Chap. 28

606 19 0
                                    

A/N:

Jowsko powwww! Naalala ko tuloy yung AE Snap vs. Writers HAHAHAHAHA.

Sorry for misspelled words and wrong grammatical errors, thank you. Enjoy!

Tandaan: Ang mga pangyayari ay kathang isip lamang at walang bahid ng KATOTOHANAN.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
'SORRY I CAN'T'
Chapter 28

Angeline Quinto's POV

Nagising ako ng mag-isa nalang, wala ng Erik Santos na nasa tabi ko kaya napabalikwas ako ng tayo.

Nasaan nanaman yon?

Bumaba ako at nakita ko siyang nakatutok sa cellphone at para bang gulat na gulat ang mukha.

Problema nito?

Umupo ako sa tabi niya dahilan para magulat siya at maitapon niya ang popcorn na kinakain niya.

"Ay puta! Angeline! Ano ba?!"natawa ako sa reaksyon niya kasi mukha siyang gulat na gulat.

Akala mo ginulat ng multo HAHAHAHA.

"Ano ba kasi tinitignan mo?"ang tanong ko sabay silip sa cellphone niya.

Angeline Quinto at Erik Santos, inamin nang magkarelasyon sa publiko?

Hindi na ako nagulat sa balitang ganito, malinaw pa sa tubig na lumabas ang balitang ito pagkatapos ng public display namin kagabi ni Erik sa park.

"Bakit nagpapanic ka? Eh ikaw nga ang nagbuking satin kagabi sa park eh..."ang sabi ko, medyo huminahon na ang mukha nito at ngumiti.

"Oo nga pala no'?"ang sabi pa nito, natawa ako ng bahagya sa mukha niya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa coffee table at tumingin din ng balita.

Angeline Quinto at Erik Santos, magkarelasyon ba talaga?

Ayon sa iilang tao sa nasabing park, nandoon daw ang dalawang beteranong mang-aawit na si Angeline Quinto at Erik Santos.

At ayon din sakanila, si Erik ang unang umamin na sila ng Star Power champion na si Angeline Quinto ay magkarelasyon na.

Ganon pa man, ay wala paring imik ang dalawa sa kanilang mga social media accounts.

Ikaw? Ano sa tingin mo? Sila ba talaga o hindi?

Natawa nalang ako sa nabasa kong article na ito, detalyado talaga at mas malinis pa sa balat ni Ate Kris ang pagkakapaliwanag.

"Wag kang masyadong magulat dyan, sabi na nga sa article oh! Ikaw ang umamin!"ang saad ko dahilan para sumimangot siya.

"Bakit ba ang kalma mo?"tanong nito, ngumiti ako sakanya.

"Because I'm ready to show the world/universe that we are together..."ang sabi ko dito.

Bumalik ito sa cellphone niya at ganun din ako, nakita kong nagtitipa siya sa telepono niya kaya hinayaan ko na siya.

Nags-scroll lang ako sa IG nang makakita ako ng isang post na galing sa katabi ko ngayon.

Picture namin yon, nakahalik siya sa pisngi ko at nakasmile lang ako and he captioned it with:

"You are my dearest love baby, iloveyou" and then he mentioned me.

Namula ako at tumingin sakanya, nagcecellphone parin siya. Bumalik ako sa cellphone ko at ni-like yung pinost niya at nagcomment pa ako para makaganti.

Sorry I Can't (Angerik FanFic)Where stories live. Discover now