Chap. 8

523 13 0
                                    

A/N:
Hello mga teng!! Jusko sorry kung late, medyo sumasakit kasi ang ulo at puson ko, alam niyo na pero mag-uupdate parin ako okay? Mahal ko kayo eh!

Sorry for misspelled words and wrong grammatical errors, thank you. Enjoy!

Tandaan: Fiction lang po ito, walang bahid ng katotohanan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
'SORRY I CAN'T'
Chapter 8

Angeline Quinto's POV

Jusko! Kanina ko pa nararamdaman ang malalagkit na tingin sakin ni Erik! Jusko! Ano ba kasing damit to?!

"Naiirita ka sa suot mo no?"ang pagkumpirma ni Yenggay, tapos na sila at sunod na sila Ms. Reg.

"Oo, lantaran naman kasi..."ang saad ko.

"Oo nga eh, pero dont get me wrong ang sexy mo sa suot mo..."ang wika nito.

"Ikaw din Yenggay, ang ganda mo!"ang sabi ko dito dahilan para ito'y mapangiti.

"Salamat, na-touch ako Angge!"ang sabi nito sabay yakap sakin.

"Naku! Makabalik na nga sa dressing room may gig pa ako eh, see you next week Angge!"ang sabi nito at bumesa sakin.

"Kanina kapa tinititigan ng boyfriend mo oh!"ang bulong sakin ni Nay Bianca.

"Oo nga Nay! Kanina ko pa nararamdaman!"ang bulong ko pabalik dito.

"Pagkatapos ng prod niyo magpalit ka nalang agad ng damit nang hindi ka mapagalitan niyan!"ang sabi nito.

"Erik, Angeline kayo na ang sunod..."ang paalala saamin ni Sir Ogie kaya umakyat na kami ng stage.

Habang kumakanta ay hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa mata ni Erik dahil sa..... Ewan ko ba basta.

"Anong suot yan?"ang bulong nito sakin ng matigil kami sandali.

Hindi na ako sumagot dahil part ko na ang kakantahin.

Sa buong prod ay puro tingin at kanta lang ang ginawa ni Erik, nag-iinit na ang tenga ko sa kilig dahil sa ginagawa niya.

Nang matapos kami ay agad naman akong nagpalit ng damit, paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Erik na nakaupo sa table ko.

"Ang hot mo kapag ganyan ang suot mo, tara na...."ang hirit nito na nagpapula sa aking mga pisngi.

Nagpants nalang ako at nag oversized t-shirt.

"Nay, sakin muna sasabay si Angge may pag-uusapan lang kami, sumabay na kayo sa driver niya..."ang sabi ni Erik, seryoso ito dahilan para kabahan ako.

Anong plano nito sakin?

"Sige, ingat ah? Oy! Erik ingatan mo yang anak ko, iapapbugbog kita kay Berna!"ang biro ni Nay Bianca dahilan para matawa kaming lahat, si Erik lang ata ang seryoso ngayon.

Jusko! Kakakaba naman ang pagiging seryoso niya...

Hinapit na niya ang bewang ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng ASAP.

Juice colored!! Kinakabahan na ako!!

"Teka? Asan yung driver mo?"ang tanong ko nang makita ko na walang laman yung kotse niya.

"Pinauwi ko na...."ang maikling tugon nito, "Sakay na..."ang sabi nito, agad naman akong sumakay na may pagtataka ang mukha at syempre kinakabahan din.

Nagdrive na siya, tahimik lang ako hanggang sa makalabas kami ng parking lot.

"Saan ba tayo pupunta?"ang tanong ko dito pero parang walang narinig.

"Basta wag kang maingay..."ang sabi nito.

Tumahimik naman ako sa buong biyahe, ni hindi ako tumitingin sa telepono ko.

"Sige na magsalita kana, I miss your voice..."ang sabi nito.

"San ba kasi tayo pupunta?"ang tanong ko.

"Sa lugar na kung saan ay masosolo kita, walang mang-iistorbo at higit sa lahat ay yung hindi ako mabibitin..."ang saad nito habang nakangisi.

"Ang bastos mo talaga!"ang wika ko.

"Atleast sayo lang naman...."ang sabi nito.

Hindi na ako nakaimik doon.

"Magsalita kapa, ayoko nang tahimik ka hindi ako sanay..."ang sabi nito.

"At anong balak mo sakin?"ang tanong ko dito na ikinangisi niya.

Juice colored! Anong balak nitong lalaking to?!

"Ang paligayahin ka..."ang saad nito sabay tigil ng sasakyan.

Hinalikan pa ako nito ng madiin at lumabas na nang sasakyan.

"Jusko po, kung ano man ang balak sakin ng lalaking to kayo na ho ang bahala...."ang bulong ko pa sa sarili ko at lumabas na nang sasakyan.

Sa di kalayuan ay may nakita akong bahay, maliit lang siya pero ang cute tignan.

"Tara na..."ang sabi nito sabay higit ng kamay ko.

Tahimik dito, huni ng mga ibon at galasgas ng dahon lang ang maririnig mo, idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin.

Sarap namang tumira dito....

Nang makarating kami sa bahay nayon ay agad siyang naglabas ng susi at binuksan ang bahay.

At ang ganda sa loob! Bahay siya pero maliit lang.

White ang kulay ng walls pero ang mga kanto ay kukay green.

Wow! Favorite color ko yon ah?

May sofa, may TV, May kitchen, may cr, and higit sa lahat may kwarto.

What? Maliit pero may kwarto?

Sa loob non ay kama, may kama sa loob and simple lang pero impressive!

A/N: Sorry di ako magaling sa mga description kaya imagine nalang muna guyseu...

Hinila niya ako sa sofa at pinaupo, binuksan niya ang TV at tumitig ng malalim sakin.

"Ang ganda mo talaga..."ang sabi nito.

Ayan na!

"Kung ako ang tatanungin kung anong top 5 favorite parts of the body mo? Siguro yung lips...."ang sabi nito sabay titig sa labi ko.

A/N: Ang lalandi niyo hayup!

"Yung waist..."

"Yung kamay mo, malambot eh..."

"Yung mata mo, kasi ang ganda..."

"And yung legs mo, ang kinis kasi..."ang sabi niya.

"Gusto ko lang na masolo ka and magkaroon ng quality time with you, kasi alam kong hindi naman nagiging madali ang trabaho natin..."ang saad nito.

"Gusto ko lang na kahit sandali ay nakakapagpahinga ka kasi alam ko namang hindi ka nakakapagpahinga kahit nasa bahay ka lang..."ang sabi nito.

Swerte ko talaga sa lalaking to....

"Thank you Pogs..."ang sabi ko dito.

"Walang ano man Gege ko..."ang sabi nito na nakangiti sakin.

"Binili mo to?"ang tanong ko.

"Oo..."ang maikli niya lang na sagot habang inihihiga ang ulo ko sa dibdib niya.

"Kelan pa?"ang tanong ko uli.

"Matagal na ito, wag mo na itong isipin sige na magpahinga kana dyan..."ang sabi nito at hinalikan ako.

"I love you..."

"I love you too..."

A/N:

Bukas nalang uli mga teng, masama talaga ang pakiramdam ko di ko na talaga kaya, babye I love you all! Thank you sa support!

~Author G.

Sorry I Can't (Angerik FanFic)Where stories live. Discover now