Chapter 29

418 13 0
                                    

Chapter Twenty-nine

Napakusot-kusot pa ako sa mga mata ko ng magising ako. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa sobrang ka puyatan ko. Nang makusot ko ang mata ko dali akong humarap sa kawalan.

Mukha na siguro akong tanga sa itsura ko ngayon. In-expect ko na magulo ang maikli kong buhok habang may panis na laway sa gilid-gilid ng labi ko

Humikab pa ako bago ako tumayo at umunat-unat pa. Mga four o'clock na ako nakatulog ng madaling araw, nanood lang ako ng Netflix at saka nakatulog na rin ako.

Nine o'clock pa lamang ng umaga kaya't ilang oras lang ang tulog ko. Pero ayos na rin yun atleast naka-pagpahinga naman ang mata ko.

Dumiretso ako sa bathroom walang sabi-sabing nag hubad sa harapan ng salamin. Sabi na nga eh! Mukha na akong tanga ngayon!

--

"My beautiful lil sis!" napaigtad ako ng marinig ko si kuya Becker na nag almusal pa lamang.

He's wearing his bussiness attire.

Ngumiti ako. "how's your sleep?" dagdag pa niya.

Lumapit ako't hinalikan siya sa pisngi saka umupo sa harapan niya. Nakangisi na naman siya sa akin gaya ng ginagawa niya kada nag uusap kami. Lagi siyang nakangisi sa harapan ko at panay asar siya sa kung ano-ano.

Like sa lalaki.

Parehas silang may topak ni daddy, hindi ko sila maintindihan minsan. Minsan gusto kong sapakin ang dalawang ito dahil sumusobra na rin sila minsan.

Like father, like son nga naman.

"Ayos naman." napangiwi pa ako.

Tumawa siya. "Eat up."

Tumango ako. Sinimulan kong kumain ng bacon na nakahain ngayon sa harapan namin.

Habang kumakain kaming dalawa, panay kwento lang siya ng mga nangyari sakanya nong nasa kompanya siya. Masayang masaya siya kada sinasabi niyang nag enjoy siya sa trabaho.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya kada nag sasalita siya sa harapan ko. Siguro kung hindi lang nawala si kuya sa amin madami kaming memory noong mga bata pa kami.

"They are always looking for you. They want to see you." wika pa niya.

Ngumiti ako sa sinabi niya, gusto ko na rin silang makita at makausap. Kahit papaano ay naging pamilya na rin ang turing ko sa mga empleyado ko dati. Kaya't gusto ko din silang makita kahit ilang oras lang.

"Can I go with you kuya? I want to see them pleasee?" nag puppy eyes pa ako para payagan ako.

Tumawa siya at ginulo ang maayos kung buhok. "Hindi muna kailangan mag makaawa, dahil sasama ka naman talaga sa akin." ngisi niya.

Tumalon-talon ang puso ko sa sinabi niya. Akala ko magiging strict din siya gaya ni daddy, ang strikto kasi ni daddy sobra ni ayaw niya nga akong pa puntahin sa opisina ni kuya eh.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nalang yun pinag-tuunan ng pansin. Kaya't dahil doon ay never na akong nag salita about sa bussiness. Hinayaan ko nalang sila tutal wala na ako diyan.

Pero kahit na wala na akong pakialam diyan, gusto ko pa din silang makita at makipagusap sakanila. Syempre iba pa rin ang walang pakialam sa bussiness at may pakialam sa mga taong naging parte na ng buhay mo.

--

"Akala po namin talaga hindi na kayo babalik." sabi ni Lili habang nasa harapan kami ng desk niya.

Akala ko rin eh.

Napangiti ako sakanya, "Babalik pa ako syempre, dadalaw din ako dito kapag hindi ako busy sa bahay." sagot ko.

Her Bitterly Love |✓Completed|Where stories live. Discover now