Chap. 6

535 14 2
                                    

A/N:
Hay mga teng!! May bago nanaman akong update sana magustuhan niyo!! Tandaan: Fiction lang po ito so hindi totoo ang mga nangyayare okay?

Sorry for misspelled words and grammatical errors. Thank you, Enjoy!!

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

'SORRY I CAN'T'
Chapter 6

Angeline Quinto's POV

"Bye Angge!! Bukas uli makikikain kami dito!!!"ang sabi nina Nay Bianca.

"Hahahaha sige, bye!! Ingat!!"ang sabi ko sa mga ito at umalis na sila.

Nagulat ako ng bigla yumakap si Pogs sa likuran ko, "Ano ba yan Pogs! Kakagulat ka!!"ang sabi ko dito.

"Ay nagulat ba kita?"ang pilyong tanong nito.

A/N: Ay hindi Pogs! Hindi!! Malamang oo! Kagigil din to eh no?

"Oo! Ano akala mo? Hindi?!"ang sabi ko dito, hinarap niya ako sakanya at hinalikan.

Ano Pogs? Nakakailan kana ah!

"Uy! Wag dito baka mamaya makita tayo ni Mama Bob!"ang bulong ko dito pero hinalikan niya ako pisngi ko pababa sa panga ko.

A/N: Hep hep hep!! Ano nagiging SPG na?! Di pede yan!!😂😂 charotttt.

"Bakit ang clingy mo ngayon?"ang tanong ko dito, habang siya busying-busy halikan ang buong pisngi ko.

"Namiss kita eh..."ang tanging sagot niya lang, napangiti naman ako.

Grabe! Ang sweet niya ngayon!

A/N: Hindi naman ngayon lang, lagi nga eh!

"Alam ko nakangiti ka...."ang sabi nito habang nakayakap parin siya ng mahigpit sa bewang ko.

"Nasan nga pala sa Mama Bob?"ang tanong ko.

"Nasa taas, gusto niya muna daw doon..."ang sabi niya kaya tumango ako.

"Diba ang saya non?"ang nakangisi niyang sabi.

Bakit ang manyak niya ngayon? Itlog lang naman ang nakain niya at hotdog?

"Nako ka! Umuwi kana nga! Nang makapagpahinga kana..."ang sabi ko dito.

"Sa kwarto mo nalang, tinatamad akong umuwi..."ang saad nito at hinigpitan pa ang yakap sakin.

A/N: Pero pumunta hindi?😂

"Ikaw talaga! Pagagalitan ka ni Mama Bob sige ka!!"ang sabi ko.

"Ehh, tinatamad akong umuwi eh..."ang sabi nito na parang bata.

"Hay nako, napakaisip bata talaga! Sige na nga basta ako sa couch lang ako manonood ng TV..."ang sabi ko, napakunot naman ang noo niya sa itinugon ko.

"Bakit?"tanong niya.

"Eh! Baka mamaya pagsamantalahan mo pa ako!"ang sabi ko sabay cross arms.

"Ikaw talaga! Oo na sige na! Tara na akyat na tayo sa taas!"ang sabi nito sabay hila sakin.

Pagbukas niya ng kwarto ko ay agad siyang sumalapak sa kama at ako naman ay umupo sa couch.

"Ano? Di mo talaga ako tatabihan dito?"ang tanong nito.

"Oo, sige na magpahinga ka muna manonood lang ako..."ang saad ko habang hinahanap ang remote ng TV.

"Heto ba ang hinahanap mo?"ang tanong ni Erik, lumingon ako sakanya at nakita ko na hawak niya ang remote habang may suot na ngisi sa labi.

"Sai na nga ba eh! Akin na yan!!"ang sabi ko habang inaabot ang remote sakanya.

Nakataas ang kamay niya na may hawak na remote at ako syempre aabutin ko yon at dapat titingala at titingkayad ako para maabot ko yon kaso, hinigit niya ang bewang ko at hinalikan ako.

Napahawak na lang ako sa batok niya habang sinisikap na sabayan ang mga galaw ng labi niya.

"I love you, tabi tayo please?"ang pagmamakaawa nito nagmaghiwalay ang mga labi namin.

"Si-Sige..."Nagulat talaga ko sa ginawa niya kanina.

Hinila niya ako sa kama at hiniga, nakapatong ang ulo ko sa dibdib nito habang binubuksan niya yung TV.

"Bakit ganon babe? Si Ms. Reg din ganyan, kahit wala kayong make up ang pupula ng pisngi at labi niyo! Natutukso tuloy kami ni Sir Ogie sainyo!"ang saad nito.

"Eh kung natutukso kayo saamin eh bahala kayo sadyang ganito na talaga kami kaya wala na kayong magagawa..."ang natatawang sambit ko sakanya.

"Magpahinga kana nga! Daldal ka ng daldal diyan eh!"ang sabi ko.

"I love you..."ang sabi nito at hinalikan ako sa lips.

"I love you too..."ang sabi ko, pumikit na siya at hinigpitan ang yakap sakin.

Minuto lang ay nakatulog na rin ako, naiwan kong nakabukas ang TV pero okay lang yun sanay naman na ako..

3 hours later....

Erik Santos' POV

Nagising ako dahil sa ingay ng TV, pagbukas ng mata ko ay agad kong nakita ako mala-anghel na mukha ni Angge na mukhang nakatulog din.

Kahit sa pagtulog niya, ang ganda parin niya....

A/N: Bola!! Charottt😂😂

Hinalikan ko ito sa noo at pinatay ang TV gamit ang remote. Naramdaman niya sigurong gumalaw ako kaya nagising din siya.

"Hmmm, Pogs bakit ka gumalaw? Natutulog pa ako eh..."ang saad nito, husky yung voice niya kasi natutulog nga.

"Pinatay ko lang yung TV, sige na sleep kana uli..."ang sabi ko habang hinihimas ang buhok niya.

Ipinatong niya ang ulo niya sa dibdib ko habang nakayakap sakin, "I love you babe..."ang sabi nito.

A/N: Tengena!! Walang katapusang 'I love you'!😂

"I love you too..."ang sabi ko, and then nakatulog uli siya.

Habang ako nagcecellphone lang, tinitignan ang mga social medias ko.

Pasulyap-sulyap ako kay Angge kasi mga ang ganda niya pagnatutulog, sarap titigan!

Bandang huli, napagod na din ang mga mata kong magcellphone at finocus nalang ang paningin ko kay Angge.

Nakatitig siguro ako sakanya mga 2 hours ganon? Kasi bigla siyang nagising eh.

"Ano ba yan Pogs! Kaya ako binabangungot eh! Tinititigan mo ako!"ang reklamo nito.

"Eh ang sarap mong titigan eh, ang ganda mo parin kahit natutulog..."ang sabi ko.

"Tara na nga bumangon na tayo..."ang sabi niya.

"11:00am na pala, kailangan ko nang magluto.."ang sabi nito.

"Hindi kapa ba uuwi Pogs?"ang tanong niya, umiling nalang ako sakanya sabay tayo.

"Ano pala gusto mong ulam?"ang tanong nito habang pababa ng hagdan.

"Tanong mo nalang si Mama Bob babe..."ang sagot ko.

Pagbaba namin, nakita namin si Mama Bob na nasa sala at nanonood ng TV.

"Ma! Ano gusto niyo pong ulam?"ang tanong ni Angge.

"Kahit ano nalang nak..."ang sagot ni Mama Bob.

"Teka lang babe ah? Magluluto lang ako dyan kalang samahan mo si Mama Bob, I love you!"ang sabi nito habang nakangiti at hinalikan ako sa lips.

"I love you too.."ang sabi ko.

A/N: Ala na! Nilagam na ako dito!!😂😂 charrr

A/N:
Tandaan: Hindi ito makatotohanan....
Wag masaktan pinapaalalahanan lang kita...

Sorry I Can't (Angerik FanFic)Where stories live. Discover now