Chap. 14

470 14 5
                                    

A/N: HELLO MGA TEH!! (may energy po ako ngayon, nakita ko nanaman magandang mukha ni Kris😍😂) so, heto nanaman ang bagong update, Ate @Lovienot! Yung update mo yesterday😂😂! Mahal parin kita!

Sorry for misspelled words and wrong grammatical errors, thank you! Enjoy!

Tandaan: Ang mga pangyayare ay kathang isip lamang at walang bahid ng katotohanan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
'SORRY I CAN'T'
Chapter 14

Erik Santos' POV

"So guys, babaguhin natin at arrangement ng rooms natin kasi alam niyo na.... May magjowa dito..."ang sambit ni Ate Kyla dahilan para mapatawa sila.

Oo, sila lang ang natawa dahil ako? Sobrang lungkot ko, kahit alam kong makakasama ko si Angge sa isang kwarto lang, nalulungkot parin ako.

Iniisip ko, magiging komportable pa kaya si Angge na makasama ako sa iisang kwarto lang? Papansinin niya kaya ako?

"Huy! Erik! Tinatanong ka namin!"natauhan ako ng biglang magsalita si Ate Kyla.

Agad akong napatingin kay Angge at nakatingin lang din siya sakin.

"Ano ba yon?"ang tanong ko.

"Sino ba gusto mong makaroom mate? Si Angge o si KZ?"ang tanong niya.

"Si Angge nalang..."ang wala sa sarili kong sagot.

Halos buong oras nakatingin lang ako sa kawalan. Sobra kasi akong nasasaktan dahil sa sitwasyon namin ngayon.

Nasasaktan ka? Eh diba ikaw naman may kasalanan ng lahat?

Yan yung sinasabi ng puso ko, oo nga naman may point siya.

Pinagkatiwala sakin ng lahat ng tao ang puso ni Angge pero winasak ko lang ito, pambihira talaga....

"Uy! Ano iniisip mo? Ako ba?"nagulat ako ng biglang bumulong si Angge sa tenga ko.

"A-Ah? Hi-Hindi..."ang maikling tugon ko lang sakanya, nakita ko siyang nagkibit balikat lang at itinuon na ang atensyon sa pinag-uusapan nila.

Sa totoo lang, wala naman akong pakielam sa pinag-uusapan nila, dahil sa huli kami at kami parin ang pagtatabihin at pagsasamahin ni Angge.

"Alam mo Pogs, kanina kapa nakatulala dyan!"ang sambit ni KZ.

"Oo nga! Ano ba kasi iniisip mo?"ang tanong ni Mori.

"Wa-Wala..."ang nauutal at tipid na sagot ko.

"Okay, pero kung may bumabagabag sa isip mo, sabihin mo lang samin ah?"ang nakangiting tugon ni Ate Kyla, tumango nalang ako.

In the end, si KZ at Ate Kyla magka room mate si Yeng at si Mori at mag-isa lang si Jake.

At syempre, kaming dalawa ni Angge nanaman ang magkasama.

"Sige na! Pasok na kami! Labas kayo ng mga bandang 1:00 ng hapon okay? Para makakain tayo..."ang paalala ni Ate Kyla samin.

Tumango lang kaming lahat at pumasok na. Pag pasok namin, nakahinga ako ng maluwag dahil dalawang kama naman pala ang nandito.

"Thank God...."bulong ko, hindi naman ito narinig ni Angge dahil umupo siya sa isang sa mga kama.

Sinimulan kong kalikutin ang cellphone ko at nakita kong siya rin ay nakatutok sa cellphone niya.

"You should sleep..."nagulat ata siya dahil nakita kong napatingin siya sakin bigla.

"Ayoko nga..."ang sabi pa nito sabay tingin uli sa cellphone niya.

Sorry I Can't (Angerik FanFic)Where stories live. Discover now