Chapter 2

16 5 2
                                    




CHAPTER 2.
Finding It Out

Here.

Wow! This looks so nice! Ang ganda po mommy!

Your grandmother gave that to me. That was her 18th birthday present to me. Beautiful, isn’t it?

Opo! Akin na lang po ba ito?

Yes.

Yehey! Promise po iingatan ko ito! Thanks mom!

That memory flashed in my mind while I am staring at my mother’s bracelet. Sinabi ko kay mommy na iingatan ko ito but then I lost it. It’s not totally lost dahil ibinalik naman ito sa akin. And that’s all thanks to that guy. I must thank him sooner or later.

It’s been a day since that guy returned this important thing to me. And it’s been a day since my mind didn’t stop asking questions to me. Ewan ko ba. Hindi na ako pinatahimik ng isip ko matapos niya akong iwanan ng mga katagang iyon. And to be honest, I don’t know what to feel after that. Talagang nagblank out ako doon. Literal na natulala ako until Lasoline came to my table. Buong araw nga akong wala sa sarili ko noon dahil iniisip ko ang lalaking ’yon eh. Ewan ko rin ba sa sarili ko at masyado ko ’yon binibig deal eh sa ibang tao niyan ay for sure, typical story lang iyon, normal lang ba.

Siguro kaya big deal ’yon sa ’kin dahil iyon ay first time na nangyari sa ’kin? Hmm, I think ayun nga. Because all first times are the memorable ones.

At ang lalaking ’yon? Bukod sa siya lang ang unang naglakas-loob na lumapit sa akin at nagpakita ng kagandahang loob sa akin kahapon, siya rin ang unang taong nagbitaw sa akin ng mga ganung salita. Well, my mom used to give me her words of wisdom back then, but after she passed away, no one had the guts to give me those words, he’s just the one.

Kaya nga marami ring katanungan ang naisip ko eh. ’Gaya na lang ng kung paano niya nalaman na ako ang may-ari ng bracelet? Somehow I can give an answer to that, kaso may butas nga lang. Kasi malay ko ba naman kung nakita niya pala ako noong lumabas ako sa bahay na pinagtaguan ko para umiyak o natandaan niya ang bag ko noong lumabas ako doon.

Isa pa sa mga tanong ko ay kung bakit niya pa isinauli ang bracelet? Yes, I know mayroon pa rin namang kagaya niya na mga good samaritan these days, madalas iyon magtrending sa social medias eh. Nakakapagtaka lang. Parang ang questionable pa rin dahil base sa pananamit niya kahapon na isang green tshirt na kupas na ang kulay at maong pants na kupas na rin, I can say na mahirap lang sila. Kaya bakit niya pa isinauli ang bracelet ko eh pwede niya naman ’yon isangla dahil pure white gold talaga ’yon.

Tapos nagawa niya pa akong sabihan ng mga ganoong salita kahapon na para bang alam niya ang pinagdadaanan ko buong buhay ko. Like paano niya nagawang kumilos na para bang alam niya ang nangyari sa akin at nakapagbigay pa siya ng ganoong salita?

Ah basta! Sobrang dami pang katanungan sa isip ko at kung iisa-isahin ko pa, baka makatulugan ko na.

And these questions are making me piss off. Nakakapikon at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ang daming kong tanong na hindi naman mabigyan ng kasagutan o siguro dahil masyado ko itong iniisip. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako overthinker na tipo ng tao dahil feeling ko sasabog ang utak ko kapag nangyari iyon but it’s happening now.

Ugh! Why am I being like this?! This is unbelievable!

Nagtakip ako ng unan sa mukha at nagpagulong-gulong sa kama. Oh by the way, I’m here in the house. It’s already 9 in the evening. Usually natutulog na ako ng ganitong oras lalong-lalo na kapag nandito sila daddy pero magmula kahapon up to now, parang hindi ako nakakaramdam ng antok. Lalo tuloy akong napipikon.

That Beautiful Nightmare (paused)Where stories live. Discover now