang dalaga at mariin na pumikit.

“F*ck! Ang sakit!” sigaw pa ni Queen.

Napakunot ang noo ni Love sa narinig niya. Anong ikakasal si Carlo? Kilala niya ang dalaga sobra at alam niya talaga kung gaano ito ka baliw kay Carlo sobra. Kaya’t sa sobrang kabaliwan ni Queen sakanya. Hindi maiwasan ni Love na tignan ang buong pagkatao ni Carlo.

Huwag mong sabihin mali lang ang nabasa ko o may nangyayari na hindi ko alam?

Huminga ng malalim si Love, alam niyang hindi niya pwedeng gamitin ang gamot na dala niya ngayon, ngunit ‘di rin pwedeng maging ganto ni Queen mag damag.

Nginitian niya ang kaibigan na nag wawala pa din ngayon. “Sorry, kailangan kung gawin toh.” hinalikan niya muna ito sa noo.

Tinusok niya ang dala niyang gamot pampatulog sa leeg niya at dali niya itong tinanggal. Dahan dahan naman nangunot ang noo ni Queen kasabay ang pag dahan-dahan niyang pagpikit.

“Y-your b-bad—” hindi na pinatapos ni Queen ang sasabihin ng sumabat siya.

“Yeah I know, so sleep and get rest.” sabi nito saka mabilis niyang binuhat ang kaibigan kahit mabigat ito.

Mahimbing na ngayon natutulog ang dalaga kung kaya’t dali niyang nilabas ang ka kaiba niyang cellphone.

“Mamameyah. I know this is prank!!” madiin niyang sambit at daling pinaharurot ang kotse papunta sa mansion ng Fernandez.

QUEEN

Nagising nalang ako nang maramdaman ko sobrang bigat ng ulo ko. ‘Di ko maintindihan bakit sobrang bigat nito. Ngunit mas pinilit ko nalang ang sarili kung isubsob ang mukha ko sa unan.

Her Bitterly Love |✓Completed|Where stories live. Discover now