Chap. 30

807 27 11
                                    

A/N:

If you're reading this Sir, thank you for reading my story you are the best, and also thank you for always praising me, appreciate it so much.

Sorry for misspelled words and wrong grammatical errors. Thank you! Enjoy!

Tandaan: Ang mga pangyayari ay kathang isip lamang at walang bahid ng KATOTOHANAN.

~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●
'SORRY I CAN'T'
Chapter 30

Angeline Quinto's POV

~The number you have dialed--

Arghhh! Nakakailang tawag na ako pero busy yung phone niya! Nakakainis!

Nandito ako ngayon sa bahay at hindi mapakali, "Anak, heto tubig uminom ka muna at kumalma..."ang tugon ni Mama Bob sakin at inilapag ang isang basong tubi sa lamesa.

"Thank you Ma.."

Agad kong ininom ang dinala niyang tubig at umupo sa sofa sa sobrang stress.

"Nako Anak, pati ako tuloy ninenerbiyos dyan kay Erik!"ang sabi ni Mama.

"Ma, wag niyo po akong samahan sa stress dapat relax lang po kayo okay? Sige na, umakyat muna po kayo at magpahinga ako na po ang bahala dito."ang sabi ko, tumango ito.

Umakyat na ito at ako naman ay sobrang alala na yan Erik.

Nasaan na ba yun?

"Angge..."napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Yeng.

"Oh Yenggay, bakit nandito ka?"ang tanong ko.

"Eh kasi nabalitaan ko na kanina mo pa daw hinahanap si Pogs, nag-alala ako sayo kasi alam ko nasstressed kana..."ang saad nito, sabay upo sa tabi ko.

"Jusko, ang sakit na ng ulo ko...."ang sabi ko.

"Wait let me call him, baka sakin sumagot..."ang sabi ni Yenggay.

She dialed Erik's number and tried to call him many times but he doesn't answer.

"Nasan ba kasi tong si Erik?!"ang sigaw ko sa sobrang inis at sobrang pag-aalala.

"Kalma kalang Angge, baka mamaya ikaw ang ma-ospital niyan..."ang sabi nito sabay hagod ng likod ko.

Ewan ko pero kinakabahan talaga ako, hindi ko alam kung nasan siya, hindi niya din sinasagot ang mga tawag ko, ni-isa sa mga kakilala namin walang nakakaalam kung nasan siya.

Ding...

Tinignan ko bigla ang cellphone ko dahil sa isang text na pumasok.

Unknown Number:

***** Building, rooftop, now, dont be late or else...

Agad akong tumayo hinablot ko si Yenggay at ang car keys ko lumabas kami ng madalian, pumasok sa kotse at nagdrive.

------

Nang huminto kami sa tapat ng nasabing building ay agad kaming bumaba ni Yeng

"Heto yon? Seryoso? Jusko nakakatakot..."ang tugon pa ni Yeng, agad akong naglakad papalapit sa building at ganon din si Yeng.

Tumingin ako kay Yenggay at agad itong lumayo sakin nang maintindihan na niya ang ibig kong sabihin.

"Wag mong sabihing papasok tayo dyan Angge sinasabi ko sayo!"ang sabi nito, pero agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya papasok ng building.

Sorry I Can't (Angerik FanFic)Where stories live. Discover now