Chap. 11

460 13 5
                                    

A/N:
Sa mga sobrang nasaktan sa previous chap na inupdate ko, sorry po!

Sabi ko naman po kasi sainyo na nambibigla po ako ng scenes kaya abang-abang po kayo!

Sorry for misspelled words and wrong grammatical errors, thank you. Enjoy!

Tandaan: Ang mga pangyayare ay fiction lamang at walang bahid ng katotohanan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
'SORRY I CAN'T'
Chapter 11

Erik Santos' POV

Sirang-sira na ang buhay ko...
Ipinangako ko kay Angeline na hindi ko siya sasaktan.
Pero anong ginawa ko? Sinaktan ko siya.
Ang g*go ko talaga!

Nandito ako ngayon sa bahay, hindi mapakali ilang araw nalang ay vacation nanamin nila Yeng at hindi ko alam kung sasama si Angeline.

Pero sana sumama siya.

Napabalikwas ako ng marinig ko ang ring ng telepono ko, agad ko itong sinagot nang hindi tumitingin sa Caller's ID.

"Hell-"naputol ako sa malakas na boses ni Yeng.

"TANGIN*MO ERIK SANTOS! ANONG GINAWA MO KAY ANGGE?!"nagulat ako, dahil ngayon ko lang narinig na nagmura si Yeng.

"Yeng please let me-"

"Wala nang explain-explain! Nakita mo ba kung anong hitsura ni Angeline ngayon?! Ha! Nakita mo ba?!"ang malakas na tanong nito.

"Halos pwede nang inuman ng juice or tubig sa lalim ng collarbone niya! Sobrang payat at hindi kumakain ng maayos!"ang sabi sakin ni Yeng.

"Alam mo bang hindi parin alam ni Mama Bob na naghiwalay na kayo?! Alam mo bang sobrang nahihirapan si Angge?!"ang sabi nito sakin.

Tanginaaaaa!! Ano ba tong nagawa ko?!

"Pumunta ka ngayon din sa bahay ni Angge nandito ako, mag-uusap tayong tatlo..."ang matigas na saad nito saka ibinaba ang telepono.

Mas matanda ako kay Yeng, pero sobrang natakot ako sakanya....

Agad akong nagdrive sa bahay nila Angge....

Pagdating ko don, binuksan agad ni Yeng ang gate at hinigit ako sa loob, huminto kami sa tapat ng pintuan.

"Nandiyan ba si Angge?"ang tanong ko.

"Oo nandito siya ngayon, ang tanong kaya mo bang makita si Angge sa sitwasyon niya ngayon?"ang tanong niya naman.

Hindi ko alam ang isasagot, masyado akong nangangamba...

"Oo handa na ako..."ang maikling tugon ko lang, tumango siya at binuksan na ang pinto.

Nakita ko na wala si Mama Bob dito, malamang nasa taas siya.

Pumasok kami, sinara ni Yeng ang pinto at pumunta kami sa kusina.

At nakita ko si Angge....

Nakadress siya na puti, medyo maluwag na sakanya iyon dahil sa pumayat talaga siya.

Shittt!!!

"Angge.."ang tawag ni Yeng kay Angge.

Lumingon ito. Nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya, lumubog din ang collarbone niya.

"Ba't nandito ka? Diba dapat nandoon kana kina Ruffa? Baka mabuntis mo yon..."ang biglang saad nito na siyang nagpalungkot sakin.

"Ayaw mo na ba Angge?"ang tanong ko.

"Tanong mo sa sarili mo yan..."

"Alam mo kung bakit? Dahil ikaw ang unang kumalas, ikaw ang unang sumira sa relasyon natin..."ang saad niya.

"Sa sala muna ako..."ang excuse ni Yeng.

Teka? Bakit siya aalis? Akala ko ba tatlo kaming mag-uusap dito?

"Alam mo kasi Pogs, ikaw yung palaging nagseselos pero ikaw din pala ang magkakaroon ng pangalawa..."ang wika niya, nakikinig lang ako.

"Inexplain ko na sayo ang lahat diba?"

"Sa tingin mo sapat na yon para maniwala ako Erik? Kalmado lang ako ngayon, alam mo bang halos magpakamatay ako sa galit ko sayo? Sa tingin mo, maniniwala ako doon?"ang tanong niya, kalmado lang siya pero halatang galit na galit siya.

"Para mo akong sinaksak ng milyong beses Erik! Kung sayo ko ginawa yan, matutuwa ka ba?"ang tanong niya uli.

"Wala akong ibang hiniling kundi ang maging tapat ka sakin! Pareho-pareho lang kayong mga lalaki! Manloloko!"ang sabi nito.

"Oo na manloloko na kung manloloko, pero please lang Angge, give me a second chance..."

"Patunayan mo uli ang sarili mo sakanya..."nagulat ako ng biglang sumingit si Yeng.

"Patunayan mo ang sarili mo uli sakanya, yon lang ang paraan Erik, kung mahal mo talaga si Angge kaya mong isuko ang lahat para sakanya..."ang saad nito.

"Syempre kaya ko-"

"Then do it, dont just say it, do it..."ang sabi nito.

"Sige na Erik umuwi ka muna, sa Monday nalang tayo mag-usap..."ang sabi ni Yeng.

Bago ko nilisan ang bahay nila ay sumulyap muna ako kay Angge.

Im so sorry Angge, I love you and I hope you can give me a second chance...

Nagmaneho na ako papunta sa bahay...

Pagpasok ko sampal agad ang inabot ko...

At nagmula ito kay Mama.

"ANONG GINAWA MO KAY ANGELINE?! ANG BAIT-BAIT NG BATANG IYON SINAKTAN MO LANG HA ERIK?! GANYAN NABA TALAGA KAYONG MGA LALAKI NGAYON?! PURO MANGGAGAMIT, MANLOLOKO!"sigaw sakin ni Mama.

"ALAM MO BA KUNG GAANO KASAKIT MALOKO ERIK?!"

"DI MO ALAM ANG PAKIRAMDAM NON KASI IKAW ANG MISMONG NANLOKO!"

"Erik sinasabi ko sayo, hindi kita kakampihan pagdating sa ganyan, sinabi ko na sayo noon na pagkaingatan mo ang batang iyon dahil siya lang ang nakakapagpasaya sayo ng ganon tapos niloko mo lang?!"

"Erik tandaan mo to, once na makipaghiwalay sayo ng tuluyan si Angge, hindi na namin kasalanan yan dahil sinabihan ka nanamin..."

"Anak, mali ang manloko ng babae..."ang saad ni Mama na ngayon ay kumalma na.

"Alam ko naman po iyon..."

"Alam mo naman pala, eh bakit mo pa ginawa?"ang tanong ni Papa.

"Pa, hindi ko naman ho siya niloko..."ang sagot ko dito.

"Kinuwento lahat ni Angge, at nangangamba ako dahil si Yeng palang ang nakakaalam ng problemang ito..."ang sabi ni Mama.

"Hindi pa alam nila KZ at Kyla.."ang sabi nito, kinabahan din ako syempre dahil alam kong hindi lang sampal ang aabutin ko kay Ate Kyla...

"Ayusin mo ang problema mo Erik..."ang sabi ni Mama at umalis na.

A/N:
Sorry po ngayon lang po ako nakapag-update kasi nagkahika po ako (Ayokong gayahin si Kris Aquino na na vertigo! Charottt) btw, thanks for support love you all!

~Author G.

Sorry I Can't (Angerik FanFic)Where stories live. Discover now